Chapter 10

2335 Words
LUMIPAS ang anim na taon. "Mommy, I'm so excited to go to Mama Lola in Philippines!" masayang sabi ni Dykeil habang inaayos ni Zoe ang mga gamit nila. Nagtatalon naman ang bata sa tuwa habang hawak ang kaniyang laruan na sasakyan. "Huwag makulit kay Mama Lola, okay?" payo ni Zoe kay Dykeil. Sobrang hyper nito at para bang hindi napapagod ang batang ito. Kahit papaano ay naturuan na ni Zoe si Dykeil na magsalita at makaintindi ng Tagalog. "Yes, mommy. I will be a good boy to Mama Lola,” may ngiting sabi ni Dykeil. Hindi mapigilan ni Zoe na mapangiti nang makita ang mukha ng kaniyang anak. Nasaktan man siya noon sa isang lalaki ay nagkaroon naman ng magandang resulta ang gabing ‘yon. When she gave birth to Dykeil, she’s not prepared to be a Mom. Alam niyang napakarami niyang pagkukulang at alam niyang masasagasaan ni Zoe ang future ng anak niya. Naalala niya five years ago noong ibigay sa kaniya ng doctor si Dykeil ay nagbago lahat ng pag-iisip niya. He is her life. “Miss Madrigal, it’s a boy!” sabi ng doctor sa kaniya. Sa takot noong malaman niyang buntis siya ay hinayaan niya lang ito. Wala siyang ginawa at kahit pagtingin sa gender ng kaniyang anak ay pinagliban niya. “My baby,” mahinang sambit ni Zoe habang habol ang kaniyang paghinga. Tuluyan nang naglandas ang mga luha niya sa kaniyang pisngi. He is so little. His hands, his cute fingers and everything is so cute. He's her precious one. She could feel his heart beats at pakiramdam ni Zoe ay sa bata na umiikot ang mundo niya. Hindi man siya handa noong una na maging ina, pero noong nakita niya ang bata sa bisig niya ay parang handa siyang gawin ang lahat. She wants to give her undonditional love to her child. His eyes, lips, and his face. Hindi niya mapagkakaakila na nagmana ito sa kaniyang tatay. He’s everything to her. Her Dykeil Ian Madrigal. Matapos makapaghanda ni Zoe ng mga gamit nila ay isinantabi niya muna ito para maasikaso ang anak. Mamaya na ang flight nila ng umaga kaya naman inihanda niya na ang lahat. Sa kabilang banda ay hindi alam ni Dylan kung ano ang gagawin. Noong malaman niyang dadating na si Zoe ay nag-volunteer itong magsusundo lalo na at nalaman niyang may emergency meeting ang mga matatanda ng maaga. Noong dumating ang araw ng pagdating ng kaibigan ay nag-ayos ito ng sarili. Pinaghandaan niya ang pagbabalik ng kaibigan kahit na alam niyang hindi naging maganda ang huling pagkikita nila. Simula noong umalis si Zoe papunta sa ibang bansa ay hindi na sila nakapag-usap pa. Alam niyang wala na siyang mukhang maihaharap sa kaibigan matapos ng nangyari sa kanila, pero kailangan niyang lakasan ang loob. Ayaw niya namang sisihin lang ito lahat kay Zoe dahil alam niyang ginusto niya rin ito. Habang naghihintay si Dylan kay Zoe sa arrival area ay hindi ito mapakali. Nilalaro niya na ang kahit anong bagay na mahawakan ng kamay niya hanggang sa mapatigil siya nang marinig ang announcement. "Good morning, ladies and Gentlemen. The plane from Canada will arrive in ten minutes. Please clear the area, thank you!" Dalawang beses inulit ang announcement na ‘yon bago tumigil. Parang yelo naman na biglang nanlamig ang mga kamay ni Dylan dahil sa kaba. Sa sampung minuto ay darating na rin ang babaeng pinakahihintay niya. Hindi na ito mapakali sa kaniyang puwesto dahil after six years na