Chapter 7

1316 Words
HABANG nilulunod ni Zoe ang sarili sa alak ay wala siyang kamalay-malay na sa 'di kalayuan ay pinagmamasdan siya ni Reighn at lihim na natutuwa sa nangyayari sa kaniya. ‘Sige lang, Zoe, masaktan ka lang habang nakikita mong masaya kaming pareho ni Dylan,’ ani ni Reighn sa kaniyang isip. ‘Kung dati ay solong-solo mo siya p'wes ngayon iba na. Ngayong abot-kamay ko na ang tagumpay ay hinding-hindi kita hahayaang nakawin 'yon sa akin.’ Hindi mapigilan na mapangisi si Reighn pagkatapos ‘yon sabihin sa kaniyang isip. High school pa lamang sila noon ay lihim na niyang minamahal ang binata. Noong unang beses niyang makita si Dylan sa birthday party ng kuya niya, sa hindi malamang dahilan ay nagsimulang tumibok ang puso niya para sa binata. Kaya noong magkaroon sila ng pagkakataon na makapag-usap sa araw na 'yon ay nag-uumapaw ang saya na naramdaman niya. Subalit saglit ding napawi 'yon nang tawagin ni Zoe si Dylan at tuluyan nang nawala ang atensyon ng binata sa kaniya. Ilang saglit pa ay nagulat siya nang magpaalam ang dalawa na uuwi na dahil inaantok na raw si Zoe. Isang magandang pagkakataon na sana 'yon para maitanong kay Dylan kung girlfriend ba nito si Zoe. Napapansin kasi niya na kahit saan magpunta si Dylan ay laging nakabuntot si Zoe sa binata na akala mo magugunaw na kinabukasan ang mundo. Hindi niya maiwasang mainis sa dalaga dahil hindi nangyari ang sana'y magandang pagkakataon na makausap si Dylan. Kahit itanggi niya kanino man ay alam niya sa sarili na naiinggit siya kay Zoe. Gusto rin niyang mapansin, mabigyan ng atensiyon at ng pagmamahal ni Dylan kagaya ng ibinibigay nito kay Zoe. Minsan na rin niyang hinangad ang mapunta sa posisyon ni Zoe, pero hindi niya maisakatuparan 'yon dahil parang isang tuko si Zoe na laging nakadikit kay Dylan. Tuluyan siyang nawalan ng pag-asa nang magdesisyon ang Mommy niya na dalhin siya sa America upang pansamantalang manirahan doon noong panahon na maghiwalay ang mga magulang nila. ‘Akin lang si Dylan, Zoe! Sisiguraduhin kong hindi mo siya maaagaw sa akin!’ sigaw ni Reighn sa kaniyang isip. Natigil bigla ang kaniyang pag-iisip at napabalik sa diwa nang tawagin siya ni Dylan. "Reighn, nandito ka lang pala. Tara at bumalik na tayo sa table." Hinawakan ni Dylan ang kamay niya at para maalalayan papunta sa kanilang table. "I'm sorry kung pinaghintay kita, Dylan. May kinausap lang akong bisita ni kuya," pagdadahilan niya rito. Binalik niya saglit ang tingin kay Zoe na patuloy pa rin ang pag-inom ng alak bago niya nilingon si Dylan. "It's okay, Reighn. No need to apologized, okay?" Sabay ngiti ng binata sa kaniya at tumango lang ang dalaga. "Tara na, Dylan. Baka hinahanap na tayo ni Kuya Hayden." Tiningala niya ang binata at binigyan niya ito bigla ng isang simpleng halik sa pisngi. Pagbalik sa kanilang lamesa ay nadatnan na ni Dylan at Reighn sina Zoe at Hayden na naroon din kaya nagpasya silang apat na uminom na lamang. "Cheers, guys!" sabi ng birthday celebrant na si Hayden kina Zoe. "Cheers!" sabay-sabay na sigaw nilang apat. Sa kalagitnaan ng inuman ay nagpaalam si Zoe na magbabanyo na muna. Habang abala sa pag-iinom ay hindi napansin ni Dylan ang pagsenyas ni Reighn kay Hayden na sundan nito si Zoe. Hindi na rin nakita ni Dylan ang mala-demonyong ngiti ni Reighn. Naramdaman na ni Zoe ang epekto ng alak sa kaniyang kaibuturan. Nahihilo na siya habang tinatahak ang daan papuntang banyo. Nang makita ang hinahanap ay nagpasya siyang maghilamos muna para kahit papaano ay mahimasmasan. Kasabay ng pagbasa niya sa kaniyang mukha ay ang pagtulo ng mga luha na kanina pa nagbabadyang kumawala. Nasasaktan siya nang sobra na makita ang lalaking minahal niya sa matagal na panahon na masaya sa iba at ang masaklap pa ay sa babaeng kinamumuhian pa niya. "Bakit hindi na lang ako, Dylan? Ako na laging kasama mo kahit noong bata pa lang tayo. Ako na bestfriend