Prologue
CHARLIE
"I need to tell you something." agad naman akong tumingin sa nagsalita. As if naman interesado ako sa sasabihin n'ya no? Pero go lang. Wala na rin naman akong magagawa. Basta after ng kung anong sasabihin n'ya, aalis na ako.
Kanina pa rin ako tingin nang tingin sa relo ko para ipakita sa kanya na hindi ako nag-eenjoy sa company n'ya. Bakit kasi hindi s'ya makahalata?
"Go ahead." walang ganang sabi ko. Ano ba naman kasi 'tong si Mama? Nung nalaman n'ya na pwedeng may nararamdaman pa ako kay Klarisse, kung sinu-sino na yung pinakilala sa akin. Walang pinipili, lalaki, babae, bakla, tomboy. Ano bang tingin n'ya sa akin, ganun na kadespereda? And bakit ba kasi ayaw nilang maniwala na wala na akong feelings para sa bestfriend ko? Hello, may asawa na yung tao. Hindi ko naman ipipilit yung sarili ko don no!
"Hindi ko alam kung papa'no ko sasabihin 'to na hindi sasama yung loob mo. Pero ayoko namang paasahin ka pa." ay wow. Ako pa talaga yung aasa sa kanya? Adik ba s'ya? O sadyang bilib lang s'ya sa sarili n'ya? Ni hindi nga s'ya gwapo o. "Wala kasi akong naramdaman na magic nung nakita kita kanina. At naniniwala ako na kung ikaw talaga yung nakalaan para sa'kin, mararamdaman ko 'yon. So, I'm sorry, pero hindi kita type." dagdag pa n'ya kaya naiiling na tumingin ulit ako sa kanya.
"Magic pala yung hinahanap mo, eh bakit hindi ka sa karnabal pumunta? Don, maraming magicians don. O kaya naman, bakit hindi a Enchanted Kingdom, dun, sabi nila, 'the magic is here'. At isa pa, hindi sumama yung loob ko nung narinig ko yung sinabi mo. I was actually relieved nung sinabi mo yon. Akala ko kase, kailangan ko pang mag-isip ng magandang alibi para lang patigilin ka, pero buti na lang at hindi mo na ako pinahirapan. So, thank you sa dinner, ikaw naman magbabayad nito diba? Tutal kanina mo pa sinasabi sa akin kung gaano kayo kayaman." yun lang at tumayo na ako dahil wala na rin naman akong gana.
Pero bago ako tuluyang lumakad palayo, lumingon muna ulit ako sa kanya.
"And by the way, mas hindi kita type, Sergio. Wag kang masyadong feeling. Hindi na nga kagwapuhan yang itsura mo, hindi pa kagandahan yung ugali mo. Ang laki na ng ulo mo dahil sa sobrang kayabangan mo. Oh, and bago ko makalimutan, I'm gay, so hindi tayo talo. Ciao!" yun lang at tatawa-tawang lumabas na ako ng restaurant. Ayun, naiwan ang gago na nakanganga. Akala mo kasi kung sino, eh di ayan, nakita n'ya yung hinahanap n'ya.
Pagsakay ko sa kotse, napailing na lang ako. Mukhang nahahawa na ako sa kamalditahan ng bestfriend ko. Ang tagal ba naman kasi naming nakitira sa kanila ni Jopay. Pero okay na rin. At least, nagagamit ko 'to sa oras ng pangangailangan.
Mas lalo akong napailing nang marinig ko yung kanta pagkastart na pagkastart ko ng sasakyan. Ano ba naman yan? Sa dinami-dami talaga? Ang chaka ha!
'Pack up and leave everything
Don't you see what I can bring
Can't keep this beating heart at bay
Set my midnight sorrow free
I will give you all of me
Just leave your lover, leave him for me
Leave your lover, leave him for me'
Wow, badtrip ka na nga sa pina-date sa'yo ng nanay mo, tapos, ganito pa yung maririnig mo. May isa pa yan, tatlo lagi yung dating ng ganyan eh. Bago siguro ako makauwi sa bahay, dadating 'yung pangatlong pambubwisit sa akin.
Speaking of bahay, nakauwi na kaya si Jopay? Kailangan ko palang sabihin sa kanya na ibili na lang muna n'ya ako ng cupcakes kila Klarisse dahil hindi naman ako masyadong nakakakain sa date namin ng bulldog kanina.
Agad kong kinalkal yung bag ko para kunin yung phone ko. Jusko, nasa pinakailalim pa yata ng bag ko. Nang makapa ko ito, agad ko itong inilabas para matawagan ko ulit yung maganda kong kapatid.
Napansin kong may tumalsik galing sa bag pero hindi ko muna pinansin yon dahil kailangan ko munang tawagan yung kapatid ko. Ilang minuto na lang kasi at magsasarado na yung bakeshop nila Klang at hindi pwedeng hindi ako makabili ng cupcakes don. Ayokong magutom mamaya. At yun yung gusto ko.
"Yow sistah, wazzup?" napangiwi naman ako nang sumagot si Jopay. Jeje ha!
"Jops, punta ka sa bakeshop nila Klang, ibili mo ako nung favorite kong cupcake ha. Yung 6 pieces ha. Alam mo na naman yung flavor na gusto ko diba?"
"Akala ko ba may date ka? Di ka na naman kumain? Nawalan ka na naman ng gana sa itsura ng ka-date mo?" napangiti naman ako. Kilalang-kilala talaga ako ng kapatid ko.
"Ano pa nga ba? Pero hayaan mo na 'yon. Kahit siguro ikaw, isusuka mo yung lalaking 'yon. Ewan ko ba d'yan kay Mama kung saan nakukuha 'tong mga pinapadate sa akin. Wala namang pumapasa." reklamo ko.
"Baka naman kaya walang pumapasa, eh kase, meron ng nandyan sa puso mo. So, sa lahat ng pinapadate sa'yo ni Mama, hinahanap-hanap mo yung taong 'yon. Eh kung ganon nga, hindi ka na makakahanap ng iba n'yan. Mai-stuck ka na lang sa nararamdaman mo sa taong 'yon. And Charlie, alam naman natin lahat na wala kang pag-asa sa taong 'yon diba? Kung ako sa'yo, magpapasok ka na ng iba d'yan."
I sighed. Parang ang dali lang kasi ng pinapagawa nila.
"Jops."
"Mamaya na tayo mag-usap. Kailangan kong magmadali dahil baka masigawan ako ng bestfriend mo kapag pumunta ako don na nagsasarado na sila. Sasabihin, paimportante na naman ako. Sige na, ingat ka pag-uwi. Love you." yun lang at nawala na s'ya sa kabilang linya. Tsk, ni hindi man lang ako hinintay na makapagsalita. Ibang klase din talaga. Makasabi naman na walang pag-asa, akala mo naman alam n'ya kung sino talaga yung iniisip ko, sus! Palibhasa, happy na s'ya sa lovelife n'ya eh. Di s'ya na yung masaya, ako na yung hindi.
Inis na inilagay ko na lang yung phone sa bag ko. Napatigil ako nang mapansin kong parang may kumikinang dun sa kabilang upuan. Ah, baka yun yung tumalsik kanina.
Nang makita ko kung ano yon, agad bumalik sa lahat sa isip ko yung mga ala-ala na sinubukan kong kalimutan. Sabi ko na eh, may pangatlo yan, at eto na nga yon.
Malungkot na tiningnan ko yung kwintas na hawak-hawak ko. Sana talaga ganun kadaling makalimot.
Sana.