Nakayuko lang akong naghihintay sa ipag-uutos nito. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko. Humarap ito sa akin. Salubong ang kilay nang mag-angat ako ng tingin. Humakbang ito palapit sa akin at iniabot ang hawak n'yang bote ng alak. Hindi ko maiangat sa labis na nerbyos ang kamay ko kaya naman inilapit na lang nito iyon sa bibig ko. Ang gwapo nitong mukha ay seryosong-seryoso. Hindi ko pinansin ang atraksyon na naramdaman ko noong una ko itong makita, pero ngayon iba ang dating nito sa akin. Ibang-iba ang tingin ko ngayon dito, iyong tingin na parang 'di ko nakita kay Aquihiro. Hindi naman ako umiinom kaya nang humagod sa lalamunan ko ang mapait na lasa ng alak ay nalukot ang aking mukha. Mariin pa akong napapikit. Nang magdilat ako ng mata ay wala na si Atlas sa harap ko. Agad kong nilingon i