Hindi naman ako umaasa na makukuha ko ang unang ranggo at mananalo sa kauna-unahan naming misyon, pero sinisigurado ko rin sa sarili na gagawin ko ang lahat ng aking makakaya. There is no harm in trying and doing our best. Hindi lang naman para sa akin ang gagawin ko kung hindi para sa buong sektor namin. Gusto kong makabawi. Alam kong ang laki ng utang ko sa sektor namin. Until now, I am still guilty. Pakiramdam ko ay mapapanatag lang ang aking loob kapag nagkaroon na ako ng ambag sa kanila at mapunan ang mga puntos na kami ang may gawa kaya nabawasan. Alam ko na pinaghirapan nila iyon at paghihirapan ko rin ngayon ito para makuha. “We will also be having an awarding ceremony after this. To anyone who will win this mission, I am already congratulating you in advance,” she sa