“NO WAY Papa!” malakas na sigaw ni Joyce sa kanyang ama. Unti-unti na ring pumapatak ang mga luha sa kanyang pisngi na kanina pa niya pinipigilang dumaloy. Hindi niya matanggap ang sinabi ng ama. Siya? Ipapakasal sa taong hindi naman niya nobyo at ni anino ay hindi pa niya nakikita? Parang bomba itong bigla na lang pinasabog at siya lang ang casualty. Napakalupit at ang saklap. Bakit kailangang gawin sa kanya ito ng sariling ama? Bakit hindi nito naisip ang kapakanan niya o ang magiging reaksiyon niya o ang kinabukasan na lamang niya? Hindi ba siya mahalaga rito? Bakit siya pa? Bakit hindi ang nakakatandang kapatid niya? Bakit? Bakit? Hindi niya mapigilang mapahagulgol. Ito ang araw ng kamatayan ng kanyang kalayaan, ng buhay niya.
“Sa ayaw at sa gusto mo, magpapakasal ka sa anak ni Ricardo,” matigas at malamig ang boses na sinambit iyon ng kanyang ama. Blanko rin ang ekspresyon ng mukha nito. Pinal na talaga ang desisyon nitong ipakasal siya sa lalaking ni hindi niya nakita o nakilala man lang. Wala itong konsensiya. Wala itong puso. Parang hindi siya nito anak.
“No, Papa! You can’t do this to me, Papa. Kaka-graduate ko lang, ipapakasal mo na ako?” umiiyak na sabi niya sa ama. Nag-uunahan ang mga luha niya. Hindi mapigil.
“My decision is final and there’s nothing you can do about it!” sabi ng kanyang ama. Tumayo ito at basta na lang siya tinalikuran.
Nanghihinang napaupo siya sa sahig sa loob ng study room ng ama. Itinakip niya ang mga kamay sa mukha at malakas na napahagulhol. Hindi niya matanggap ang sinabi ng ama. Hinampas niya ang sahig gamit ang dalawang mga kamay niya hindi alintana ang sakit na nararamdaman ng mga palad niya. Doon niya ibinuhos ang hinanakit na nararamdaman para sa ama. Akalain mo? She just graduated yesterday. Kahapon lang. At ngayon ay ipapakasal na siya nito. Anong klaseng ama ito? Marami pa siyang pangarap sa buhay. Marami pa siyang gustong abutin. Marami pa siyang gustong gawin sa buhay, 'yong i-enjoy ang pagtatapos niya sa mundo ng pag-aaral. Buong buhay niya puro pag-aaral lang ang inatupag niya. She wanted to prove to everyone that she can be an independent human being. She wanted to work without the help of her father or any of her family members. She wanted to buy everything she wanted and needed with her own money. She wanted to be freed from them. At ngayon akala niya makakalaya na siya rito ngunit mali pala siya. Maling-mali. Because today is her worst nightmare.
Sino ba naman kasi ang taong kahapon tinanggap mo ‘yung diploma mo sa kolehiyo. Ansaya! Lalo na kapag may award ka pa, may recognition kang natanggap. She just graduate as c*m Laude sa kursong Accountancy. All cheered and congratulated her. Her friends, teachers, relatives, her sister and her father. Lahat masayang-masaya lalong lalo na siya because yesterday marked a new beginning for her, for her career, for her life but that was just a dream. All was ruined because of that bomb her father threw at her just this morning.
Akala pa naman niya kaninang pinatawag siya ng ama ay ibibigay nito ang kanyang regalo. She was very excited. Nagtatalon pa nga siya habang papunta sa study nito. But then, her happiest day yesterday was complimented by her worst day today. Ang ganda nang timing ng papa niya. It ruined all her plans in the future. Ni hindi pa nga siya nakakapag-exam para maging isang ganap na CPA. Tapos magpapakasal na siya. Ang saklap! Ang saklap-saklap talaga!
