" Chocolates are sweet
And so are you
The loves I give
Will always be true
Happy Valentine's
Sweetheart ..
Love ,
ND
Napatili si Lyka ng muling basahin ang Valentine's card na bigay sa kaniya ni Nick . . Hinalikan Niya ito at inilapit sa kaniyang dibdib . " Oh , my hero ..." She murmured to herself . Ito ang hindi alam ni Wilma . Tsk..tsk..bakit kaya siya nagalit ng husto . Why she can't understand that I love Nick , now and forever . I can't go on with my life without him , she thought .
Nahulog ang valentine card na kaniyang hawak habang ipapasok na sana Niya ito sa envelope , kasabay na nahulog ang Isang note sa loob ng envelope .
" Please keep this card from everyone. Don't tell anyone that we are in a relationship ..this is not the right time , okay ?"
ND
Hindi na binigyan ng malalim na kahulugan ang note na nakatakip sa Valentine's card na kaniyang natanggap . Naniniwala siya sa sinabi ng binata sa kaniya na hindi pa right time ang kanilang relasyon at Isa pa, hindi pa Niya nahiwalayan si Janice Monteverde .
Ang mahalaga ay napansin na siya ng binata .Natupad na rin ang kaniyang pangarap na maging girlfriend ng lalaking pinakamamahal Niya . Gustuhin man niyang sabihin Kay Wilma ay hindi Niya magawa dahil sa notes na nakatakip na bigay ni Nick na card sa Kaniya. Isa pa , masyadong kill joy ang kaniyang kaibigan , kaya tikom ang bibig ni Lyka at tinago ang secret relationship nila ni Nick .
"I really can't believe this .." maluwang ang ngiti na sinoli Niya ang Valentine's card sa kaniyang lumang baul o 'kaban' - kung saan doon Niya itinatago ang card kasama ng kaniyang mga sulat Kay Nick na hindi naibigay . Nandoon din ang mga wrappers ng chocolate na binibigay ni Nick sa kaniya . Of course , kinain din Niya ang mga laman ng chocolates . Dati rati , hindi Niya ito kinakain , nais niyang manatiling remembrance ang bigay nito sa kaniyang chocolates . Pero ng madiskubre Niya na nilalanggam ito , ay kinain na Niya ang laman at tinatago na lamang ang mga wrappers .
"Lyka , apo ...hindi ka pa ba tapos sa iyong ginagawa ?" Tawag ng kaniyang lola Carmen mula sa kusina. " Halika na , nandito na ang lolo mo , sabay na tayong maghapunan. "
Ang kaniyang lolo ay Isang 'mananggiti' o tinatawag sa probinsiya na lalaking kumukuha ng 'tuba' o lambanog mula sa niyog para gawing vinegar o kaya naman ay gawing inumin ng mga kalakihan , particularly sa mga matatanda na .
Ito ang bumubuhay sa kanilang tatlo . Bata pa lamang ng magkahiwalay ang kaniyang mga magulang . Iniwan siya ng kaniyang mga magulang na ngayon ay parehong hindi nila alam kung nasaan na ang mga ito .
" Mauna na po kayo ni Lolo , la ..." Sabi ni Lyka . Tatapusin ko lamang ang aking ginagawa na term paper ." Mula sa kaniyang silid sa itaas ay maririnig lamang ng bawat isa ang kanilang pag-uusap dahil gawa lamang ng amakan at dahon ng niyog ang kanilang dingding . Ang dahon ng niyog ay pwedeng gawing dingding at bubong ng Isang dampa o 'payag' . Ang dahon ng niyog ay popular sa tawag na 'lukay '
" O sige , mauna na kaming kumain . Bumaba ka na lang kapag nagugutom ka na ," Sabi naman ng kaniyang lolo Edgar .
"Sige po ," ngumiti si Lyka sa kaniyang sarili . Kinuha ang makapal na libro at nagsimulang gumawa ng term paper . Term paper ni Nick Defensor . Napakabilis ng kaniyang kamay habang sumusulat , kinabukasan na ang deadline . Pagkatapos ay gagawa pa siya ng thesis, parehong kay Nick Defensor.
"Ginagamit ka lang Niya ," naaalala niyang sabi ni Wilma sa kaniya na agad naman niyang winaksi sa kaniyang isipan . Hindi kasi siya naintindihan ng kaniyang kaibigan . Hindi nito naintindihan na may usapan na sila ni Nick , na may lihim na silang relasyon . Hindi Niya nakikita ang mga malalagkit na tingin ni Nick sa kaniya. Hindi rin nito nakikita na ngumiti ito sa kaniya . Higit sa lahat , hindi Niya kasi alam na mayroon silang lihim na tagpuan ni Nick sa kanilang school campus .
