Episode 2

2066 Words
KAAGAD NA sumalubong sa amin ang malakas na tugtog at hiyawan ng mga nagsasayaw si dance floor. Everyone seems so wild and aggressive. I can see couples kissing while in the dance floor, and some, who are in the darkest corner of the bar are hooking up. I heaved sigh and closed my eyes as I absord the vibe of the bar. This is what I want! The loud music, wild screams, and smell of the liquors and cigarettes. I opened my eyes and sighed again. "Let's go?" Travis said and pointed the table that was reserved for us. I just nodded and pushed him towards the table. Nang makaupo kami ay kaagad siyang nag-order ng isang bucket ng beer. I know this sounds so cheap but this is us. This is how we get drunk. And we are being practical here. Parehas lang din kasi ang epekto ng mga alak-malalasing ka sa huli at makakatulog. At isa pa, sayang kung bibili pa kami ng mamahaling alak kung isusuka lang din naman. "So how are you?" Travis asked while opening the beers. I glared at him. "Stop asking when you already know the answer, Trave. Matalino ka naman, e. So alam kong alam mo na ang sagot." Kinuha ko ang nabuksan niyang beer at nilagok ito. I don't care kung nakakawala ng poise ang ginagawa ko. Who the hell cares about poise when you are badly hurt anyway? And I did not come here to expose my beauty. I am here to get drunk and forget all the shits that had happen this day. "When will you stop?" he asked, trying to point out my thing with Rhyzon. Lumagok muna ako bago siya sinagot, "I will not stop, Trave. I've come this far. I will just wait for him to see my worth. To see that I am more than just a bedmate." Muli akong uminom nang maramdaman kong nag-iinit na naman ang sulok ng mga mata ko. Mukhang nasasanay na talaga ang mga mata ko na kapag ang pinag-uusapan ay tungkol sa set-up namin ni Rhyzon, ay automatic silang luluha. Uminom na rin si Travis nang makita niyang nangangalahati na ako, but I stopped him. "Do not drink too much, okay? Ihahatid mo pa ako sa apartment ko." Ngumiti lang siya bago tumango. "Alam ko. Pero balik tayo sa issue mo, Sib. Hanggang kailan ka aasa na mamahalin ka ni Rhyzon?" He's asking me the same question again. Ito na lang palagi ang tinatanong niya sa tuwing magyayaya akong uminom. "Hanggang sa sabihin niya sa akin na tumigil na. Siguro iyon ang signal ko para layuan na siya. Pero looks like he's enjoying our thing. We are both enjoying it. Maybe, may nararamdaman din sa akin si Rhyzon, kaso hindi lang niya masabi. Pero kapag dumating ang panahon na sabihin niya sa aking mahal niya ako, ibibigay ko na ang natitirang porsyento ng pagmamahal na hindi ko pa naibibigay sa kaniya." Hindi kaagad nakasagot si Travis dahil dumating ang waiter na may dala ng pulutan namin. "Nag-e-enjoy ka ba talaga?" he asked. Natigilan ako sa tanong niya. Tila umurong ang aking dila. At doon, wala akong nagawa kundi ang lumagok muli ng alak. Am I really happy with our set-up? Am I satisfied? Of course I am! Am I? Ganoon nga ba talaga? "See? Hindi ka makasagot dahil alam mo mismo sa sarili mo na hindi ka masaya. Set yourself free, Sibley. Wala kang mapapala sa ginagawa mong pagpapakatanga kay Rhyzon. Sa huli, ikaw at ikaw pa rin ang masasaktan. Ikaw at ikaw pa rin ang maiiwang luhaan." Hindi ko pinansin ang mga sinabi niya. Hinayaan ko lang siyang magsalita nang magsalita at pangaralan ako. At habang nakikinig sa kaniya ay lagok lang ako nang lagok ng alak. Damn this man, kung kailan kailangan ko ng taong makikinig sa akin saka pa siya nagtatatalak na parang magulang ko-oh, he's better than my parents. "That's why you need someone who can appreciate your worth. Someone who can give you back the love you give. Someone who can see your worth, and someone who can treasure you more than you wanted to be," rinig kong sabi niya habang pinapapak ang pulutan namin. Mapait akong napangiti bago siya tinitigan sa mata. "And who