Kuyom ang mga kamao ko habang nakatingin sa mga panty na hawak-hawak ko. Naisip ko rin na paano kung makita ito ni Inay at mabasa ang pangalan na Josh Marquez? Anong ipapasulot ko sa aking Ina? Nakakahiya iyon at baka kung ano ang isipin nito. Kaya naman dali-dali akong lumabas ng aking kwarto para puntahan si Josh Marquez. Pagdating sa tapat ng silid ni Pusit ay marahas akong kumatok. Mayamaya pa'y bumukas ang pinto at bumungad sa aking harapan si Marquez. Hindi maipinta ang tabas ng pagmumukha ng lalaki. “What?!” pasinghal na tanong niya sa akin. Aagd ko namang ipinakita sa lalaki ang hawak-hawak kong mga panty na kulay black. “Bakit may mga pangalan mo itong mga panty? Sa ‘yo ba ito?!” asar na tanong ko kay Marquez. “Pinagawa ko talaga iyan para sa ‘yo lalo at nakita kong butas-but