Inilibot ni Joyce ang tingin sa inuupahang apartment dito sa Maynila. Napabuntong-hininga siya habang nakamasid. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o malulungkot sa naging takbo ng kapalaran niya. Hindi pa rin siya makapaniwala na nagawa niyang takasan ang ama.Ano kaya ang ginagawa nito ngayon? Pinapahanap kaya siya ngayon? O baka naman ilang kasangkapan na nila ang nakaranas ng masaklap na kapalaran kagaya niya. Siguradong nagpupuyos na ito sa galit at pinapahanap na siya sa mga tauhan nito. Kasalanan din naman nito dahil gusto siyang ipakasal sa taong hindi niya kilala. Given na kakilala nito ang lalaki pero siya? Hindi naman niya ito kilala. She wanted her freedom and she will not have that if she’ll stay at their place. Kapag nangyari iyon ay habang buhay siyang mabibilanggo roon hanggang sa dumating ang lalaking ipapakasal sa kanya ng ama. And when that time comes, who knows kung ano ang pwedeng mangyayari sa kanya pagkatapos noon. She will be forever be on a cage, stuck in there for all eternity and she never wanted that to happen. Worst, hindi niya alam kung ano ang ugali ng lalaking ipapakasal sa kanya ng ama. Baka mas masahol pa ito sa ama niya.
So when her sister said that she must save herself, she did. She ran away from home, from her father. She didn't think twice. Basta na lang siya nag-alsa balutan at humanap ng magandang pagkakataon para makaalis sa bahay nila. Hindi naman siya nag-aalala dahil suportado naman siya ng kanyang ate kaya malakas ang loob niyang gawin iyon. Nevertheless, kung hindi man ay gagawin pa rin niya kahit hindi siya suportahan ng kanyang kapatid. Kalayaan niya ang nakataya rito.Running away maybe the last resort she can have. She just hoped that what she did would awaken her father's foolishness.
Hinalungkat niya ang mga gamit sa bag na dala. Hindi naman karamihan ang mga iyon, Saktong nagkasya lamang sa isang bag. She doesn't want to be obvious of running away from her dear father. She looked for her credentials. Mabuti na lang at naisipan niyang dalhin ito para may magamit siya sa paghahanap ng trabaho. Yes, she’ll look for a job. Hindi porket suportado siya ng kapatid ay iaasa na lang niya ang lahat ng pangangailangan dito. What for? Nakapagtapos naman siya with flying colors pa. ‘Yun nga lang hindi pa siya nakakapag-take ng exam. Hindi naman siguro magiging problema ‘yun. She sighed. Ano ba kasi ang pumasok sa isip ng ama niya?
She was busy ransacking her mind for answers but there’s none. Hindi talaga niya ito maintindihan. At hindi rin niya sukat akalain na magagawa nito iyon sa kanya. Again, she sighed. She deeply sighed. Nasa ganoon siyang pag-iisip, when her phone rang. Nagulat pa siya at napahawak sa dibdib dahil na rin sa lalim nang iniisip niya. She took her phone out from her bag and look at the caller. It’s her sister.
“Hello, Ate?”
“Where are you?” nag-aalalang tanong nito sa kanya.
“I’m in an apartment here in Manila,” sagot niya rito.
“Are you good now?”
“Yep, Ate. Don’t worry about me, kaya ko ang sarili ko. Salama talaga, Ate,” madamdamin niyang turan sa kapatid.
“It’s the best thing I could do dahil wala ako riyan sa tabi mo,” sabi nito then she heard her sigh. “Gusto mo bang i-arrange kita ng flight papunta rito? You could work here. I'll recommend you to my manager. Sigurado akong matatanggap ka."
“I would love that, Ate. It's tempting but I wanna be an independent now. ‘Yung ako lang muna. To know how is it feels like to stand up on your own, just like you.”
“Yah! Yah! I get your point but I suggest, better change your number or your phone para hindi ka ma-track ni Papa. Alam kong gagawin niya ang lahat para mahanap ka niya and save my digits para makontak mo’ko,” sabi nito sa kanya. “Siya nga pala, nakapagpadala na rin ako ng pera sa account mo para may gamitin ka habang naghahanap ka ng trabaho. I'll wire your allowance monthly. Mabuti na lang at hindi alam ni Papa na may bank account ka pang iba. Take care, lil sis. I have to go now.”
“Thanks, Ate. Love you.”
“Love you too, lil sis. I’ll hang up now. Mag-iingat ka at huwag kang magpapahuli kay Papa. Update me from time to time,” she said and ended the call.
Inilapag niya ang cellphone sa ibabaw ng kama. napabuntong-hininga na naman siya. Pagkatapos ay ipinagpatuloy ang ginagawa. Mabuti na lang talaga at nandiyan ang kapatid niya para umalalay sa kanya kahit nasa malayo ito. She never negleted her like a mother. She was her mother. How she wish her father will let her do things like her sister.
