Maaga siyang nagising dahil ito ang araw na pupunta sila ni Claime sa bahay ampunan. Namili sila ng mga laruan at umorder ng mga pagkain sa isang fast food chain para sa isandaang bata na nakatira sa bahay ampunan na iyon. Kitang kita kung gaano kasaya ang mga bata sa bigay nilang mga laruan. Karamihan sa mga batang naroon ay ulila na at wala nang pamilyang nais na mag-aruga sa mga ito. She can relate also dahil isa rin siyang ulila.Alam niya kung gaano kalungkot ang maging mag-isa.Kaya kahit na sa ganitong paraan lamang ay mapapasaya nila ang mga ito. Ang ngiting sumilay sa pisngi ng mga bata ay napakamalaking bagay para sa kanya. " Maraming salamat po, Ma'am Serena and Sir Claime.Sana po ay pagpalain pa kayong dalawa ng panginoon!" pagpapasalamat sa kanila ni Sister Joana. Ito ang n