Chapter 4

1437 Words
Jessa's POV ANG buong 13th floor ay ang buong opisina ni Mr. Guiller, ayon na rin sa sumalubong na babae sa kanya na nagpakilalang executive secretary ni Mr. Guiller Moretti. Lula siya sa opisina. Purong salamin ang mga dingding at sa gitna ay isang office table, sa harap niyon ay isang mahabang conference table na may labing dalawang upuan na kalahating dipa ata ang mga pagitan. Nakaupo si Mr. Guiller sa likod ng babasaging office table. "I didn't expect you to come this early, Ms. Chongson," magiliw na bati nito sa kanya. "Get us drink, Ms. Tenorio," utos nito sa secretary nito at tinuro ang upuan sa harap nito para maupo siya. Naupo naman sita at direktang tinitigan ang matanda. "I don't have money to pay for my father's depth, Sir," diretsang aniya. Hindi na siya nag-isip pa o nahiya dahil baka maduwag pa siyang sabihin ang pakay. Nakatitig siya ng diretso sa mga mata nito. Sa totoo lang wala siyang nadaramang takot o kaba. Parang natanggap niya na ang sitwasyon niya. Pakiramdam niya nga kung hihingiin nito ang bato niya hindi na siya mabibigla. Kagabi niya pa inihanda ang sarili sa mga worst na maaaring mangyari. Ano pa bang mas lalala sa sitwasyon nila? Tumikhim si Mr. Guiller, bahagya pang nakangiti ito. Inaasahan niya na sisigawan at magagalit ito dahil sa sinabi niya pero taliwas ang naging reaksiyon nito. "I like your guts, Hija," anito na pinagsalikop ang mga palad sa ibabaw ng mesa. "Pero ang utang ay utang at dapat niyo iyong bayaran." Marahan siyang tumango. "Alam ko po. Pero wala akong sapat na pera para ma-ipambayad sa inyo--" "Then why are you here?" nakataas ang kilay na tanong niyo. "Nandito po ako para makiusap, hindi para bigyan pa kami ng palugit dahil sa totoo lang kahit sampung taon pa ang ibigay niyo sa akin hinding-hindi ko mababayaran ang sampung milyon." Nagtaas siya ng noo at tinititigan ito. Totoo naman ang sinabi niya, walang-wala na sila para mahiya pa siya. "Makikiusap po sana ako, na ako na lang ang kuhanan niyo ng internal organs kapalit ng Papa ko," there nasabi na niya. Kailangan niya na lang hintayin ang sagot nito. Sana lang talaga ay pumayag ito. Nag-research siya at nalaman niya na malaki naman ang ibinabayad sa black market para sa mga organs. Malusog ang pangangatawan niya tiyak na mahal siyang mabibili. Ibebenta niya ang bato, puso at mata niya at kahit anong organs na phwedeng ibenta handa na siyang ibenta. Pero maniningil muna siya, sigurado namang may sosobra pang pera. Makikiusap siya na bigyan siya ng advance. Pauuwiin niya na sa Ilocos ang Papa niya. May isa pa siyang Tiyahin doon, kapatid ng Papa niya. Ibibigay niya sa Tiya Betty niya ang pera at sasabihing inegosyo iyon at arugain ang Papa niya. Bunsong kapatid iyon ng Papa niya at matandang dalaga kaya alam niyang Hindi mapapariwara ang Papa niya. Nag-init ang sulok ng mga mga mata niya. Nalulungkot siya na hindi na niya makakasama ang Papa niya pero okay lang basta nasa maayos itong kalagayan. Ito na lang ang natitirang magulang niya at nangako siya sa Mama niya na hindi pababayaan ang Papa niya. Kailangan niyang tuparin iyon. "I admire you, hija," ani ni Mr. Moretti. "You're taugh. But I do not agree with what you want." Umiling-iling pa ito. Handa na sana siyang magmakaawa ng muli itong magsalita. "But... I have a proposal to you, honey," anito. Pigil-pigil niya ang paghinga habang inaantay ang mga susunod na sasabihin nito. Maraming mga bagay ang pumapasok sa isip niya tungkol sa proposal na sinasabi nito. Pero mas lalala pa ba sa pagbebenta ng mga laman loob? "Instead of giving away your body organs why don't you work for me?" Binuksan nito ang cabinet at kinuha ang isang folder at ibinigay sa kanya. Nanginginig ang kamay na inabot niya iyon at binasa. Mukhang pinaghandaan na ng matanda ang pagpunta niya rito. Nakagawa na ito ng kontrata na nakapangalan sa kanya. Napangiti siya ng mapait. Siguro'y alam na nito na hindi talaga nila kayang bayaran ang sampung milyon. Sa itaas ng kontrata nakalagay ang 'EXCLUSIVE w***e AGREEMENT' Nalula siya sa taas ng presyo na nakalagay doon; 100,000 per night. Mabilis siyang nagkuwenta sa isip. Sa loob ng isang buwan kikita siya ng tatlong milyong piso at sa kulang-kulang na apat na buwan bayad na ang utang nila. Nabuhayan siya