“Anong ginagawa mo, girl?” Magkakasunod na kalabit ang naramdaman ko mula sa aking katabi ngunit hindi ko iyon pinansin. Gusto kong sabihin sa kaniya na nagtatago ako dahil sa kahihiyan. Pwede ko bang sabihin sa na ako na lang ang mahihiya para sa kaniya? “Hey.” Nagulat ako nang nakisilip din siya sa ibaba. Tumingin siya sa tinitingnan ko at kitang-kita ko ang pagkunot ng noo niya nang walang makita. “Pinulot ko lang ‘yong piso ko. Nahulog kasi,” sabi ko at ipinakita sa kaniya ang barya na hawak. Ang siste ay totoong nagkita talaga ako ng piso sa sahig. This coin literally saved my ass out of embarrassment. Umayos ako ng upo at ganoon din siya. Inayos ko rin ang buhok ko na bahagyang tumabon sa aking mukha. “Pinag-aksayahan mo pa talaga ng oras kunin ‘yang piso? My gosh, girl!