“Sige, tuloy kayo. Nandiyan na ang ibang mga kasama natin,” saad ni Leinard sa aming dalawa ni Ellie. Sa wakas ay nandito na rin kami sa labas ng tanggapan ng Immortal Horde. Isang malaking pinto na nakasarado ang nasa aming harapan at mayroon iyong isang pares ng pakpak na siyang simbolo sa labas. Ito ang pagkakakilanlan ng aming sektor. Muntik pa nga na hindi namin maabutan si Leinard dahil sa bilis nitong maglakad, o sadyang mabagal lang kami ni Ellie. Mabuti na lang din at may nakasalubong ito kaya nakasunod pa rin kami. Sa susunod siguro ay hindi na muna kami mag-uusap ni Ellie lalo na kung ganitong mayroong pagpupulong. On the eighth floor, the East wing is where Immortal Horde’s room is located. Sa katunayan ay lahat ng silid ng mga sektor ay sa palapag na ito matatagpuan. Ang s