Alice De Rusi "Bakit 'di mo sinasabi sa aking may nangyari sa inyo ng masungit kong boss?" kaagad naman na asar sa akin ni Bettina. Niyaya niya akong mag-mall. Ngayon na lang kasi ulit ako nakalabas kaya kahit puno ako ng taklob sa mukha para lang hindi makilala ay tiniis ko. "Nabalitaan ko na lang sikat ka na, ikaw na ang laman ng mga news. Naku, bestie! " muli pang asar niya. "Hindi ko naman kasi alam na siya pala yung naka-one night stand ko noong broken hearted ako sa gago kong EX." naghanap kami ng fast food sa loob ng mall. Gutom na gutom na kasi ako. "Atleast si sir Keinton 'yon. Bunos na kasi napakagwapo pero malas mo kasi ang sama ng ugali. Hanggang ngayon 'di pa rin ako maka move on sa pagtanggal niya sa akin." bigla naman naging malungkot ang mukha ni Bettina. Heto na