Bakit hindi na lang kasi iyong ate niya ang ipakasal nito sa lalaking iyon? Bakit siya pa? Her sister was five years older than her. She’s a model, an international model. At halos hindi na ito naglalagi sa bansa dahil sa trabaho nito abroad. Her sister lived her life, the kind of life she ever wanted. Successful, free and independent. Masaya ito. Nagagawa nito ang lahat ng gusto but his dad never complained. He even supported her. Pero bakit siya hindi? It only proved that he's her favorite daughter.
“No, Papa! You can’t do this to me. Hindi ko hahayaang sirain mo ang buhay ko, ang mga pangarap ko para sa sarili. I will never marry that guy. Itaga mo ‘yan sa bato!” she said to herself while sobbing.
And the guy she supposed to marry? Hindi niya kilala. Ni minsan ay hindi rin niya nakita. All she knew was anak ito ng matalik na kaibigan ng papa niya. Ni hindi nga niya nakita ang kaibigan nito. At ngayon ipapakasal siya. Eh paano ba naman kasi, ang Ricardo raw na ito ang sumalba sa kabuhayan ng pamilya nila nang walang hinihinging kapalit. He just help her father because they are friends, like brothers with different parents. So her dad and this man promised na ipapakasal ang mga anak nilato marry one of their children to each other. At heto nga, siya iyon. Ginawa siyang pambayad ng utang na loob ng ama niya sa kaibigan nito.
Magpakamatay na lang kaya siya? No! Sayang ang lahi mo, girl! Then ano ang dapat niyang gawin? Hindi talaga niya alam kung paano niya kukumbinsihin ang ama. Determinado na ito. She knew her father. May palabra de honor ito. Kung ano ang nabitiwan nitong mga salita, marked her word, ay gagawin nito kahit hindi bukal sa kalooban. Anong gagawin ko?
She looked for her cellphone and dialled her sister’s number. Ring lang ito nang ring. She called her again. Wala pa rin. Ibinagsak niya ang cellphone sa sahig at bumuntong-hinga. Pinahid niya ang mga luhang kanina pa nag-uunahan. Tama na ang iyak, walang maitutulong ‘yan. She needed to gather herself, her thoughts para makapag-isip ng dapat niyang gawin. Hindi niya hahayang tanggalin ng ama niya ang buhay na gusto niya para sa sarili, ang kalayaan niya.
She tried calling her sister again and luckily, sumagot din ito. “Ate?” Sa wakas ay sumagot na rin ang Ate Irene niya. Kailangan niyang hingin ang tulong nito upang makumbinsi ang ama na huwag ituloy ang binabalak nito.
“My God, Joyce! Are you crying?” tanong nitong may pag-aalala sa boses. Mas lalo siyang napahikbi sa tanong nito. Her sister, despite their distance and differences loves her so much at ganoon din siya. Ito ang tumayong nanay niya nang mamatay ang Mama nila noong ten years old siya dahil sa isang aksidente. Mula noon ay inalagaan na siya nito at hindi pinabayaan. Ito lang ang kakampi niya.
“Ate, si Papa?”
“What happened to Papa?” mas lalong nag-alala ang boses nito.
“He’s forcing me to marry someone I don’t know!” At tuluyan na siyang napahagulgol. Humigpit ang hawak niya ng cellphone. Hindi na nga rin niya maintindihan ang sinasabi ng kapatid sa kabilang linya.
“What did you just say, Joyce?” tanong nito sa kanya. Pinakalma niya ang sarili at pinahid ang mga luha sa kanyang pisngi.
“Papa wanted me to marry, Ate,” nilakasan niya ang sinabi para mas maintindihan nito iyon. She tried to fight her sobs.
“Oh my God! Nababaliw na ba si Papa? Kaka-graduate mo lang kahapon. Kaalis ko lang kahapon.” Batid niya ang galit sa boses ng kapatid. "Nababaliw na ba si Papa? I can't believe it!"
“Anong gagawin ko, Ate?” tanong niya rito dahil hindi talaga niya alam kung ano ang gagawin niya ngayon. Gulong-gulo na siya at nawawalan ng pag-asa.
“Don’t worry, lil’ sis. Gagawa tayo ng paraan. Kakausapin ko si Papa. Right now, you need to calm down. Matalino ka kaya alam kong magagawan mo ‘yan ng paraan. Andito lang si Ate para sa’yo kahit na hindi tayo magkasama ngayon. I’ll help you.”
“Thank you, Ate,” sabi niya rito. She’s really thankful to have her as her sister. Mabait ito sa kanya at alagang-alaga siya. Tsaka kahit malayo ito sa kanya ay damang-dama pa rin niya ang pagmamahal nito. She maybe her father's favorite but she's her life saver.
“You’re always welcome, lil sis. Pasensiya ka na at wala si Ate riyan kaya ikaw ang napagdidiskitahan ni Papa,” sabi nito na may bahid na kalungkutan ang boses.
Three years ago, her sister left them without saying anything. Kagaya niya ay nagde-demand din ang ama ng hindi nito gusto. Hindi niya alam kung ano ang dahilan nang pag-alis ng kapatid niya. Alam niyang hindi siya nito basta-basta iiwan ng walang mabigat na dahilan. Nalungkot siya, nagalit at nagtampo rito dahil iniwan na nga siya ng Mama nila, pati ba naman ito ay iniwan din siya. But then, nagpaliwanag ito sa kanya nang makausap niya. Nasa ibang bansa na ito at nagsisimula na bilang isang modelo. Naintindihan niya ang kapatid at kahit malayo ito hindi siya nito pinabayaan. At kahapon nga ay umuwi ito para sa graduation niya. Malungkot siya dahil umalis din ito kaaagad but she was glad that she saw her, hugged her at nakapag-bonding din naman sila kahit saglit.
“Lil sis, I’ll hang this now and call Papa. I'll update you kung ano ang sasabihin niya. Okay?” sabi nito sa kanya. Nagpaalam na ito at pinatay ang tawag.
Lumabas siya ng study at tinungo ang sariling kwarto. Doon na niya hihintayin ang tawag ng kanyang kapatid. Kailangan din niyang mag-isip ng paraan para hindi matuloy ang binabalak ng ama. The hell with their friendship. Labas siya sa usapan ng mga ito. She wasn't there when they had this stupid promise. Kung kailangan niyang magmakaawa sa pamilya ng kaibigan nito ay gagawin niya huwag lang matuloy ang lintik na pag-iisang dibdib na ito.
While waiting for her sister's call, she was nervous. She’s anxious habang hinihintay ang tawag ng kapatid. Lord! Sana maganda ang napag-usapan nila ni Papa. Lahat na yata ng santo ay natawag na niya. Ilang beses na rin siyang nagdasal ng Lord’s Prayer at Hail Mary pero hindi pa rin mawala-wala ang kaba niya. Suminghot-singhot na naman siya. Nagbabadya na naman ang mga luha niya. Sumisikip na naman ang dibdib niya. At nang hindi na niya mapigilan pa ay nagsisimula na namang tumulo ang luha niya. Marahas niya itong pinahid. Hindi makakatulong ang pag-iyak niyang ito. May pag-asa pa. Hindi pa ito ang katapusan ng mundo niya. Gagawa at gagawa siya ng paraan upang hindi magkatotoo ito. This is just a dream, a nightware. She'll wake up soon and everything will be fine.
Then her phone rang. She composed herself. She needed to be strong. Magiging maayos ang kalalabasan ng pag-uusap ng kanyang kapatid at ng kanyang ama. She looked at the caller and it was her sister. SHe hesitated to answer the call for a moment. Paano kung hindi maganda ang resulta nang pakikipag-usap nito sa ama? Paano kung hindi nito nabago ang isip ng ama? Andaming paano pero paano ba niya malalaman ang sagot kung hindi niya sasagutin ang tawag ng kapatid. Dali-dali niyang kinuha ang cellphone at tinanggap ang tawag. Her hands were shaking.
“Ate? What did Papa say?” kinakabahang tanong niya rito. She tried to calm her voice. At parang bumagal ang takbo ng oras habang hinihintay ang sagot ng kapatid. Nakakainip, nakakakaba.
“You need to runaway, lil sis. Save yourself.”