She looked around her apartment and sighed. Hindi naman sa choosy siya pero ilang anay na lang siguro ang pipirma rito at guguho na ito. Hindi tuloy niya maisip kung papaano ito naka-survive sa mga bagyong nagdaan. Matibay rin ito at sana ganoon din siya katibay. Muli niyang inilibot ang mga mata sa tinutuluyan. Well tama lang na ito ang piliiin niya dahil hindi siguro maiisip ng ama niya na sa ganitong lugar siya titira. Kung gusto niyang hindi siya mahanap ng ama ay kailangan niyang mag-lie-low dahil kung hindi ay baka masayang lang ang effort niya sa pagtakas. Inayos niya ang mga gamit at nahiga sa kama. Okay naman itong apartment niya. May maliit na kusina, may maliit na sala, banyo at itong kwarto niyang binabakbak na ang pintura. Sakto lang ito para sa kanya. Mag-isa lang naman siya at aayusin na lamang niya at babaguhin ang pintura o lagyan ng wallpaper para maging kaaya-aya namang tingnan kahit papaano.
Speaking of kusina, wala pala siyang pagkain.Tanging biscuit at isang bote ng mineral water ang meron siya. May maliit na ref doon pero sigurado siyang wala iyong laman. Kailangan niyang mag-grocery at mamili ng iba pang mga gamit para sa sarili dahil kaunti lang naman ang dala niya at kailangan na niya ng makakain dahil kanina pa kulakalam ang sikmura niya. Kaya kahit pagod ang buong katawan ay pinilit niyang bumangon para lumabas at mag-grocery. Doon na rin siguro siya kakain para hindi hazzle sa pagluluto, wala pa naman siyang alam sa aspetong iyon. Goodluck na lang sa tiyan niya!
Tinungo niya ang closet at kinuha ang wallet at isang hood jacket. Lumabas siya at isinara ang pinto. She looked around. Mukhang safe naman sa lugar na ito. With that, she took a step and went to the nearest grocery store.
Busy siya sa pagkuha ng dose-dosenang noodles with different flavors pa, ‘yun lang kasi ang alam niyang lutuin, when she heard these two women on her side talking about something being fired. Nanulis ang tainga niya sa naririnig. Hindi naman siya chismosa pero na-curious siya kung ano ang sinasabi ng mga ito kaya pasimple siyang lumapit sa kinaroroon ng mga ito at nagkunwaring ini-exam-in ang isang pakete ng noodles.
“Demonyo talaga ‘yang boss mo! Sana lamunin na ng lupa at hindi na bumalik!” gigil na sabi ng isang babae sa kausap.
“Talagang demonyo iyon. Wala pa akong isang linggo, senesante na’ko ng g*go dahil lang sa mali iyong spacing na ginawa ko sa report!” gigil din ang isa. At humigpit pa ang hawak nito sa kawawang noodles. Padabog din nitong inilagay sa cart nila.
“Talagang walang nagtatagal sa demonyong iyon. Sayang gwapo pa naman.Mala-Diyos ang kagwapuhan pero mala-Satanas naman ang pag-uugali.”
“Bahala siya sa buhay niya at good luck na lang sa susunod na secretary niya kung may magkamali mang mag-apply.”
Bigla siyang nabuhayan ng loob sa narinig. So ang demonyong lalaking ito na mala-Diyos ang kagwapuhan ay wala ng sekretarya at siguradong nangangailangan. She can grabbed that opportunity para magkatrabaho pero hindi naman niya alam kung sino o saan iyon? Demonyo nga ang description gusto mo pa doon? tanong ng isang bahagi ng isip niya. Ang taong gipit sa patalim kumakapit, sagot naman niya.
She looked around hoping to see those women. Itatanong niya kung saan ito. Kailangan niyang subukan. Nang makita ang mga ito ay mabilis niyang iniwan ang sariling cart sa noodles section at lakas-loob niyang nilapitan.
“Ah Ate, pwedeng magtanong?” tanong niya sa babaeng dating sekretarya. Tumingin naman ang dalawa sa kanya. Ngumiti pa ang mga ito.
“Yes, Miss. Ano iyon?” sagot nito sa kanya.
“Sorry, narinig ko ‘yung usapan ninyo kanina roon sa demonyo mong boss.” Binigyan niya ang mga ito ng tingin-paumanhin at ngumiti lang ang mga ito sa kanya ngunit mabilis ding umasim ang mga mukha.
“Huwag mong sabihing intresado kang mag-apply roon?” tanong ng isa sa kanya. Bahagya siyang tumango. “Sigurado ka?” tanong nito sa kanya na pinandilatan siya.
“Kailangan ko kasi ng trabaho. Bago lang ako rito sa Manila,” sagot niya.
“Narinig mo naman siguro ang sinabi namin kanina 'di ba? Gusto mo pa rin?” tanong sa kanya.
“No choice eh,” tipid niyang sagot.
“Oh siya kung ‘yan ang gusto mo. Doon ako nagtatrabaho. Ito sesante na." Turo nito sa kasamang babae. "Here.” May ibinigay itong business card sa kanya na naglalaman ng address ng pinapasukan nito.
DV Electronics Company. ‘Yun ang nakalagay sa business card na ibinigay nito. “Be there at seven am. Kung may magtatanong sabihin mo nag-aaply kang secretary ni Mr. De Villa.”
“Good luck na lang sa’yo,” sabi ng dating sekretarya sa kanya.
Tumango siya sa mga ito at nagpasalamat pagkatapos ay nagpaalam na. Binalikan niya ang cart and luckily nandoon pa naman ito kung saan niya iniwan. Tinapos na niya ang pamimili at umuwi. Tomorrow is another day. Sana swertehin siya.