Hinintay ko kung ano ang sasabihin sa akin ni Marquez. Lalo at hindi maipinta ang mukha ng lalaki habang nakatingin sa akin. Mukhang hindi nito nagustuhan ang aking tinuran sa kaniya. “Ayaw mo? Hindi mo ba alam na malaking halaga ang nakalagay sa papel na ito, Medina!” mariing sabi ng lalaki sa akin. Ngunit umismid lamang ako rito. At muling tumingin sa lalaki. “Ayaw ko niyang, ang gusto ko ay tunay na pera. Saka papayag lang ako sa deal mo kung may kasunduan tayong pinirmaha at hawak ko na rin ang pera, Sir Josh. Sa panahon ngayon ay kailangan kong maging mautak lalo at usong-uso ang mga taong manloloko---” “So, manloloko ako, ganoon ba, ha, Medina?!” paasik na tanong sa akin ng lalaki. “Wala akong sinabing pangalan, Sir Josh. Nag-iingat lang ako,” katwiran ko sa lalaki. Nagbuntongh