Jessa's POV HINDI siya pumayag na magsabay sila ni Xyrius sa pagpasok kahit pa ang tagal nilang pinagdiskusyunan ang bagay na iyon kanina habang nag-aalmusal. Nahihiya kasi siyang makita na kasama ito dahil baka kung ano na naman ang isipin ng iba. Ayaw niya ring makita siya ni Emma na kasama si Xyrius. Kahit ayaw niya may utang na loob siya sa bruha dahil ito ang tumulong at nagdala sa kanya sa ospital. May kabutihan rin pa lang taglay si Emma kahit numero unong impakta. Hindi man malinaw sa kanya kung ano ang mayroon sa pagitan nito at ni Xyrius alam niya namang nasasaktan ito kapag nakikitang nakadikit sa kanya ang binata. Saka paano niya pa ito papatulan kapag pinag-initan na naman siya ni Emma gayong alam niyang may utang na loob siya dito. Napabuntong-hininga na lang siya