is that someone?" tanong ko, dahilan para matigilan siya. It took him seconds before he darted his gaze on the chips in the table. Napangisi ako at umiling. "See? Hindi mo masabi kung sino, dahil wala nang magmamahal sa isang kagaya ko, Trave. Ilang beses na akong pinaglaruan ng mga naging karelasyon ko. Ilang beses na akong nasak-" "Sinong nagsabing wala?" putol niya sa sinasabi ko na ikinabigla ko. It was the first time I heard him raised his voice more than the usual. "Hindi totoong wala, Sib. Hindi mo kasi nilalawakan ang pagtingin mo. Naka-focus ka lang kay Rhyzon at sa sitwasyon ninyo. Paano mo malalamang mayroon pang ibang handang mahalin ka kung ikaw mismo ay ikinukulong ang sarili mo sa pagpapakatanga mong 'yan? How can you see someone if your eyes were fixed to only see what it want?" His words hit me like a s**t. Kahit kailan talaga ay hindi nauubusan ng baong pangaral ang lalaking 'to. I now hate and love him for that. "Sige, kung may makilala ka mang lalaking handa akong mahalin nang higit pa sa inaasahan ko, ipakilala mo sa akin," biro ko bago tumayo habang hawak-hawak ang isang bote ng beer. "Sayaw tayo?" I asked trying to lighten up the heavy feeling I have. Umiling siya saka ngumiti. "Kilala mo ako. Parehong kaliwa ang paa ko." Napaismid ako. Hanggang kailan ba magiging makaluma ang lalaking ito? "Matalino at guwapo ka nga, kaso hindi ka naman marunong mag-walwal kagaya ng ibang mga lalaki r'yan. Paano ka magugustuhan ng mga babae kung masyado kang pormal?" may halong pang-iinsulto kong sabi. Well that's how I tell someone to change or to be better. Napataas ang kilay niya sa sinabi ko. "Ganoong lalaki ba ang tipo ng mga babae ngayon? Kasali ka na?" Ngumiti ako at mabilis na tumango. "Oo. Matagal nang natapos ang panahon ng mga maginoong lalaki, Trave. Learn to adapt and adjust yourself sa bagong environment, sa bagong era!" Nakita kong napaisip siya. This man, kung hindi ko talaga ito tinulungan noong college kami na mag-change ng fashion style, hindi ito magkakaroon ng sapat na self-confidence para humarap sa mga tao. He was once an introvert. Pero nagbago ang lahat ng iyon nang magkasama kami sa isang project sa isang subject namin. Iyon ang naging tulay para makilala namin ang isa't-isa nang lubusan-higit pa sa pagiging magkaklase. He became my buddy, my partner in crime, and my guardian. "Kung gano'n nga, tara!" Siya pa ang humila sa akin papunta sa kumpol ng mga bar hoppers na nagsasayawan. Napailing na lang ako sa inakto niya. This is why we clicked as bestfriends. Same feathers flock together. Pumwesto kami sa gitna at dinama ang bawat beat ng tugtog. Kahit na nababangga na kami ay wala kaming pakialam. We were trying to be as wild as the crowd. Pero hindi ko pa rin maiwasang hindi matawa sa kung paano sumayaw si Trave. Iginagalaw lang niya ang kamay niya from side to side. Single, single, double, double. Iyan ang rhythm ng sayaw niya. Para siyang sumasayaw ng field demo. "So how's your online business?" tanong niya sa akin sa pasigaw na tono para marinig ko nang malinaw. "Okay lang naman. Mas lalong dumarami ang customers at resellers ko. And in no time, lalago nang tuluyan ang negosyo ko," proud kong sabi sa kaniya. "Good! Nakaka-proud naman," nakangiting puri niya kaya mas lalong lumapad ang ngiti ko at mas lalo akong nag-chin-up. Lumapit ako sa kaniya at kumapit sa balikat niya bilang suporta. Inilapit ko ang bibig ko sa tainga niya at nagtanong. "Ikaw? Kamusta ang restaurant na itinayo mo?" "Lumalago na rin. We are planning to open another branch somewhere in Makati," sagot niya bago ako inilayo sa kaniya. Tinapik ko ang balikat niya at ngumiti. "Good job, bestfriend!" Its been five years since we graduated college. At sa loob ng limang taong iyon, marami na ang nagbago. Pero isa lang ang hindi, ang pagmamahal ko kay Rhyzon at ang pagkakaibigan namin ni Travis. Nasampal ko ang sarili ko dahil