ALICE "Teka, wait naman!" habol ko kay Kleinton sa elevator dahil sa suot kong sandals hindi ako makalakad ng maayos. Sabay kami na pumasok. Kahit ayaw niya na akong papasukin sa office niya ay nagpumilit pa rin ako. . Wala naman kasi akong magawa, gusto kong ma-enjoy ang sarili sa pang-aasar sa kaniya. Kaya nga heto at nagsuot ako nang mataas na hills para maasar siya dahil nagmamadali na ito. Kaya mas lalo ko pang inaasar. "Ano ba kasi nakain mo at sobrang haba ng sinuot mong hills?" kunot noo na lingon niya sa akin. Hinintay naman niya ako. "Trip ko lang. Ang sarap kasi sa paa, kapag mataas yung hills na suot ko." Habang inaayos ko ang sandals ko. Nakayuko ako dahil natanggal ang pagkatali ng sandals ko sa aking paa. Nabigla na lamang ako nang may pumulupot na braso sa aking