Malalakas na katok ang gumising sa kanya kinabukasan. Kapag araw ng sabado ay si Claime lamang ang nandidistorbo sa kanya.He insisted her to cook.Request nito sa kanya ay ang pagluto ng malaysian food noodles o meegoreng na minsan ay niluto niya sa isla at nagustuhan talaga ng binata dahil maanghang ang naturang pagkain na nilalagyan ng sauce at the best na kapartner ang pritong itlog. Hindi pa man nakapaghilamos ng mukha at nakapagmumok ay dumiretso na siya sa pintuan upang pagbuksan ang lalake na pangiti-ngiti pa sa kanya habang itinataas ang isang kilay nito. Itinaas nito ang hawak na malaking plastic na lahat ay rekados sa pagluto ng meegoreng. " Required ba talaga na maagang maaga?Distorbo ka talaga!" sambit niya rito. Tumalikod siya upang pumunta sa kusina at naghilamos ng m