“At ngayon naman, gusto kong imbitahan sa harapan ang mga bagong estudyante,” saad muli ni Ms. Lucresia. Kulang na lang ay lumabas ang aking puso mula sa dibdib noong marinig iyon. Bakit naman kailangan pang papuntahin sa harapan? Hindi ba pwedeng manahimik na lang kami kung nasaan man kami ngayon? Mas pabor sa akin iyon. Ugh! Umiral na naman ang pagiging anti-social ko. “Oh my gosh! Hindi ba at nakakahiya iyon?” sabi ng aking katabi na siyang nagpalingon sa akin. Lumiwanag ang aking mukha. Mabuti naman at hindi lang ako ang nakakaisip noon. Finally! Someone is on the same page with me. “Yes. I also think so.” Baling ko sa kaniya. “Pwede naman siguro—” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang magsalita siya agad. “Nakakahiya naman kung makikita nila ang kagandahan ko ro’n sa gitna.