Nakahiga na ako pero di pa rin mawaglit ang nasabi ko kanina sa mga magulang ko. Kahit anong gawin kong pangungumbinsi ayaw pa rin nilang iatras ang kasal namin. Nakapag-usap na daw sila ng pamilya ni Nate.
Minsan iniisip ko kung totoo nga bang ampon ako.
Ibinibigay naman nila lahat ng kailangan ko pero may mga oras na kailangan ko sila pero hindi man lang nila maisantabi ang negosyo nila para sa akin.
Gaya nalang noong high school graduation ko. I was the valedictorian pero mas inuna pa nila ang business meeting nila kesa pakinggan ang graduation speech ko.
Nung mag-college ako, inirequest ko na sasama ako sa kanila abroad at doon na rin mag-aral pero ayaw nilang pumayag.
I hate this feeling. Nasa loob ako ng isang bahay pero feeling ko wala naman akong kakampi. Ngayon pati si Nate, di na rin ako maintindihan.
Buo na ang pasya ko. Kung itutuloy nila ang kasal. Aalis nalang ako.
____________
After ng graduation ceremonies ay graduation ball naman sa Hotel Le Grand.
“Kate, tatakas na ako.” I whispered at Kate nang hindi tumitingin sa mga nakabantay sa akin. The party is already at its peak at nagsasayawan na ang iba naming batchmates. Mabuti at medyo discreet naman sa pagbabantay sa akin ang mga bodyguards ko. Nakapuwesto sila sa medyo malayo. Hindi ko alam kung paano sila nagkaroon ng passes dito sa graduation ball namin. Malamang ay si Nate dahil may access yun sa school.
“Sure ka na ba?” tanong ni Kate. Tumango naman ako. Right after graduation kasi ay pag-uusapan na ang details ng kasal. Iisipin ko pa lang ay parang natataranta na ang isip ko. Kaya bago pa man may mapag-usapang detalye ay dapat makaalis na ako.
“Sige ako na ang bahala sa mga guwardiya mo.” Saad niya. Sinenyasan niya ang dalawa naming babaeng classmates, lumapit naman ang mga ito sa mga bodyguards ko. I immediately went to the ladies room.
“Okay na bestie, doon ang exit.” turo ni Kate paglabas ko ng ladies room. Iniabot niya sa akin ang isang bag na naglalaman ng cash. I managed to withdraw some cash from my personal account. Ayoko kasing magdala ng gamit baka makahalata pa sila sa akin.
“Thanks Kate!” I kissed her on the cheek. Pupunta ako ng Negros kung nasaan ang bagong resort ng boyfriend ni Kate na si Jay at doon muna ako pansamantalang titira para pagplanuhan ang sunod kong pupuntahan.
“Of course, what are bitches for?” nakangisi niyang saad. Loko talaga to. Iniba pa ang “what are friends for?”
“Don’t tell me tatakas ka ng naka-stilleto shoes?” saad niya. Napaisip naman ako bigla. Oo nga naman.
“May flipflops sa loob ng bag.” Natatawa niyang hayag. Napangiti naman ako. Basta talaga kalokohan handang-handa ito.