ISANG buwang tulala at lumuluha si Zoe. Siguro sapat na iyon para naman magpakalayo-layo at ituloy ang buhay niya. Hindi man siya sanay na malayo sa mga taong mahal niya, pero kailangan niya nang sanayin ang sarili. Hindi ganoon kadali na mag-stay kung alam niyang walang taong gustong tumanggap sa kaniya.
"Hindi na ba kita mapipigilan, Zoe?" bungad na tanong ni Abby habang nakatingin sa kaniyang anak na nag-iimpake ng mga gamit. Napabuntong hininga naman ang dalaga at napatigil sa ginagawa. Hinarap niya ang kaniyang nanay at pilit na ngumiti.
"Sorry, Mom,” mahinang sabi ni Zoe. Tumingala siya para pigilan ang muling pagtulo ng luha niya. Lumapit naman si Abby sa kaniya at hinaplos ang likuran nito. Nang ibalik ni Zoe ang tingin sa kaniyang nanay ay nakita niya ang lungkot sa mga mata nito. “Sorry po kung iiwan kitang mag-isa. Kailangan ko lang pong umalis dahil naaawa na ako sa sarili ko."
“Naiintindihan naman kita, Zoe. Mahirap talagang magmahal ng taong hindi ka kayang mahalin pabalik.” Napaiwas ng tingin si Zoe nang tamaan siya sa sinabi ng kaniyang nanay. Tanging ang Mommy niya lang ang naging sandalan habang nasasaktan kay Dylan. Alam niyang maiintindihan din siya ng magulang dahil saksi ito kung paano minahal ni Zoe ang kaniyang kaibigan.
“Akala ko wala ng luha, pero bakit ganoon?” tanong ni Zoe sa kaniyang sarili at pinunasan na ang nagsipag-unahang luha na tumulo sa kaniyang magkabilang pisngi.
"Halika nga rito,” ani ni Abby at ini-extend ang kaniyang mga kamay. Lumapit naman si Zoe at hinayaan ang sarili na yakapin siya ng kaniyang nanay. Tumugon naman ito sa pagkakayakap ni Abby.
Sa isip ni Zoe ay bakit ganoon kasarap ‘yong feeling kapag niyayakap ng sariling nanay? Para bang lahat ng problema ay gumagaan.
"Everything will be okay. Huwag ka nang umiyak, Zoe,” pagpapatahan ni Abby sa kaniyang anak at para mabaling sa iba ang atensyon ay nagbiro din ito. “Ang pangit mo pa naman kapag umiiyak."
"Mom, naman!” nakangusong sabi ni Zoe at humiwalay sa pagkakayakap. Tinitigan niya naman ang kaniyang nanay at alam niyang mami-miss niya ito kapag pumunta na siya ng ibang bansa. “I love you, Mom. Mag-ingat ka po rito, ha? Wala ako para bantayan ka."
Hindi mapigilan ni Zoe na makonsensya dahil sa paglilihim sa totoong nangyari sa kanila ni Dylan. Ang buong alam lang ni Abby ay nasaktan ang anak dahil may ibang babae na si Dylan. Alam niyang dadalhin niya ang ganoong feeling pagdating niya sa Canada.
"Mom, bakit hindi na lang po kayo sumama sa akin para one big happy family na tayo ni Daddy sa Canada,” suhestiyon ni Zoe. Kahit imposible ang sinasabi niya ay sinubukan niya pa rin ito.
Bata pa lang ay lumaking magkahiwalay ang mga magulang ni Zoe. Her father live in the Canada to continue running their family’s business. Bukod pa roon ay nalaman nila na nagkaroon ng bagong pamilya ang Daddy niya sa Canada. Kung hindi lang din siya niloko ng babaeng napakasalan nito ay hindi magbabalikan ang mga magulang niya.
While her mother stays here to take care of the business in the Philippines, Dylan’s parents are one of their partners in our company. Kaya hindi posibleng magkaroon ng matibay na koneksyon sina Zoe at Dylan.