umaandar na naman ang pagiging emotera ko. Nangyayari talaga ito sa akin sa tuwing nakakainom ako at hindi tuluyang nalalasing. "Thanks!" Nagpatuloy lang kami sa pagsayaw. Ilang bote na rin ng beer ang naubos ko. I am so wasted and I like it. Sobrang hyper na ng mga tao, maging si Travis ay hyper na hyper na rin. Natuto na rin siyang sumayaw kahit papaano. Damn, I am so proud of my bestfriend! I was enjoying the moment when my eyes landed on a spot where it's a bit darker. And there, sitting on a black semi-circle sofa was a girl flirting with a very familiar man. Nakalingkis ang kamay ng babae sa braso ng lalaki. And swear to god, para silang araw-ang sakit sa mata! Hindi ko maintindihan kung bakit nasasaktan pa rin ako nang ganito. E, normal lang naman na ganoon ang gawin ni Rhyzon dahil hindi naman siya attched sa kahit na sinong babae. He's free. Walang kahit na anong bagay ang makakapigil sa kaniyang lumandi. He's a lone wolf, he can hunt any prey he wants. He can f**k any girl he wants-including me. At dahil sa nakainom na nga ako, hindi ko napigilan ang sarili kong lumapit sa kanila. Bawat hakbang ko papalapit ay mas lalong umiinit ang ginagawa nila, pati na rin ang sulok ng aking mga mata. Ilang hakbang na lang ay tuluyan ko na silang malalapitan. Pero natigilan ako nang maramdaman ang isang kamay na humila sa akin palayo sa kanila. Nilingon ko kung sino ito. Travis. "Let me go, Trave. Let me go!" pagpupumiglas ko pero mas lalo lang niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kanang kamay ko. I am secretly thanking this man, dahil alam na alam niya kung kailan ako dapat pigilan. "I said let me go!" Tumigil siya sa paghila sa akin at hinarap ako. At nang makita ko ang kaniyang mga mata ay hindi ko napigilang hindi mapaatras. Unang beses kong nakitang ganoon kagalit ang mata niya. "Gusto mong bitawan kita? Para saan, Sib? Para lumapit ka sa kanila? Tapos, ano ang susunod mong gagawin? Gagawa ka ng eksena at ipapahiya mo ang sarili mo? Tandaan mo, walang rason para pigilan mo sila sa ginagawa nila. You do not own Rhyzon. He is not your property. So stop this s**t and let's go home!" Hindi ako nakaimik at tila bahagyang nawala ang epekto ng alak sa sistema ko. Natatakot akong magsalita. Dahil sa mga sinabi niya ay mas lalo akong napaiyak. Hinayaan ko siyang hilain ako palabas. Kahit na nasa loob na kami ng kotse niya ay hindi pa rin ako tumigil sa pag-iyak. Tinapik lang niya ang balikat ko bago ako niyakap nang mahigpit. "Sige, iiyak mo lahat ng sakit, Sib. At sana pagkatapos mong umiyak, matauhan ka na." Hindi ko alam pero mas lalo akong naiyak sa sinabi niya. Bwisit siya, bakit ang sakit niyang magsalita? Siguro ganoon talaga kapag totoong kaibigan. Pagsasalitaan ka ng masama para ma-realize mo kaagad ang mga maling nagawa mo. Maybe that's the role of a real friend-slap you painfully with the truth. "Ang sakit, Trave! Kahit na hanggang kama lang kami ni Rhyzon, masakit pa rin. Hindi ko naman maiiwasang hindi masaktan, e. Mahal ko siya, at ang pagmamahal kong 'yon ang dahilan kung bakit ako nasasaktan ng ganito!" "Sibley, kakambal na ng pagmamahal ang sakit. Pero sa kaso mo, triplets sila: pagmamahal, sakit, at katangahan." Naitulak ko si Travis saka hinampas ang dibdib niya. "Bwisit ka talaga! Iuwi mo na nga lang ako sa bahay!" Napatawa siya saka ginulo ang buhok ko. "See? At least naman bumalik ka na sa dati." Hindi ko na lang siya kinibo at ibinaling ko na lang ang atensyon ko sa labas nang magsimulang umandar ang sasakyan. Ilang sandali pa ay naramdaman ko na ang epekto ng kalasingan ko. Inaantok na ako. Unti-unti nang bumibigat ang talukap ng mga mata ko. Pero bago ako tuluyang makatulog ay narinig kong may ibinulong si Travis na hindi ko naman naintindihan dahil sa sobrang hina nito. "Makita mo lang ang halaga ko, hinding-hindi ka na iiyak nang ganito." ###
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD