Chapter 1

2290 Words
CHARLIE "Bakit kailangan na naman kami dito? Hindi naman kami artista diba? Aba naman, may business din ako no! Hindi pwedeng si Alyanang pangit lang yung tao don dahil baka maubos 'yon na wala naman akong napagbentahan!" natawa ako sa narinig kong reklamo ni Klang. Actually, hindi naman s'ya pinilit sumama dito. Hindi nga dapat ni Justine sasabihin kung saan yung location, pero nagpumilit lang s'ya. Kailangan daw n'ya kasing kausapin si Direk dun sa isinulat n'yang istorya. Tapos ngayon, ganito yung sasabihin n'ya nung nalamang nasa ibang location yung direktor na kailangan n'ya. Minsan talaga, baliw 'to eh. Pero kahit may pagkabaliw 'tong babaeng 'to, s'ya naman yung pinakamabait, pinakamapapagkatiwalaan, at pinakasweet na taong nakilala ko. Alam kong maraming tututol kapag sinabi ko yan, pero yun yung totoo. Well, para sa akin lang naman. Kahit kasi pinapakita n'ya sa lahat na mataray at masungit s'ya, ibang-iba s'ya kapag nakilala mo na s'ya at naging close ka na sa kanya. Actually, hindi n'ya ako pinapansin nung unang beses na nagkakilala kami. Ilang beses akong nagpapansin sa kanya noon eh, pero wala talaga. FLASHBACK "Hindi mo na naman ginawa yung homework mo. Alam mo na siguro kung ano yung dapat mong gawin, Charlize Garcia." napangiwi ako nang marinig ko yung sinabing 'yon ng adviser namin. Malay ko bang ngayon na kailangang ipasa 'yon? Ang sabi lang naman n'ya kahapon, kailangan naming gawin 'yon. At isa pa, busy ako kagabi. Tinapos ko pa yung sampung episodes ng Dream High. Aba, importante sa buhay 'yon. Papa'no kung gusto ko ring maging singer at artista diba, marami akong matutunan don. Dito kasi sa eskwelahan, hindi naman lahat ng itinuturo nila, magagamit ko sa labas. "Pero Ma'am, baka naman po pwedeng sa library na lang ako pumunta para gawin 'yung homework ko. Para maihabol ko pa po hanggang mamayang uwian." bakit kasi hindi na lang ako nangopya dun sa katabi ko kaninang umaga. Ah, dahil nga pala busy ako sa pagkukwento sa kanya kung papa'no natalo ni Hye-mi si Baek-Hee. Mas exciting kasing pag-usapan 'yon kesa sa kung anong pinagkukukuda ng mga maestra dito. "DETENTION!" at pinandilatan pa ako ng mata ni Mrs. Advincula. Akala mo naman maganda yung mata n'ya kung makadilat. At kaysa sa kung ano pa yung marinig ko ulit sa kanya dahil naririnig ko yung malalim n'yang paghinga, lumabas na lang ako. Rinig ko din yung pagtawa ng mga kaklase ko nung kumaway pa ako sa kanila bago tuluyang lumabas. Ayun tuloy, nanggilaiti na naman si Ma'am. Ewan ko ba don. Lagi na lang galit. Hindi naman s'ya matandang dalaga para umasta ng ganon. Siguro, buntis 'yon at pinaglilihihan ako. Sabagay, maganda naman talaga ako kaya hindi na kataka-taka 'yon. Naiinis na itinapon ko yung bag ko sa tabi nung paborito kong upuan sa detention room. Mag-isa na naman ako dito. Pero gusto ko naman 'to, at least, tahimik dito. Maiddrawing ko na naman si Hye-Mi sa sketch pad ko. Yun lang naman yung libangan at ginagawa ko sa tuwing nandito ako sa detention room. Ano pa bang gagawin ko? Kausapin yung sarili ko? Ginagawa ko naman 'yon, pero hindi madalas. Minsan nga, napapailing na lang sa akin yung magandang kong kapatid kapag nakikita n'ya akong nakikipagtalo sa sarili ko. "Oh my God, I don't want to be here. Ano na lang yung sasabihin ng mga fans and friends ko kapag nalaman nila na I'm here. I hate this!" napatigil ako sa pag-i-sketch nang makarinig ng ingay. At sino naman 'tong gumambala sa tahimik kong buhay dito? Napailing na lang ako nang makita kung sino yung pumasok. Hindi lang isa ha. Tatlo pa. Pero mukhang hindi nila kasama yung isa dahil tahimik lang s'yang umupo sa isang sulok. "Like, yes! Bakit kasi tayo pinarusahan pa ni Ma'am, eh wala naman tayong kasalanan! Yang si Klarisse yung nauna eh. Dapat s'ya lang yung nandito!" reklamo pa nung isa habang masamang nakatingin dun sa isang nakalayo sa kanila. Parang di naman nabahala yung isa dahil ngumisi lang s'ya dun sa dalawang masama yung tingin sa kanya. Naku naman. Dito pa ata nila itutuloy yung pag-aaway nila. Buti na lang di ko sila kakilala. Hindi ko na lang sana sila papansinin at itutuloy na lang yung pag-i-sketch, pero narinig ko yung sumunod na sinabi nung isang feeling maganda. Though, pareho naman silang pangit talaga. "True that. I don't know kung bakit n'ya pinagtanggol yung ngo-ngong 'yon, eh ni hindi nga n'ya kaibigan 'yon. At isa pa, ang pangit naman non. Hello, totoo naman yung sinabi ko na pangit talaga yung ngo-ngong Josephine Garcia na 'yon at isa pa, lagi talaga s'yang niloloko at pinaglalaruan ng mga lalaki. Feeling maganda kase!" hindi ko alam pero parang tumaas lahat ng dugo ko at nagpanting yung tenga ko sa narinig ko. Ano daw? Kapatid ko 'yon ah! Pero bago pa ako makapagsalita, naunahan na ako nung isang babae. "Alam mo Monggoloid, kapag hindi ka pa tumigil sa pagsasalita mo ng wala namang kakwenta-kwenta, at pambubully mo sa kaibigan ng pinsan ko, sinasabi ko talaga sa'yo, kahit ma-expel ako, basta masapak ko lang yang mukha mo, okay na okay na ako. At alam mong hindi ako nagbibiro! At ano ulit yung sinabi mo? Na pangit s'ya? Bakit ikaw, tingin mo ba maganda ka?" pagtapos ay bumaling ito sa akin. "Miss, tingin mo ba maganda s'ya?" sunud-sunod naman akong umiling kaya sinamaan ako ng tingin ng babaeng balot lang naman sa kolorete yung mukha. Ang kapal ng mukha n'yang sabihang pangit yung kapatid ko ha! "See? Kahit hindi natin kakilala, alam na alam na pangit ka. Kaya wag kang feeling, okay? At kung ako yung tatanungin, may kapansanan man yung kaibigan ng pinsan ko, hinding-hindi ko ipagpapalit yung itsura at pagkatao n'ya sa'yo. At kung ako sa'yo, bago pa ako tuluyang manggigil sa inyo ng minion mo na mukha din namang katulong, aalis na lang ako at hindi na muna magpapakita sa akin. Dahil kapag hindi na ako nakapagpigil sa pangit mong itsura, manghihiram ka ng mukha sa aso nila Maybelle." mahinahon yung pagkakasabi n'ya, pero nakita ko kung papa'no matakot yung dalawa at lumabas na lang ng detention room. Grabe, mas takot pa sila sa babaeng 'to, kesa sa teacher nila? Ibang klase! Wala sana akong planong kausapin s'ya, pero mukhang kailangan kong magpasalamat dahil sa ginawa n'ya para sa kapatid ko. Hindi naman kasi lahat ng tao, naiintindihan yung kalagayan ni Jopay. Kaya maswerte na lang kami kapag may mga taong nakakaintindi at nakakaunawa sa kanya. Sa bahay nga namin, hindi na n'ya masyadong maramdaman yung pagmamahal, sana man lang dito sa school, may magmahal sa kanya diba? Pero don't get me wrong ha, hindi ako yung tinutukoy kong hindi nagmamahal sa kanya. Kase ako, mahal na mahal ko yang kapatid kong yan. At kung pwede nga lang talagang hindi ko na s'ya hiwalayan