hindi pagkikita at pag-uusap ay hindi niya mapigilang maisip kung ano na ang itsura ng dalaga? Mas lalo pa kaya itong gumanda o kagaya pa rin ito ng dati na may pagka-boyish? Samantalang mahigpit na hinawakan ni Zoe ang kamay ng kaniyang anak nang makalapag ang sinasakyan na eroplano. Limang taon na si Dykeil kaya ganoon ang pagkakulit nito. Hindi niya naman puwedeng hayaan ang bata na tumakbo lalo na at baka mawala ito sa dami ng tao sa airport. "Mommy, we're here! We're here in the Philippines!" Napatawa na lang si Zoe nang makita ang itsura ng kaniyang anak na sobrang excited. "Daddy Fred, Mama Lola lives here!" Napansin ng dalaga ang paghawak ni Dykeil sa kaliwang kamay ni Alfred at nagtatalon sa tuwa. Alfred Martin is her friend in Canada. His father is a Canadian, while his mom is a Filipino. Anak siya ng besfriend ng Daddy ni Zoe kaya naman naging magka-close rin sila. Ang binata na ang tumulong sa kaniya para maka-move on at kung bakit nakaya ni Zoe ang lahat sa ibang bansa. Naging kasangga niya ang binata sa pakikipagsapalaran sa ibang bansa. Alam ni Zoe na may gusto ang lalaki sa kaniya at hindi siya manhid para hindi ‘yon maramdaman. Takot si Zoe na pumasok sa relasyon dahil sa nangyari at pinaliwanag niya ‘yon ng maayos kay Alfred. Masaya ang dalaga dahil naiintindihan lahat ‘yon ni Alfred. Pinasama niya ang binata sa Pilipinas dahil ‘yon ang bilin ng kaniyang tatay at pumayag naman ang pamilya ng lalaki na pasamahin siya rito. Hindi rin naman ganoon ka-busy si Alfred dahil natapos nang i-launch ang bagong product nila. Ito naman ang panahon para mag-relax at mag-enjoy ang binata. Nang makapasok sina Zoe sa arrival area para kunin ang mga bagahe ay napahinto ang dalaga nang magtama ang mga mata nina Dylan. Kahit malayo ito sa kaniya ay nakilala niya ito. Hindi na ganoon kasakit ang nararamdaman niya nang makita ito. Sa isip ng dalaga ay mas lalo itong nag-matured at gumanda rin ang pangangatawan nito. Hindi katulad dati na mukhang patpatin. Hindi niya inaasahan na makita ang binata dahil alam niyang ang mommy nito ang magsusundo sa kanila, pero ibang tao pala ang nadatnan niya. "Dylan," mahinang sambit ni Zoe sa pangalan ng binata, pero alam nitong narinig ‘yon ni Alfred na ikinalingon din nito kung saan nakatingin ang dalaga. Agad namang naglakad si Dylan papunta sa kinaroroonan nila. Nakangiti ito habang papalapit sa kanila. "Hi," bati ni Dylan nang makalapit sa kanila. Hindi napansin ng binata ang dalawang kasama ng babae dahil nakatutok lang ang mga mata nito kay Zoe. "Hello,” balik na bati ni Zoe sa kaniya. Tumahimik naman si Alfred sa gilid. Samantalang hindi naman nakapagpigil si Dykeil na tanungin ang lalaking nasa harapan nila ngayon. "Mommy, who's that?" tanong ni Dykeil sa kaniyang nanay. Lahat naman sila ay napatingin sa batang hawak-hawak ni Zoe. Napakunot ang noo ni Dylan nang makita ito at para bang pamilyar ang mukha nito sa kaniya. "Ahh.” Napakagat labi si Zoe at malalim na huminga. Hindi niya alam kung paano ipapakilala si Dykeil kay Dylan, pero bahala na nga. “Baby, he is your Tito Dylan.” Naramdaman ni Zoe ang pagkatulala at gulat ni Dylan. Siguro ay kung ano-ano na ang tumatakbo sa utak ng binata sa isip ni Zoe. “Mommy?” nagtatakang tanong ni Dylan at nilipat ang tingin kay Zoe. “May anak ka na?” “You’re right. I’m his mom, Dylan,” diretsong