Si chesca ay totoong mayaman dahil hindi nya alam na meron iniwan ang kanyang mga magulang na yaman para sakanya alam nilang maaksidente sila kaya iniwan nila ng yaman ang kanilang pinakamamahal na anak na si chesca.
Iniwan nya ito sa isang lalake,lalake na babago sa buhay ni chesca.
Isang mafia na kinakatakutan ng lahat.
Chesca POV
Nandito ako sa condo ko na aking nirerentahan nagtratrabaho din ako bilang isang waitress sa isang restaurant umuuwi muna ko dito upang magpahinga tsaka pupunta sa trabaho minsan naman duon na ko dumideretso na.
Ginawa ko na ang kailangan kong gawin at pumunta sa restaurant hindi na ko nahirapan dahil sanay naman ako sa hirap.
Pagkapasok ko sa "the kitchen" ay nakita ko agad ang aking kaibigan na si sarah.
"Sarah kanina ka pa nandito?" Tanong ko
"Hindi kakarating ko lang rin." Sagot ni sarah with smile.
Namayani ang katahimikan at nagsalita ulit si sarah.
"Nga pala chesca mag aaral na rin ako sa school na pinapasukan mo." Sabi ni sarah
Hindi makapaniwala na tinignan ko sya.
"Talaga? Mabuti naman at mag aaral ka na rin sarah." Sagot ko dito.
Ang pangalan pala ng paaralan namin ay moonlight academia na tanging mayayaman tulad ng sabi ko.
"Nagpag-isipan ko kase sayang ang talino ko kung hindi ako makakapagtapos." Sabi ni sarah.
Matalino naman talaga si sarah sakanya ako minsan nagpapaturo wala na rin pamilya si sarah kaya parehas kami kumakayod.
Nagtrabaho na kami at nang matapos ay nag ayos at naghanda sa pag-uwi.
Nandito na kami ngayon sa labas ng the kitchen.
"Una na ko sayo." Saad ni sarah.
"Sige ingat ka see you tomorrow." Sabi ko
"Bye." Saad nya tsaka umalis kaya sumakay na rin ako sa motor ko na si kumi at pinaandar ng mabilis ng makarating na ko ay nagpahinga muna ko saglit at naligo at sinuot ko ang aking pantulog.
GOODNIGHT.
z
Z
z