"Matilda." Seryosong tawag ng aking ina. Pumanhik ako sa silid ni Tabitha at naglinis ng katawan, habang si Aqui ay naiwan sa garden.
"Ma?" malawak ang ngiti na ani ko sa ina.
"Halika nga ritong bata ka." Matigas na bigkas nito. Hinila n'ya ako hanggang sa makarating kami sa silid ko talaga.
"Yes?"
"Magpanggap pero hindi ito dapat lumagpas sa limitations mo. Tandaan mo, kasintahan ng kapatid mo ang lalaking iyan. Aayusin ko lang ang gusot na ginawa ni Tabitha, tapos ikaw ititigil mo na iyan kapag okay na ang lahat. Huwag mong masyadong idikit sa lalaking iyon ang sarili mo dahil hindi magandang tignan. Ano na lang din ang sasabihin ng kapatid mo sa 'yo kapag nalaman n'ya ang ginawa mong pagpapanggap?"
"Ma, magiging thankful pa si Tabitha dahil pinagtakpan ko ang kalandian n'ya. Tiyak na nagpapakasasa na s'ya roon sa lalaking sinamahan n'ya. Habang iyong nobyo n'ya rito ay walang kaide-idea."
"Pero huwag mo pa ring kalimutan na nobyo iyan ng kapatid mo. Ginagawa mo ito para sa dalawang pamilya na posibleng masira dahil sa ginawa ng kakambal mo. Iyon lang ang isipin mo, hija! Hindi ang personal mong interes."
"Ma, chill ka lang. Nagpapanggap lang ako pero hindi naman ibig sabihin no'n ay gusto ko nang maging akin si Aqui. Hindi ko ipipilit ang sarili ko sa kanya." That's a lie. I want Aqui for myself. Pero iyon nga, nauna si Tabitha. Tapos hindi rin naman pala nito pahahalagahan. Sumama pa sa ibang lalaki na minsan pa lang nakilala.
"Dalhin mo nga pala sa office ko iyong naghatid ng gamit ng kapatid mo. Gusto ko s'yang makausap." Agad naman akong tumango rito.
"Okay. Tara na po, naghihintay na si Aqui at Papa sa baba." Yaya ko sa aking ina na tumango na rin.
"NAKITA KO PONG magkasabay silang naglu-lunch. Medyo pansin ko rin po na dikit nang dikit si Ma'am Tabitha roon sa lalaki. Gwapo ho ang lalaki at sa tingin ko'y sinadya talaga n'yang sumama. Kasi po hinabol pa po n'ya iyong lalaki at sumakay sa sasakyan n'ya."
"Namumukhaan mo ba ang lalaki? Nakuha mo ba ang pangalan?" sunod-sunod na tanong ni Mama sa tauhan naming si John.
"Hindi po."
"Ano pa ang nakita mong kakaiba sa kilos nila, John?" singit na tanong ko sa lalaki.
"N-akita ko rin po silang naghalikan sa dalampasigan. Tapos po sumama sa isang cabin si Ma'am Tabitha. No'ng kinaumagahan, naiwan sa isang table iyong gamit n'ya. Hinabol ko po kaso tumakbo na po si Ma'am Tabitha pasakay roon sa kotse ng lalaki."
"Iyong batang iyon!" nahampas pa ni Mama ang mesa n'ya dahil sa galit. Saka nito hinila ang drawer at kinuha ang sobre na inihanda nito.
"Itikom mo iyong bibig mo. Sapat na ang perang iyan para manahimik ka." Agad iyong tinanggap ni John.
"Ma, pupunta rin ako sa resort para makatiyak na walang kalat na lalabas sa mga pinaggagawa ni Tabitha."
"Do it!" stress na ani nito. Pinalabas ko muna si John na sobrang thank you nang thank you sa akin nang kami na lang ang magkaharap. Tinapik ko lang ang balikat nito saka binalikan ang aking ina.
"Nalalapit ang birthday ni Aqui. Pumayag naman kayo noong dinner na sumama ako sa kanya. Sana hindi magbago ang isip n'yo."
"Basta ipangako mong hahanapin mo si Tabitha at iuuwi sa bahay." Mariing bilin nito. Tumango naman ako rito.
"Yes po, Ma!"
PUPUNTAHAN KO SI Aqui sa office n'ya--- bilang si Tabitha. Simpleng bestidang kulay white at flat shoes lang ang suot ko. Nakalugay ang mahabang buhok at nilagyan lang ng butterfly clip. Ang paborito ring bag ni Tabitha ang gamit ko, pati na pabango'y s'yang naaamoy ko ngayon sa sarili ko.
Saglit lang ay narating ko na ang gusali ng mga Santiz. Nag-taxi lang ako dahil iyon naman ang palaging ginagawa ng kakambal ko. Hindi kasi ito mahilig magdala ng sasakyan at ayaw ding mag-drive. Agad akong pinapasok sa gusali nang hindi hinihingian ng identification card. Kapag kasi si Matilda ang pumupunta-punta ay hinaharang pa't itinatawag sa office ni Aqui bago makapasok. Pero dahil akala nila ako si Tabitha, nakapasok agad ako.
"Babe!" mahinhing tawag ko sa kasintahan na inabutan ko sa labas ng office n'ya. Malawak ang ngiti nito na naghihintay. Waring inasahan na ang pagdating ko.
"Babe, napakaganda mo." Puri nito na ikinangiti ko.
"Ang gwapo mo rin po." Nang makalapit ako rito ay agad ko itong niyakap.
"My favorite smell." Malambing na ani nito na inilapit pa ang ilong sa leeg ko at waring inamoy ako roon.
"Sa office mo na tayo, Aqui. Baka matsismis tayo rito." Napabungisngis ito saka ako iginiya papasok. Nadaanang pa namin ang secretary nitong si Elaira na agad ngumiti sa akin. Tignan mo itong babaeng ito, kapag ako bilang Matilda ang kaharap nito'y hindi ngumingiti. Tapos kapag si Tabitha kay lawak ng ngiti nito. Baka sipsip? Akala siguro nito'y si Tabitha ang magiging boss nito in the near future. Baka tumagilid ang mundo, baka ako. Tatanggalin ko talaga ito.
Nang makapasok kami sa office nito ay agad ako nitong hinila sa couch.
"Babe, alam mo bang hindi ako nakatulog after kong makauwi."
"Ha? Why naman po?" malambing na tanong ko rito. Kunwari'y nag-aalala.
"Kasi iniisip ko iyong nangyari sa garden n'yo."
"Ay! Ang bastos mo po." Kunwari'y itinago ko pa ang mukha sa palad na ikinatawa nito.
"Pwede ko bang makita, babe?" tanong n'ya.
"Ang alin?"
"This!" sabay patong nito ng palad sa p********e ko. Napasinghap at mabilis ko iyong tinabig.
"You're so naughty, Aqui!" nanulis ang ngusong reklamo ko rito. Pero pilyo lang itong ngumiti.
"Tabitha, ang tagal na natin. Hindi pa naman natin gagawin. Gusto ko lang makita." Udyok nito sa akin.
"Sorry, babe. Pinaghihintay ba kita nang matagal?" worried na ani ko rito.
"Medyo!" sabay kamot nito sa ulo.
"Tingin lang?" naninigurong ani ko. Kailangan hindi ko pa rin makalimutan kung sino ba ang character na pino-portrait ko. Ako nga kasi si Tabitha ngayon.
"Yes, tingin lang!"
"Hindi ka busy?"
"Makakapaghintay ang trabaho." Bumuntonghininga muna saka kunwari'y nahihiyang tumango. Agad itong lumuhod sa harap ko. Ang hot ni Aqui. Naka-office attire pa ito.
Ang kulot nitong buhok ang nagbibigay nang pilyong dating dito.
Ibinukaka nito ang hita ko saka itinaas ang dress ko.
"A-qui, I think hindi ito magandang place para---"
"Relax, babe!" halata ang excitement nito. Ipinatong din nito ang paa ko sa couch. Kaya naman bukakang-bukaka na akong nakaharap dito. Napayuko rin ako at niyuko ang tinititigan nito. Hinawi ang underwear, nang hindi ito makatiis ay tinanggal na lang n'ya. Saka nakita kong ibinulsa nito iyon.
"Aquihiro! Iyong panty ko." Reklamo ko rito.
"Shhh!" saway nito sa akin saka muling tinitigan ang aking p********e.
Napasinghap ako nang maramdaman ko ang daliri nito sa p********e ko.
"A-kala ko titignan mo lang." Mahinang ani ko. Pero niyuko na nito iyon. Napasinghap ako sa ginawa nito. Palagi ko itong tinutukso tuwing si Matilda ako. Halos bumigay rin ito, pero nakukuha pa ring matauhan.
Kung hindi ko makuha si Aqui bilang si Matilda, ayos lang na bilang si Tabitha.
"A-qui, baka may makakita sa atin." Napasandal ako sa couch. Ito iyong mga palagi kong napapanaginipan na sana gawin ng lalaking ito sa akin. Ngayon nangyayari na, sana kung nasaan man si Tabitha, doon na lang s'ya. Huwag na s'yang bumalik.