para may tagapagtanggol s'ya sa mga nambubully sa kanya, malamang ginawa ko na. Pero buti na lang talaga at may mga kaibigan s'yang na tulad nila Maybelle, Julia, at Anastasia. At least sila, napaparamdam nila na mahal nila yung kapatid ko at parang pamilya na rin yung turing nila sa kanya. Tapos meron pang isang tao na handa s'yang ipagtanggol sa mga pangit na babae diba? "Uh, hi?" nakangiting bati ko sa kanya nang makalapit ako. Walang gana s'yang tumingin lang sa akin nang marinig n'ya yung sinabi ko. Napahawak ako sa sa dibdib ko nang may kung ano akong naramdaman nung nagtama yung mga mata namin. Ano yon? Unang beses akong nakaramdam ng ganon ah. Ang weird ha. "Ako nga pala si Charlize, pero you can call me Charlie." pakilala ko sa kanya sabay lahad ko ng kamay ko. Pero tulad kanina, tiningnan n'ya lang ito ng walang gana. Ang suplada ha. Pero okay lang, baka ganito talaga s'ya. Baka kailangan ko lang s'yang kulitin nang kulitin bago n'ya ako pansinin. Kaya kahit dinedma n'ya, nakangiti pa ring nakalahad yung kamay ko sa kanya. At hindi ko 'to aalisin hangga't hindi s'ya kumakamay din sa akin. "Uulitin ko, ako nga pala si Charlize, pero pwede mo akong tawagin na Charlie tutal friends na tayo." Lakas-loob ba sabi ko pa at napangiti ako nang makita kong tumaas yung kilay n'ya. Cute. Tulad kanina, hindi pa rin n'ya ako pinansin. Pero hindi ako mawawalan ng pag-asa. Si Charlie ata ako. Never akong sumuko sa kahit anong laban. "Ako nga pala si---" "Narinig ko kanina pa. Ulit-ulit ka, parrot ka ba? Hindi ako bingi, okay? At pwede ba, tigilan mo na dahil mukha kang tanga." wow. Gininaw ako sa boses n'ya, ang cold. "At least kinausap mo na ako. Akala ko, titingnan mo lang yung magandang kong mukha hanggang mamaya eh. Well, hindi naman sa nagrereklamo ako, pero okay na lang din." napailing na lang n'yang ibinalik yung tingin n'ya sa librong hawak-hawak n'ya. Napatingin din ako dito bago muling magsalita. "Nagbebake ka? Marunong ka? Or gusto mo lang matuto? Gagawin mo ba yang business or libangan lang? O baka naman para lang may panregalo ka sa mga friends or family mo kapag may okasyon?" tanong ko sa kanya kaya inis na inilagay na lang n'ya sa bag yung libro n'ya. "Miss—" "Charlize, but you can call me Charlie. Diba, sabi mo nga narinig mo nung unang beses? Eh bakit kinalimutan mo agad?" nakangiting tanong ko sa kanya. "Alam mo, ituloy mo na lang yung pag-i-sketch mo para mahanimik ka na. Diba yun yung ginagawa mo kanina nung dumaan ako sa harap mo? Mas gusto ko kasi ng tahimik lang eh, okay lang ba?" gulat na napatingin ako sa kanya. Hala, napansin n'ya yung ginagawa ko kanina? Eh ni hindi ko nga napansin na dumaan s'ya sa harap ko. Ah, baka dahil nasa mukhang bangkay yung atensyon ko kanina. "Pwede naman akong mag-sketch na lang dito sa tabi mo." Nakangiti pa rin ako. "Okay fine. Mukhang hindi ka naman titigil sa kakakuda, so sabihin mo na sa akin kung ano yung gusto mong sabihin. Kanina naman, halatang wala kang gana sa kung ano man yung pinagsasasabi nung dalawa. Pero nakita kong kumunot yung noo mo at base sa itsura ng kamao o kanina, mukhang gusto mong ikaw yung sumapak kay monggoloid. So, spill." napansin din pala n'ya yon. Grabe naman yung pagiging keen observer ng isang 'to. Iba din talaga eh. "Uhm, kapatid ko kasi yung pinag-uusapan nila." pag-amin ko sa kanya. "So, hindi mo