(MEDINA’S POV) Namumungay ang mga mata ko habang nakatingin sa kapreng kaharap ko. Natatandaan ko ang kapreng ito at siya lang naman ang humabol sa akin noong nakaraang gabi. Kahit lasing ako'y natatandaan ko ito. Teka, paano kaya siya nakapasok sa bahay ni Pusit? Parang hindi ko naman yata binuksan ang pinto kanina. Kaya nagtataka talaga ako kung bakit may kapreng naligaw. Hanggang sa tumingin akong muli sa kapreng kaharap ko. Nakikita kong parang nagiging dalawa na ang tingin ko sa kapreng kaharap mo. “H---Hoy ikaw na kapre ka. Pa---ano ka nakapasok sa bahay ni Ulong pusit, ha? Kung ako sa ‘yo ay lumabas ka na sa bahay ni Marquez, may dala-dala kaya akong ateng-anteng, ito ang ilalaban ko sa ‘yo!” sigaw kong muli. Nagsimula na akong humakban para lapitin ang lalaking kapre ngunit an