Special Chapter Five: Alunig “Doc, ingat sa pagdrive ah!” sabi ng isang nurse kay Raphael habang palabas siya ng kanyang opisina. Nilingon niya ang nurse at nginitian. “Thanks Nurse Joy! Don’t worry at mag-iingat talaga ako,” sabi niya. Nakangiti niyang binabaybay ang pasilyo papuntang parking lot. Simula ng makabalik sila sa lupa ay pakiramdam niya ay muli siyang pinanganak. Na napakagaan ng kanyang pakiramdam. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na nakarating siya ng langit at impyerno. Napatingin siya sa orasan na nasa kanyang pulso at nakitang alas diyes na ng gabi. Bukas ay rest day niya kaya naisipan na naman niyang dalawin ang Parokya ni Father Michael bukas. Maingat siyang nagmamaneho papunta sa kanyang tinutuluyan, nakita niyang nagstop light na