mo na handa kang mahalin ng totoo," ani niya sa sarili at tuluyan na ngang humagulgol habang nakatingi sa harap ng salamin. Awang-awa na siya sa kaniyang sarili. Nasa ganoong ayos si Zoe nang mabaling ang atensiyon niya sa may bungad ng banyo. Nagulat pa siya nang makita roon si Hayden. Kahit nahihilo siya ay alam niyang hindi siya namamalik-mata lang. "What are you doing here?" tanong ni Zoe nang magtagpo ang mga mata nilang dalawa ni Hayden. "Zoe, are you okay? Anong ginagawa mo?" tanong ni Hayden sa kaniya at tinignan ang kabuuang ayos ng dalaga. ‘Kaya ako nandito kasi trip kong mag-walling, ganoon,’ sagot ni Zoe sa kaniyang isip, pero hindi na niya isinatinig 'yon. Masyado na maraming tumatakbo sa isip niya. "Nahihilo lang ako, pero kaya ko pa naman." Akma na sana siyang tatayo nang ma-out of balance siya. Buti na lang maagap siyang nahawakan ni Hayden sa kaniyang bewang. Itinayo siya nito ng maayos at pinunasan ang mga butil ng pawis sa kaniyang mukha gamit ang isang kamay. "You're not okay, Zoe. Halika tutulungan na kita," wika ni Hayden. "Salamat," tipid na sagot ni Zoe sa binata. Magkadikit ang katawan nila kaya hindi maiwasan ni Zoe ang mailang dito. Gwapo, matalino at malakas ang s*x appeal ni Hayden at kahit sinong babae ay mahuhumaling dito. Matagal na ring nagpapahiwatig ang binata na gusto siya nito, pero sadyang nakatuon ang buong atensiyon niya kay Dylan kaya hindi niya ito binibigyan ng pansin. Si Dylan lang ang lalaking minamahal niya dati pa na ngayon ay siyang dahilan ng sakit na nararamdaman niya. "Zoe, are you crying?" pukaw ni Hayden sa pagmumuni-muni niya. Hindi man lang niya namalayan na umaagos na pala ang luha sa mga mata niya. "Ha? Ah, ano ka ba. Ayos lang ako. Napping lang! s**t!" pagdadahilan nito. “Bakit ka nga pala nandito? Sinusundan mo ba ako?" pag-iiba niya sa usapan. "Of course not! Papunta na sana ako ng rest room nang may marinig akong humihikbi kaya sumilip na ako at nakita nga kita," paliwanag ni Hayden. Nakita at narinig pala nito ang iyak niya. "Huwag mo nang isipin 'yon. Halika na at bumalik na tayo sa kanila," pag-iiwas ni Zoe. "No, Zoe! Hindi tayo babalik doon hangga't hindi ko nasisiguradong okay ka. Si Dylan ba ang dahilan Zoe?" tanong ni hayden sa kaniya. Umiling siya at akma na sanang aalis, ngunit bigla na naman siyang nakaramdam ng pagkahilo. Naging malabo na rin ang paningin niya. Naiyakap ni Hayden ang kaniyang mga braso sa katawan ni Zoe. "I'm tired. Gusto ko nang umuwi,” nanghihinang sabi ni Zoe. Pinikit niya ang kaniyang mga mata. Naramdaman niya ang paghagod ni Hayden sa kaniyang likuran at ang paghigpit ng yakap nito. "Ihahatid na kita sa inyo," ani ni Hayden sa bandang tainga niya. Naramdaman niya ang mainit na hininga nito sa kaniyang leeg. Iyon ang eksenang naabutan ni Dylan. Nakita niya ang posisyon nina Zoe at Hayden na magkayakap. Kahit marami na siyang nainom ay nasa katinuan pa naman ang pag-iisip niya. Hindi niya kailanman nakita ang dalaga na may ibang lalaki na kayakap. Pakiramdam ng binata ay pinagsasamantalahan niya ang kahinaan ng kaibigan niya. Kaya naman umapoy ang galit niya at sinugod si Hayden. "What are you doing, Hayden?" bigla nitong sigaw at agad na hinila si Hayden. Bago pa man makasagot si Hayden ay binigyan na ito isang suntok sa mukha ni Dylan. Nagulat din ang dalaga sa ginawa ng kaibigan. Napagewang ang katawan ni Zoe nang mapakawalan siya ni Hayden at namilog ang mga mata niya nang makitang sinuntok ng kaibigan nito si Hayden. "Dylan, bakit ka ba nanununtok? Walang ginagawa si Hayden sa akin!" namumula ang mukha ni Zoe habang nagsasalita. Buti na lang at wala pang pumapasok sa lugar kung nasaan sila ngayon. "Easy, bro! Tinutulungan ko lang si Zoe dahil nahihilo siya. Iba ang nasa isip mo. s**t!" mura nito nang malasahan ang sariling dugo mula sa labi nito na pumutok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD