Chapter Twenty-nine Tahimik ang kanilang naging biyahe patungo sa bahay ni Harold. Hindi nila alam pero kakaiba ang nararamdaman ni Father Michael. Pakiramdam niya ay mahihirapan silang mapuksa ang demonyo ngayon. Mahigit isa’t kalahating oras ang itinagal ng biyahe nila hanggang sa nakarating sila sa isang exclusive subdivision. Pagdating doon ay agad silang hinarang ng mga security guard dahil wala daw silang permiso mula sa resident na pupuntahan nila. “Naku po Father, wala pong abiso sa amin na may darating na bisita ang mga resident dito,” sabi ng guwardiya sa kanila. “Anak, kailangan naming puntahan ng kaibigan naming doon. May importante kaming kailangan sa kanya,” sagot naman ni Father Michael. “Sino po ba ang pupuntahan niyo?” tanong ulit ng guwardiya