Hindi kasi nito nadarama ang mga halik ni Nick sa kaniya . Namula si Lyka ng maaalala ang halik sa kaniyang pisngi na binigay ng binata sa kaniya kaninang hapon bago pa siya umuwi kasama ni Wilma . Siyempre , doon na naman sa janitor's closet kung saan , walang nakakita sa kanila . Hinalikan siya nito pagkatapos iabot ang kaniyang mga assignment .
Alas dos na ng umaga ng matapos lahat ni Lyka ang mga ipinagawa ni Nick sa kaniya . Bukas , sasabihin na lamang Niya rito na ibigay Niya kaagad ang mga projects nito ng maaga , hindi iyong kinabukasan deadline na .
Kinaumagahan ay hindi siya dinaanan ng kaniyang kaibigan . Pareho silang may 9:30 am class . Tuluyan na kayang nagalit sa kaniya si Wilma ? Susuyuin na lamang Niya ito sa oras ng tanghalian . Pareho ang kurso na kanilang kinukuha bagama't magkaiba ang kanilang schedule.
. Siya ang naghihintay Kay Wilma dahil 11:30 ang last subject Niya sa umaga . At babalik ito ng 2:30 ng hapon hanggang 8:30 ng gabi ang kaniyang uwi tuwing M-W-F.
" Lyka , " lumingon siya sa kaniyang likuran ng marinig Niya ang tawag ni Emman sa kaniya . " Naghihintay na siya sa iyo ..." Maluwang ang ngiti ng lalaki sa kaniya , sa wari ay nanunukso
Ito . Tumango si Lyka . " Thank you .."
Si Emman ay matalik na kaibigan ni Nick at tagahatid ng mensahe niya para Kay Lyka . Maliban Kay Emman ay may mga barkada rin si Nick na palaging kasama sa campus , kabilang din sa mga may kayang pamilya . Hindi nga lang sigurado si Lyka kung may alam din ito sa lihim na relasyon nila ni Nick .
Lumakad na siya patungo sa janitor's closet na nasa dulo ng comfort room ng college department . Bagama't private school ang kaniyang paaralan na North Mountain College , ay pili lamang ang courses offered nito , dahil hindi naman kalakihan ang campus . May kindergarten , elementary , high school at college ang NMC . Pero hindi ito matatawag na praktikal sa mga estudyante na nagnanais kumuha ng big time courses - like Engineering , medical courses or law .
Kaya nga ng gumradwet si Nick ay sa MANILA ito nagpatuloy ng pag-aaral . Adamson University yata ang dinig Niya na pinasukan ni Nick for the last three years .
Kaya lang ito bumalik sa NMC dahil bumagsak sa kaniyang pag-aaral doon kaya pinauwi ng kaniyang ama . Binigyan siya ng babala na patitigilin sa pag-aaral kung hindi manatili sa NMC , kaya walang choice si Nick . Balita rim niya na Kaya ito , bumagsak dahil nalulong sa bisyo doon sa Maynila at binasted ng niligawan niyang babae sa Maynila..
Bago siya nakarating sa janitors closet ay kinakailangan Niya ang dumaan sa lobby ng school canteen kung saan nakita Niya ang grupo ni Janice and friends na nakatambay at nagtawanan . Ngunit ng siya ay mapadaan ay tumahimik ang mga ito ," Hey .. payatot.. hey Lyka ! " Akala ni Janice ay hindi narinig ni Lyka ang tawag nitong payatot sa kaniya , bahagya kasi nitong hininaan ang kaniyang boses ng ginamit nito ang salitang payatot . Nilakasan lamang ang salita nito ng tinawag ang kaniyang pangalan .
Hinarang siya ni Janice sa kaniyang daanan . Si Janice ay pang labing pitong bilang na girlfriend ni Nick . So far siya pa lang ang inabutan ng three months , kaya lumaki ang ulo at proud na nahawakan Niya si Nick sa leeg . Well , that's according to her . She was beautiful with a voluptuous body . Janice was also a haciendero 's daughter . Dati siyang nag-aaral sa Bacolod city ang Capital ng Negros Occidental . Pero agad na nag transfer sa Northern Mountain College ng malaman ma umuwi si Nick from Manila .
"Where are you going ?" Makahulugan na tanong nito sa kaniya .
"Yeah , where are you going ? You seem to be in a hurry , girl ." Sabi ni Carla sa kaniya , anak ng City Engineer.
"Girls naman , at kailan pa kayo nakipag-usap sa ...Isang katulad Niya .?" Tinitigan naman ni Jodie si Lyka . Ang mga magulang ni Jodie Benigno ay parehong city councilor. Parehong commerce ang kurso na kinuha ng tatlo , parehong galing sa maykaya na pamilya at pareho ding may masamang ugali . At sino naman ang maysabi na wala ng bullying sa college ? Hindi totoong sa high school magtatapos ang bullying .
Sabi nila pagdating ng kolehiyo ay pantay-pantay na ang estudyante , so long as pareho silang nag-aaral sa pamantasan . " Kung saan man ako pupunta , it's none of your business . " Sabi ni Lyka .
Bumunghalit ng tawa sina Janice , Carla at Jodie . Hindi pa rin pinadaan si Lyka . " Aba ...aba ...matapang na yata si Inday Garutay .." Sabi ni Carla sa pagitan ng kaniyang mga halakhak .
Bakit kaya may mga demonya kahit saang paaralan .
"Akala mo naman kung sinong magaling ang Isang ito oo ..hoy hindi ka kagandahan ha , tingnan mo nga itong suot mo ..." Hinawakan ni Jodie ang manggas ng kaniyang lumang bestida. Kapag Friday and Saturday hindi na sila required na magsuot ng uniform ng kanilang department . " Yuck , ang baduy . "
"Bitiwan mo nga ako ." Bahagyang tinulak ni Lyka si Jodie , Napaatras naman ito at binabalanse ang katawan ., nagulat sa pagtulak ni Lyka sa kaniya . Nagtinginan namn ang tatlong magkaibigan . Marahas na hinawakan ng mahigpit ni Janice si Lyka . At hinila Niya ito patungo sa Isang sulok ng hallway na bihirang daanan ng mga estudyante .
" Listen to me , you ugly duckling .." she said with a clenched teeth . " First of all , Wala Kang karapatang mag -inarte sa harapan namin lalo pa at kilala mo kami at kilala ka rin namin you poor duck ! Second of all , Kung hindi ka pa nabigyan ng scholarship ay hindi ka makatuntong sa pribadong paaralan na ito iyan ang tandaan mo , na anytime ay pwede kitang ipatanggal ..."
Biglang natakot si Lyka sa kaniyang narinig . Isa ang lolo nito sa board of trustees ng NMC . Janice scoffed ng mapansin ang pangamba sa kaniyang mga mata . " O ano ha , natakot ka yata ..ha, ha , ha . Iangkop kasi ang attitude sa kapal ng bulsa mo girl . " Pinandilatan siya nito .
"At sa hitsura ...you , ugly duckling ...ha, ha , ha !" Sabi naman ni Jodie . Nagtawanan silang tatlo . " Hindi pa ako tapos ," dagdag pa ni Janice . Na bagama't binitiwan na nito si Lyka ay sadyang iniharang naman Niya ang katawan sa harapan nito . "Third of all , stop staring with my boyfriend every time we unfortunately bump at you , akala mo hindi ko alam na pinapantasya mo siya , noong high school pa tayo ? Mahiya ka nga , just look at you ...you and your pathetic self ." Bumunghalit ng tawa si Janice , kasama sina Carla at Jodie .
Nang napansin nilang may mga estudyante na nakatingin sa kanila ay pinakawalan na nila si Lyka . Halos maiyak si Lyka sa hiya at pang-iinsulto na natanggap . Pero natakot siya sa banta ni Janice sa kaniya ukol sa FAPE scholarship .
"Pathetic !" Sabi ni Jodie
"Ambisyosa !"'hirit naman ni Carla .
Nagmamadaling lumakad palayo si Lyka sa Kanila . Hinawakang mabuti ang folder na naglalaman ng thesis at term paper ni Nick . Gusto niyang isigaw Kay Janice na wala siyang karapatan na sabihin sa kaniya na Itigil ang pantasya Niya sa lalaki . Dahil kung tutuuusin mas nauna niyang minaha si Nick . At hindi Niya alam na may relasyon din sila - patago mga lang ang kanilang relasyon . Iyon ang gusto ni Nick kaya wala siyang magawa .
"Stop !"'utos sa kaniya ni Janice . Huminto siya at nilingon ang tatlong demonya sa bulletin board . " Next time sumagot ka ng maayos kapag tinatanong ka namin . " Malutong ang tawanan ng tatlo na kaniyang naririnig habang lumakad siya sa kahabaan ng hallway patungo sa storage room.