ALICE "Kailan ka ba uuwi, Alicia?" habang kumakain kami ng hapunan kaagad na tanong sa akin ni Kuya Arnel. Ilang araw pa lang ako dito pero bakit parang pakiramdam ko, pinapaalis na kaagad nila ako? Sinamaan ko ng tingin ang kuya kong strikto. "Huwag mo 'kong tingnan ng ganiyan, Alicia. Kung away, away lang, walang layasan. Nag-asawa ka pa kung lalayas ka rin lang sa kaunting bangayan niyo ng bilyonaryo mong asawa." sermon ni kuya Arnel sa akin. Sasagot pa sana ako pero naunahan naman ako ni Kuya Anton. "Away pusa lang naman 'yan. In the next day, maayos na rin ang dalawang 'yan. 'di ba baby girl?" kumindat pa sa akin si kuya Anton. Ipinagtanggol niya nga ako pero may pang-asar naman na kasama. "Hindi naman kasi ako ang may gusto na magpakasal sa lalaking 'yon." nakanguso na sabi