"Alam mo namang kailangan ako dito, baby,” paliwanag ni Abby.
Alam ni Zoe kung bakit hindi nito maiwan ang negosyo sa Pilipinas at naiintindihan niya ito. Ayaw niyang sayangin ang lahat ng pagsisikap ng magulang nang dahil lang sa pagmamahal niya kay Dylan. Kung hindi siya makakapag-concentrate kasama si Dylan ay kailangan niyang lumayo sa binata.
Hindi niya mapigilang maalala ang gabi na nangyari sa kaniya at dahil doon ay gusto niya nang patayin ang sarili dahil sa kahihiyan. Kahit na ganoon ay wala siyang pinagsisihan na binigay kay Dylan ang lahat. Ang masakit lang ay simula noong nangyari sa kaniya no’n ay pakiramdam niya na kinamumuhian na siya ng binata. Pakiramdam niya na siya ang may kasalanan ng lahat.
Hindi lang naman siya ang may gusto na may mangyari dahil pati si Dylan ay ganoon din ang naramdaman. Kahit noong gabing nagtatalik sila ay pangalan ni Reighn ang bukang-bibig ng binata.
Sa paglayo niya ay hahayaan niyang magpakasaya ang dalawa. Ayaw niya nang humadlang dito dahil naniniwala siya na kung sila talaga ang tinadhana ay sila rin ang pagtatagpuin sa dulo.
Tinulungan na siya ni Abby sa pag-iimpake ng damit. Pagkatapos magligpit ay kumain sila sa labas bilang padespedida ng kaniyang nanay sa kaniya. Bukas na kasi ng maaga ang flight niya papuntang Canada. Kung puwede lang na hindi siya umalis para makasama ang Mommy niya, pero hindi niya naman kaya. Sa patuloy na pagkikita niya sa dalawa ay araw-araw lang din siyang pinapatay nito.
Kinabukasan ay maagang hinatid nina Abby at parents ni Dylan si Zoe sa airport. Hindi na rin nakasunod si Dylan dahil may importante itong gagawin. Hindi na rin nag-abala pang tanungin ni Zoe ang kaibigan sa magulang nito.
"Happy trip, iha. Mag-iingat ka, okay?” Lain said--- ang Mommy ni Dylan. Tumango naman si Zoe at niyakap ang mga magulang ni Dylan. Naging malapit na rin kasi ang dalaga sa kanila. Pilit na ngumiti si Zoe nang tignan ang dalawa pagkatapos ng yakap. Inisiip niya na mabuti nang walang alam ang mga magulang nito tungkol sa kanila ni Dylan.
Nilingon naman ni Zoe ang kaniyang nanay na hindi matigil sa pag-iyak. “Mag-iingat ka, anak. Sabihin mo sa tatay mo na malalagot siya sa akin kapag pinabayaan ka niya roon.”
Tumawa naman si Zoe sa sinabi ng nanay at ‘saka niyakap ito ng mahigpit. “Mag-iingat ka rin dito, Mommy. Ingatan mo ang health mo, ah. Huwag kang palaging trabaho nang trabaho. Mag-enjoy ka rin kasama sina Tita Lain.”
Tumango naman si Abby sa sinabi ng anak pagkatapos ng yakap.
“Tawagan mo ako agad kapag nakarating ka na roon,” wika ni Abby at isang tango lang ang sinagot ni Zoe. Sa huling sandali ay niyakap niya ang kaniyang nanay at nagpaalam na sa kanilang lahat.
Pagkasakay niya ng eroplano ay napabuntong-hininga ito. Alam niya sa sarili na tama ang desisyon nitong lumayo dahil masasaktan lang siya sa huli kung hindi niya ‘yon gagawin. Mas okay nang lumayo habang maaga pa kaysa ang ipagpilitan ang sarili sa iba.
In new place, she’s ready to face her new life, new home, new people and her new journey. Sa pagpunta niya ng Canada ay ibang Zoe na ang makikilala nila pagbalik niya rito sa Pilipinas.