“Okay. What was that? Ano ‘yong nasaksihan ko kani-kanina lang?” Ellie asked once again. I can’t count anymore on how many times did she ask me this. Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Ellie. Palipat-lipat ang tingin niya sa akin papunta sa direksyon nang dinaanan ni Raiden kanina. “He just gave me a wooden spoon, Ellie,” I answered saying the obvious. Nakikita naman niya ang hawak ko na kubyertos. Nakita rin niya na inabot sa akin ng lalaki iyon. “What I mean is why did he give you that? Ang alam ko sa akin ka nanghihingi.” Napakamot siya sa batok at ramdam ko rin sa kaniyang boses ang frustration. I heaved a deep sigh as I combed my hair with my fingers. Pakiramdam ko ay bahagya akong na-stress. “Don’t ask me, Ellie. Iisa lang ang