sagot ni Zoe at para bang hindi nakakitaan ng kaba sa kaniyang mukha. Nilingon naman ni Zoe si Alfred at pinakilala rin ang binata. “And this is Alfred.” Nag-aabang pa si Dylan sa sunod na sasabihin ni Zoe, pero mukhang nanahimik na ang dalaga. Wala siyang nagawa kung hindi ang makipagkamay sa lalaking itinuro ng kaniyang kaibigan. Mas matangkad ito ng kaunti sa kaniya at halata rin sa itsura nito na may lahi. Kulay asul ang mga mata ni Alfred at napakalalim tignan. Hindi mapigilan ni Dylan na magtaka kung ano ang relasyon na meron sila ni Zoe. Ngayon niya lang ito nakita kaya naman hindi niya mapigilang mapaisip. "Hello, Tito Dylan!" bati ni Dykeil kay Dylan. Napatigil si Dylan sa kaniyang iniisip at napalingon sa bata. Nakita niya ang malalalim nitong dimple nang biglang ngumiti ang bata sa kaniya. Babatiin niya na sana pabalik ang bata nang nilingon nito si Alfred. “Daddy Fred, I want ice cream.” Tinuro ni Dykeil kay Alfred ang isang ice cream parlor. Napakamot naman sa ulo si Alfred dahil alam niyang may sitwasyon pa ang kaibigang dalaga ngayon. Hindi niya naman puwedeng hayaan lang si Zoe lalo na nang makita nito ang lalaking nanakit sa dalaga noon. “Later, Dykeil, okay?” sagot ni Alfred. “Please, Daddy Fred?” nakangusong sabi ni Dykeil at hinatak ang laylayan ng damit ni Alfred. Napailing naman si Zoe nang mapagtanto na sobrang spoiled ng kaniyang anak sa kaibigan. “We will buy you an ice cream later, Dykeil. It’s too early to eat a cold food,” singit ni Zoe at wala nang nagawa ang bata kung hindi ang sumunod sa nanay nito. Nang mapalingon si Zoe kay Dylan ay napansin nito ang pagtataka sa kaniyang mukha. Alam niyang unfair na hindi ipakilala si Dylan bilang ama nito, pero huwag muna ngayon. Hindi pa siya handa. "Daddy?" mahinang tanong ni Dylan sa sarili, pero narinig ‘yon ni Zoe. Hindi niya lang ito pinansin at mas mabuti na maisip ni Dylan na hindi siya ang ama ng kaniyang anak. Natatakot siya sa pangalawang taon na baka masaktan na naman siya. Ayaw niya nang magpakatanga sa pag-ibig at ayaw niyang madamay ang kaniyang anak dahil doon. “Zoe!” Agad na napansin nila ang pagsigaw ng isang ginang. Kumakaway ito sa kanila habang papalapit. Napangiti si Zoe nang makita ang kaniyang nanay at sakto ang pagdating nito para mailipat ang topic sa iba. “Mom,” pagtawag ni Zoe at sinalubong ng yakap ang magulang pagkalapit nito. Pagkatapos magyakapan ay napatitig si Zoe sa kaniyang nanay dahil ang laki nang pinagbago nito. "Akala ko po ay busy kayo at hindi niyo kami masusundo?" "Ganoon na nga, pero syempre mas gusto ko pa ring masundo kayo. Mabuti na nga lang at maaga natapos ang meeting namin," nakangiting sabi nito at napadapo ang tingin sa kaniyang apo. "Dykiel, is that you, apo?" nakangiting bati nito. "Mama Lola!" masiglang tawag ni Dykiel at 'saka mabilis na lumapit sa kaniyang Lola. Hinalikan naman ng ginang si Dykiel sa magkabilang pisngi. Natatawa naman si Dykiel nang gawin iyon ng kaniyang Lola. Nakikiliti kasi siya sa paraan nang paghalik nito. "Napaka-cute naman talaga ng apo ko. How are you, baby?" tanong ng kaniyang Lola. "I'm okay po! Mama Lola, I have a new tito." Nakangiti at sabik na sabi ni Dykiel. Mabilis naman niyang itinuro si Dylan na may pagtataka pa rin sa kaniyang mukha habang nagmamasid ito sa paligid. Mabilis na lumapit si Dylan sa mommy ni Zoe at 'saka ito binati. "Hello po, Tita Abby. Mabuti at nakarating kayo ng maaga." "Mabuti na nga lang talaga," sagot ng ginang. “Salamat nga pala sa pagsundo sa kanila.” Pero nabaling ang atensyon ni Abby nang makita ang lalaking katabi ni Zoe. Kilala niya ito dahil naipakilala na rin siya ni Zoe noong nagkaroon sila ng pag-uusap sa video call. Isa pa ay madalas ito ang bukambibig ni Dykiel sa tuwing makakausap niya ang apo. "Alfred, you're here," masiglang bati ni Abby. Lumapit ito kay Alfred at 'saka nakipag-beso. Alam nito ang namamagitan sa kanilang dalawa ng anak at ni Alfred. Hindi na siya nangialam pa dahil gusto niyang magdesisyon ang anak sa kaniyang sarili. "Yes, Tita Abby. Pinasama na po kasi ako ni Tito Jay kay Zoe sa Pilipinas. Isa pa ay gusto kong makasama ang dalawa," paliwanag ni Alfred at napatango naman ang ginang. "Paano ang trabaho mo roon?" "Nandoon naman po sina Kuya Clark at ang parents ko. I know that they can handle it," nakangiting ani ni Alfred. "Ganoon ba? Sige na. Alam kong pagod at gutom na kayo kaya umuwi na tayo,” nakangiting pagyayaya ng ginang. Tumango naman ang lahat at inasikaso na ang pagkuha ng ilang gamit na dala nila. "Yehey!" malakas at sabik na sagot ni Dykiel. “We are going to Mama Lola's House! I'm so excited!" nakangiting sabi nito at lumapit sa kaniyang Lola at hinawakan ang kanang kamay. Napailing na lang sina Zoe at Alfred sa kakulitan ni Dykiel. Masyado talagang hyper ang batang iyon. Samantalang pakiramdam naman ni Dylan ay naiiba ang mundong ginagalawan niya sa pamilya. Anim na taon siyang walang balita sa kaniyang kaibigan. Tapos makikita niya na lang na may dala na itong anak. Napatitig ito sa bata at bumilis na naman ang t***k ng puso niya. Hindi niya matukoy kung bakit ganoon na lang ang naging reaksyon niya. Sa loob ng anim na taon niya sa Pilipinas na wala si Zoe ay maraming nangyari. Natapos niya ang kolehiyo at siya na ang nagpapatakbo ng kumpanya nila. Magkasintahan pa rin silang dalawa ni Reighn. Magkasama na rin sila sa iisang bubong. Si Reighn naman ay isa ng ganap na nurse sa kilalang Hospital. Lahat ay nakukuha nilang pareho, pero maliban sa isa... ang magkaroon ng anak. Sa anim na taon na pagmamahalan nila ay gusto nilang may mabuo, pero hindi nila alam kung bakit kahit ilang beses nilang gawin ang pagse-s*x ay walang mabuong bata. Hanggang sa nagpa-check up sila at nalaman nila na hindi kayang magkaroon ng anak ni Reighn. Ito ay namana niya sa side ng father niya. Labis ang pagkalungkot ng dalawa at para bang nawalan sila ng gana sa isa't isa. Alam ni Dylan sa kaniyang sarili na nag-iiba na ang nararamdaman niya kay Reighn. Ilang beses na ring nag-suggest si Reighn na mag-ampon, pero tumatanggi palagi si Dylan sa kaniyang desisyon. Ang gusto niya kasi ay kadugo ang bata. Minsan na ring naisip ni Dylan na mag-anak sa ibang babae, pero lagi na lang siyang umaatras sa tuwing kaharap na ang iba. Ang dahilan niya kasi ay baka biglang guluhin ang buhay niya kapag nakuha niya na ang bata. Habang nakatingin si Dylan sa pamilya ni Zoe ay hindi niya mapigilang mainggit. Napaisip din siya na kung paano kung may nabuo noong unang nagtalik silang dalawa ni Zoe. Para mawala ang ganitong naiisip ay ginulo niya ang buhok at malalim na lang na huminga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD