Katulad nga noong sinabi ni papa kagabi, maaga pa lang ay wala na siya sa bahay. I just got a text message from him that he left the house early this morning. Nag-reply lang ako na mag-iingat siya lagi at i-update na lang ako. “Ganoong oras po ulit ninyo ako sunduin, manong. Kung medyo maaga naman po ang uwian namin, hihintayin ko na lang kayo sa parking,” bilin ko kay manong Robles bago bumaba ng sasakyan. Alam nila na walang signal dito sa university kaya tatlumpung minuto bago ang takdang oras ng uwian ay nandito na rin ang driver namin. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung bakit walang kahit anong signal o internet connection dito sa university, pero nakapagtatakang nalaman ng mga magulang namin iyong nangyari noong unang araw. Mayroon ba silang telepathy skills? “Good mor