naman ako masisisi kung ganon yung naging reaksyon ko diba? Kung hindi ka nga siguro nagsalita kanina, baka nakatikim na sa'kin yung dalawang 'yon. Ang kapal ng mukha nila, eh mas pangit kaya sila pareho sa kapatid ko!" biglang naramdaman ko na naman yung galit sa dalawang pangit kanina. "Ah, kapatid mo pala yung kailangan pa ng subtitle bago ko maintindihan." sinamaan ko s'ya ng tingin pero nagkibit balikat lang s'ya. "Totoo naman kaya wag kang magalit. Pero wala din naman akong pakialam kahit magalit ka. Ni hindi nga kita kilala." sabi pa n'ya. "Duh! Ilang beses akong nagpakilala kanina diba? Sasabihan mo akong parrot, eh makakalimutin ka din naman pala." sabi ko pa. "Hindi ka ba nangangalay?" sabay nguso n'ya sa kamay kong nakalahad pa rin sa kanya. "Hindi ko 'to aalisin hangga't di ka nakikipagkamay din sa akin." "Bakit, kandidato ka ba?" "No! Pero nakikipagkilala ako. At diba sign of courtesy yung kapag nagpakilala, ilalahad mo yung kamay mo at dapat tatanggapin din ng kausap mo." sagot ko sa kanya. "Ang dami mong alam no? Hindi mo talaga ibababa yan?" tanong pa n'ya kaya umiling ako sa kanya. Pasasaan ba at susuko din s'ya at susunod sa gusto kong mangyari. Narinig kong napabuntunghinga s'ya at pagkatapos ay naramdaman kong parang may dumaloy na kuryente sa buong katawan ko nang hawakan n'ya yung kamay ko. "Klarisse. Happy?" sabi n'ya at mabilis na binitawan yung pagkakahawak sa kamay ko. Lintek na, ano yung kuryenteng 'yon? Sobrang weird ha. Ipiniling ko yung ulo ko para mawala yung pakiramdam na 'yon at ngumiti ako sa kanya. "Yes. At dahil ipinagtanggol mo yung kapatid ko, best friends na tayo!" nakangiti pa ring sabi ko sa kanya. Hindi makapaniwalang tumingin s'ya sa akin. "ANO?!" END OF FLASHBACK "Hala na yan, nasapian na naman ng kung anong engkanto yung kapatid mo, Pining Garcia! Justine, iabot mo sa akin yung agua bendita d'yan sa bag ko para mapaalis ko yung espiritong sumapi dito kay Charlie. Jusko, bigla na lang ngumingiti!" natatawang hinampas ko naman si Klang dahil sa sinabi n'ya. "May naalala lang ako no! At saka bakit ba ako yung napapansin mo?" tanong ko sa kanya. "Aba malamang! Lahat ng kasama natin, puro artista at ayun na, tinawag na silang lahat dahil magtatake na sila. Alangan namang kung sino pa yung pansinin ko eh ikaw na lang yung kasama ko dito?" sabi naman n'ya na inikutan pa ako ng mata. "Whatever, Klang. Maghanap ka na lang dahil busy ako." "Busy sa ano? Kakaimagine? Nako nako, Charlie, may hindi ka talaga kinukwento sa akin eh. May chinever ka talaga sa Tate eh. At hindi ako titigil hangga't hindi ko nalalaman 'yon. Sinasabi ko sa'yo, kilala mo ako, hindi ako basta-basta sumusuko sa ganyan---" at habang nagsasalita s'ya, mas lalo akong napangiti. Tingnan n'yo naman kung papa'no na kaming dalawa ngayon diba? Yung taong halos hindi ako kausapin nung unang beses naming pagkakakilala, eto, walang ginawa kundi bungangaan ako. Pero okay lang, mas gusto ko naman 'to. Mas gusto ko na malapit ako kay Klarisse. Siguro nga tama s'ya, mas maganda talaga yung naging desisyon n'ya noon na maging magkaibigan na lang kami. Na hindi naming haluan ng kahit anong malisya kung ano yung meron sa amin. Hanggang ngayon, nandito pa rin kami sa buhay ng isa't-isa. At hinding-hindi ko 'yon ipagpapalit sa kahit na ano.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD