Lyka ... Halos kalahating oras na ang lumipas simula ng ako ay mahiga sa kama Pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok . I mean , mag -alas dos na ng umaga , Pero ang aking mata ay dilat na dilat pa rin . Sa wari ko ay nakahawak pa rin ako sa dibdib ni raphael , at dama ko pa rin ang paghapit ng kaniyang malakas na mga bisig sa aking beywang habang kami ay sumasayaw sa party kanina . Malinaw Ko pa ring naalala ang mga sinabi Niya sa akin ," Lyka , have you thought about it?" "Huh ,?" tanong ko sa kaniya . Tinaas ko ang aking ulo upang maka level sa kaniya ang aking paningin . Ano ba naman ang height ko na 5"6' ikumpara sa kaniyang 6"2' na tangkad . Hindi ko na gets ang kaniyang tanong . May kaugnayan ba ito sa Greek mythology o tungkol sa kasalan nina Lorraine at Niel .