Jessa's POV BAGSAK ang balikat nang lumabas siya sa opisina ng Dean. Tinanggalan na siya ng scholarship. Kailangan na niyang bayaran ang tuition fee niya sa susunod na semester. Saan naman siya kukuha ng three hundred fifty thousand? Hindi niya rin basta-basta makukuha ang mga credentials niya para lumipat sa state University dahil kailangan niyang bayaran ang fifty percent ng scholarship. At saan siya kukuha no'n? Naiiyak siya dahil sa nangyayari. Bakit parang hindi siya nauubusan ng problema? Pagkatapos ng isa may dumarating na naman. Parang gusto na niyang sumuko sa totoo lang. Napaupo siya sa isang bench dahil pakiramdam niya hapong-hapo ang katawan niya. Gusto niyang makatapos ng pag-aaral para makahanap siya ng disenteng trabaho. Anong gagawin niya ngayon? Hindi naman s