ng pag-asa pero agad siyang napangiwi. Kaya niya kayang sikmuraing maging bayarang babae? Pero may choice ba siya? May iba pa bang paraan? Wala na, maliban na lang kung mapapayag niya si Mr. Moretti na ibenta dito ang mga organs niya. Pero tinanggihan na siya ng matanda. "I'm giving you five minutes to think about it, hija," anito sa seryosong tinig. Bumuntong-hininga siya. "Hindi na po kailangan." Tinignan niya ang matanda, "May mga gusto lang akong ipabago sa kontrata at request," aniya rito. Buo na ang loob niya. Kung ito ang paraan so be it. UMUWI SIYA agad sa kanila at dumiretso sa kuwarto ng mga magulang niya. Kinuha niya ang luggage at inilagay doon lahat ng damit ng Papa niya. Nasa ganoong tagpo siya ng mapasukan siya ng Papa niya. Bahagya niya lang itong sinulyapan saka muling lumapit sa closet at kinuha ang mga nakahanger na damit. Inilapag niya iyon sa kama at isa-isang tinupi at inilagay sa luggage. "Anak, aalis ba tayo?" takang tanong ng Papa niya. Parang may kumirot sa puso niya. "Ikaw lang, Pa," aniya dito na hindi ito sinusulyapan nang tingin. "H-Ha? Wala naman akong pupuntahan, A-Anak." Lumunok muna siya para matanggal ang bikig sa lalamunan niya bago ito hinarap. Pinigil niya ang pangingilid ng luha at ang pagkabasag ng boses. "D-Doon ka muna sa Ilocos. Nakausap ko na si Tita Betty. Nakapagpa-book na rin ako ng ticket mo, mamayang 6pm ang flight mo," aniya saka ipinagpatuloy ang ginagawa. Hindi nakasagot ang Papa niya at tahimik lang na naupo sa gilid ng kama habang pinanonood siya. Kahit ayaw niyang malayo sa Papa niya kailangan niyang tiisin. Mas mabuti nang malayo ito sa kanya dahil hindi niya alam kung paano ito pakikiharapan kapag naibenta niya na ang sarili. Hindi niya maipapangako na hindi niya ito masusumbatan at ayaw niyang mangyari iyon. Mahal niya ang Papa niya kahit pa marami itong pagkukulang. Pumirma siya sa kontrata at isang taon ang kontrata niya bilang babaeng bayaran. Humingi siya ng paunang bayad para sa isang gabi at ni-request niya rin na kukuhanin niya ang kalahati ng sasahurin niya. Kailangan niyang mabuhay dahil hangga't humihinga siya hindi siya susuko. Pinadala niya ang kalahati ng pera sa Tita Betty niya at kinausap itong padadalhan buwan-buwan nang panggastos ng Papa niya. Mababayaran niya ang utang nila at makakaipon pa siya. Hindi na masama. Hinatid na niya ang Papa niya sa airport. Iyak ito nang iyak habang mahigpit siyang niyakap. Lahat ng pagpipigil ay ginawa niya para hindi rin umiyak. Ito ang unang beses na magkakalayo silang mag-ama. Nang mawala na ito sa paningin niya saka niya lang hinayaan ang sarili na umiyak. Ngayon mag-isa na lang siya. Bigla siyang nakaramdam ng takot. Takot sa mga naghihintay sa kanya. Bumalik siya sa bahay at mabilis na naligo at nag-ayos. Isang Love forest green skater backless dress ang suot niya. Lalong lumitaw ang kinis at puti ng balat niya. Ngayon na lang uli siya nagsuot ng ganito simula ng mawala ang Mama niya. Nag-apply siya ng make up no-make-up look at nagwisik nang papaubos niya ng Victoria's secret perfume. Wala siyang ibang alahas sa katawan kundi ang isang pares na tud earings at relos na regalo pa sa kanya ng Mama niya. Nilugay niya lang ang buhok niya pagkatapos i-blower. Pinagmasdan niya ang sarili at napangiti ng mapait sa naging resulta. Ngayon ang unang gabi ng 'trabaho' niya. Ngayong gabi din mawawala ang virginity niya. Sana lang hindi naman ganoon katanda ang maging unang costumer niya. Sana rin medyo guwapo at mabango para hindi na talo. "Dapat ata nagpadagdag ako dahil first time ko!" pagkausap niya sa sarili saka agad na humugot ng tissue at pinunasan ang luhang kumawala sa mga mata niya. Tumingala siya para pigilan ang mga luhang gustong kumawala sa mga mata niya. Hindi siya puwedeng umiyak dahil masisira ang make up niya. "Kaya ko to! Kakayanin ko to! Wooooh!" malakas siyang sumigaw at itinaas pa ang dalawang kamay sa ere saka kumembot-kembot. Sa ganoong paraan kahit papaano napapagaan niya ang pasanin. Kailangan maging positive siya para hindi siya mag-break down gaya ng gustong-gusto na niyang gawin. Kinuha niya ang purse niya ang inilagay doon ang cellphone niya saka lumabas ng silid. May trabaho pa siya. To be continued... 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD