Chapter Fourty Tahimik na sinusundan nila Father Michael ang mga anghel patungo sa bulwagan ng Diyos. Hindi mapigilan ni Father Michael na mapangiwi dahil sa sugat niya sa braso. Napansin ito ni Raphael at hinawakan ang balikat niya. “Ayos ka lang? kaya pa?” tanong nito sa kanya at tumango naman siya. Sa kanilang paglalakad ay nakita nila na binibigyan sila ng daan ng mga anghel na nasasalubong nila. Hindi na nagkakagulo ang mga anghel na nandoon, marahil ay dahil kasama nila ang dalawang arkanghel. Sa kanilang pagpasok sa bulwagan ng Diyos ay ang tanging nakita lamang nila ay ang malaking trono na nasa dulong bahagi nito. Ibinagsak ni Jegudiel ang walang malay na si Gabriel sa paanan ng trono. Nagpalinga linga ang apat na mortal, tila may hinahanap sa lugar na iyon. “Hin