K A R I S S A R E A G A N
“Anong nangyari sa’yo, Ris?” tanong ni Mark sa akin, nang abutan niya ako sa locker, although hiwalay ang locker ng babae at lalaki, madalas siyang pumupunta dito, “Nasaan ba si Emcee? Ang akala ko magkasama kayo?”
Umiling ako habang pilit tinatanggal ang harina na dumikit sa buhok ko, “Hindi, tsaka maaga pa naman. Thirty minutes pa bago mag start class natin, parang di mo kilala yon, saktong oras pumasok.”
“Ano ba nangyari sayo, ha?” kinuha niya ang susi sa bag ko, at siya na ang nag bukas ng locker ko, kinuha niya ang towelette at tinulungan ako tanggalin ang mga nasa buhok ko. “Putangina, si Therese nanaman may gawa nito?”
Tumawa na lang ako dahil sa sinabi niya, isang lingo na nang magsimulang mangyari to, at hindi naman lingid sa kaalaman namin na si Therese ang may gusto na mangyari to, nakakainis, oo, sino ba naman kasi may gusto na maranasan to araw-araw? I mean wala naman akong ginagawa sa kanya, pero bakit kailangan niya akong pag initan diba?
“Hayaan mo na, baka ako trip nya ngayon, lilipas din yan, mawawalan din siya ng amor sakin, pero ngayon, wala naman akong magagawa, sya ang perfect student ng school na to, mayaman, maganda, matalino.”
“Baliw naman, pag yan sinuntok ko, walang magagawa ganda at talion nyan, epal ng babae na yan, mas pogi pa ko sa Jake na yan, bakit kinababaliwan ng Therese na yan?”
“Sus, ikaw rin naman sa ex mo ha? Ano nga pangalan non, Lily ba? Ang sagwa kaya non, di nga namin alam ni Emcee ano nagustuhan mo sa babae na yon, at hinabol mo pa nung nakipag hiwalay sayo,”
Tumawa na lang sya at mahina akong binatukan, “Tumahimik ka na nga, masyado ka nang marami nalalaman.”
Matapos ang asaran session namin, tinulungan niya ko alisin yung mga bagay na dumikit sa buhok ko bago ako nag shower, pumunta na rin kami sa library, kahit grade conscious ako, mas pinili ko na hindi na pumasok.
Inaaya ako ni Mark sa library, napagpasyahan na lang namin na mag simula sa research paper, hindi pa namin alam kung ano gusto namin pag aralan, pero mag hahanap kami ng maganda at knowledgeable.
“Ano ba gagawan natin ng research, mahirap din pala pag anything under the sun ang topic.” Natawa ako sa sinabi nya, pinayagan kasi kami ng professor naming na gumawa ng research na gusto namin, basta kaya naming i-defend.
“Maghanap ka na lang dyan, makakakita rin tayo ng maganda,” sabi ko at kumuha ng ilang libro sa shelf ng ‘Life after death’ book, curious lang ako, hindi naman sa magagamit namin to sa research, gusto ko lang basahin.
“Oh, bakit mo kinuha yan? Huwag mo sabihin na gusto mo pag aralan yung mga namatay tapos nabuhay? Alam mo naman na walang ganyan satin, sa liit ng bayan natin na to.”
“Sira, gusto ko lang basahin, hello? Library to, bawal na ba kumuha ng libro? Iuuwi ko to.” Sagot ko, hindi na rin sya nagsalita at humanap na ng uupuan namin.
Iilan lang ang tao ngayon sa library, gawa ng karamihan sa mga estudyante, nasa klase na, first time ko hindi pumasok sa class ko, isang lingo na rin kasi nang magsimula ang pang bubully sakin, sobrang pag iwas na rin ang ginawa ko kay Jake, dapat sya kumausap kay Therese, hindi titigil yon hanggat hindi ako umaalis ng school na to, o may bagong targot na ang lalaki nya.
“Kanina pa pala nag tetext si Emcee,” tinignan ko agad si Mark habang hawak ang phone niya at mukhang may binabasa, “Hindi rin pala sya nakapasok, masama daw pakiramdam nya, kaninang umaga pa pala nag text.”
Tumango na lang ako at ipinagpatuloy ang pagbabasa, hindi na bago sa amin na masama ang pakiramdam niya, mahina ang katawan ni Emcee, inborn na daw talaga yon, dahil namana nya ito sa nanay niya, na namatay matapos siyang ipanganak.
Bunso siya sa tatlong magkakapatid, sa siyudad nag tatrabaho ang tatay nila, at madalang umuwi, silang magkakapatid lang ang naiiwan sa bahay, mababait naman ang kapatid niya at inaalagan siya, pero syempre, may mga sarili rin silang buhay.
“Puntahan na lang natin sya mamayang hapon, dalan natin ng mamon,” suhestyon ko, wala naman kasi akong pasok mamaya, kaya ayos lang na umalis ako mamayang hapon, alas tres lang ay tapos na ang klase namin.
Maliit lang ang bayan namin, at halos puro shrine at pataas ang mga bahay, katabi kasi kami ng dagat at sa kabilang bahagi naman ay mga bundok, sobrang layo naman sa siyudad, at lahat ng tao dito, magkakakilala.
May ilan na galing sa bayan, o galing sa syudad na pinipili na dito na lang tumira, gaya ng mga magulang nila Therese at Jake, yung nanay ni Mark sa syudad din galing, pero nung mag apat na taon si Mark, umuwi sila dito, kaya kami nag kakilala nil Emcee.
Halos isang oras din kami nagbasa bago siya nag ay ana kumain, halos lunch na rin kasi, pero dahil gusto ko nga umiwas sa maraming tao, sinabi ko na hindi ako nagugutom, at pumasok na lang ako sa second class ko, empty room ang inabutan ko dahil thirty minutes pa bago magsimula ito.
Huminga ako ng malalim at kinuha ang libro na hiniram ko sa library. ‘Life after death.’ Curious lang naman ako sa title, hindi naman dahil hopeless na ang tingin ko sa buhay.
Mahirap pag wala nang mga magulang, pero ewan ko ba, hindi ko naman iniisip kahit kailan na magpakamatay kahit sobrang hirap na ng mga bagay, mahirap naman kasi talaga mag isa, lalo na sa ganitong edad ko, hindi pa nga ako fully adult, pero kailangan ko nang harapin ang mga bagay na mag isa.
“Ohh, look who’s here. The slut.” Hindi na ko nag angat ng tingin, dahil boses at klase ng pananalita pa lang alam ko na agad kung sino yon. “I heard, hindi ka daw pumasok sa first class mo and you’re with a guy? Sabi ko nan ga ba, malandi ka, hindi talaga ako nagkakamali sa pagtingin ng malandi sa hindi.” Hindi ako sumagot at hinayaan lang siya na magsalita, nakakapagod kahit aura niya lang.
“Hoy, sumagot ka, kinakausap ka ni Thea,” sabi ng asungot na kasama niya, “Ang tapang, wala naman magulang, kaya ganyan yan eh, walang nagpalaki.”
“Balita nga sa baryo, malas sya sa pamilya nila, kay namatay ang mga magulang nyan, tapos pinalayas ng mga kamag anak niya, hindi daw kasi maganda ugali.”
Kinagat ko ang dila ko para pigilan ang bibig ko na sumagot, gusto ko na lang na matapos sila sa sinasabi nila at umalis, hindi ko naman sila kaklase dito, irregular students sila, bumagsak sila sa isang course subject namin, last sem, kaya kailangan nila habulin yon.
Mayaman naman sila Therese, pero hindi ko alam kung bakit hindi ginawan ng paraan ng mga magulang niya na maalis sya don. Itong lugar ng Dreus, para lang din Flovence, kaya hindi ako nahirapan mag adjust, pati mga tao sa baryo ko dati ganon din, maliit na lugar lang din ito, pero sapat na ang layo para hindi ko makita ang mga kamag anak ko.
Hindi ko alam kung paano pa rin nila nabalitaan o nalaman na wala na akong magulang at pinalayas ako ng mga pamilya ng parehong Partido, at mag isa ako. Pero kailangan ba talaga nila sabihin yon? Sobrang insensitive naman pala talaga nila.
“Girls, let her be.” Pigil ni Therese sa kanila, nag lakad pa siya papalapit sa akin, “Sigurado naman ako na sanay na siya na maiwan, mapag usapan, at mag isa.” Masakit, pero tama sya, “Listen b***h,” lumapit sya sakin at halos pabulong na lang ang sinasabi, “We are not done yet, I will make sure that you will pay for the heartache you gave me,”
Kunot noo ko siyang tinignan, “Wala akong ginagawa sayo, Therese. Kung ayaw mo na may nilalapitan si Jake, itali mo, hindi ko rin naman siya gusto, at wala akong interes sa kanya, sayo naman sya, kaya please,” bahagya akong yumuko, “Tigilan mo na ko.”
“Don’t make me laugh.” Napansin ko ang pag iiba ng tono ng boses nya, para na siyang nanggigigil, nagpipigil ng galit, “Hindi na ako masyadong kinakausap ni Jake, at sayon a sya lagi nakatingin, he even called me accidentally using your name, I know you did something to him, and you’re going to pay hard for that.”
Matapos niyang sabihin yon ay umalis na sila, napahawak ako sa dibdib ko, hindi ko alam kung bakit, sa pinaka unang pagkakataon, kinabahan ako.