"Hindi ka na naman sumasagot, Mahal. Hindi mo ba ako nami-miss?" muling tanong ni Owen. Sumandal si Madice sa upuan at sinagot ang kasintahan. Naiinis siya kay Owen dahil naglilihim ito sa kanya ngunit mas naiinis siya sa kanyang sarili dahil naglilihim din naman siya sa lalaki. "Kelan ka, uuwi?" matigas niyang tanong dito. "So, na-miss mo na nga ako, Mahal kasi gusto mo na akong pauwiin," masayang sabi nito. "Iba ang ibig sabihin ng gustong pauwiin sa kung kelan ka uuwi," pagtatama niya sa lalaki. Narinig niyang tumawa ito nang malakas. Napairap tuloy siya sa isiping iniinis siya ni Owen. "Hindi ako nakikipagbiro sa 'yo, Owen. Tinatanong kita kung kelan ka uuwi." "I love you, Mahal. Sobra na kitang na-miss. Isang araw lang na hindi tayo magkasama, parang isang taon na." "Ano ba