MORNING. I woke up alone. Rhyzon already left me without saying any word or even a single text. And that act means he's already done with me. Ito na nga ba ang kinakatakot kong mangyari. I shouldn't have told him about it, pero kailan pa? Maybe I just have to bear the consequences. Maybe. Yeah, maybe.
Bumangon ako at nagbihis. Pagkatapos ay humarap ako sa salamin at doon ko lang nakita ang mga luha kong kanina pa pala umaagos. Great. Sa sobrang manhid ko, maging sariling emosyon ko ay hindi ko na naramdaman. Maybe ito ang isa sa mga benefits na nakuha ko sa pagpapakatanga ko?
Huminga ako nang malalim bago kinuha ang cellphone ko. I need to talk to Rhyzon and clear things out. I want to prove to him na karapat-dapat akong mahalin, na karapat-dapat ako sa kaniya. Maybe I could convince him to commit himself at hindi na matakot ma-attach. Nasa legal na edad na rin naman kami.
I dialed his phone number. Napabuntong-hininga ako nang hindi niya sinagot ang tawag ko. Tinawagan ko pa siya ulut pero hindi pa rin niya sinasagot. So I decided to text him.
'Rhy, let's talk. We badly need to talk. Pupuntahan kita sa office mo or kahit saang lupalop ka pa ngayon.'
Pinakalma ko ang sarili ko bago nagdesisyong lumabas ng kuwarto at tawagan si Travis para sunduin ako. Siya lang ang puwede kong tawagan ngayon. Siya lang ang tanging kaibigang meron ako. Siya lang din ang tanging taong puwede kong makausap. Actually, it's my mother and father's responsibility to listen to my pain, and comfort me. But where the hell are them? They are nowhere to be found. They are enjoying their lives with their new families. While me? I am left all alone—begging for their love, attention, and care. Pero ni isa sa mga iyon ay wala silang ibinigay. Kinalimutan na nila ako.
While waiting for Travis to arrive, naglakad-lakad muna ako sa dalampasigan to breathe some fresh air. Tinanggal ko ang stilettos ko at nakapaang naglakad sa puting buhangin. Umihip ang preskong hangin at nilipad ang aking buhok at puting dress. Tumigil ako sa tapat ng papasikat na araw at pumikit.
"Sibley."
Nagmulat ako ng mata at kaagad na lumingon sa aking likuran. And right there, I saw him, my bestfriend. He's just wearing his black sando ang pajamas and a pair of indoor slippers. Sobrang gulo rin ng buhok niya at halata mong kakagising pa lang.
"Travis!" Mabilis akong tumakbo papunta sa kaniya at niyakap siya nang mahigpit. At nang maramdaman ko ang pagyakap niya pabalik sa akin ay bumuhos na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. "Hindi ko na alam ang gagawin ko..."
"Hey, stop crying," pagpapatahan nito sa akin habang hinahagod ang likod ko. "You are wetting my sando," he said, trying to lighten up my mood. "Hush now, okay?"
Lumayo ako sa kaniya at pinahid ang mga luha ko. "T-Thank you for coming, sorry at naabala pa kita sa pagtulog mo."
He patted my head and smiled. "Ano ka ba? Bestfriend kita kaya hindi pupuwedeng hayaan kita rito, 'no. At alam ko namang wala kang pamasahe kaya pumunta na ako kaagad dito," pang-aasar nito kaya sumama ang tingin ko sa kaniya.
"May pamasahe ako, 'no!"
"Really, huh?"
"M-Meron nga! Kaso alam mo naman ang sitwasyon ko ngayon, 'di ba? I need to save money para makapagpundar na ako ng sarili kong bahay," I explained.
"Of course I know. Mag-asawa ka na lang kasi ng lalaking kaya kang bigyan ng magandang bahay at masayang pamilya. I know that's what y---"
"I don't know kung magagawa ko pa ang mga 'yon, Trave," saad ko at muling pinigilan ang sarili kong umiyak. "Rhyzon already knew my feelings for him and---"
"T-Talaga?! Ano ang sinabi niya sa 'yo? Good thing at sa wakas sinabi mo na sa kaniya!"
"H-He left me," sagot ko at muli na namang umiyak.
NASA LOOB na kami ng kotse ni Travis at pauwi na kami. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako tumitigil sa pag-iyak.
"Hey, tumahan ka na. Lalaki at lalaki 'yang eyebags mo kapag umiyak ka nang umiyak. Mas lalo kang hindi papansinin ni Rhyzon kapag nagkataon," komento niya. "And besides, hindi mo pa naman talaga alam kung ano ang reaction niya sa sinabi mo. Huwag kang advance mag-isip, oy."
"Pero leaving me without saying a thing is a sign that he doesn't liked it," sagot ko bago kumuha ng tissue.
"Ano ka ba? Stop being too negative! Maybe he has some urgent meetings to attend and he doesn't want to bother or cut your peaceful sleep off. Maybe he cares for you that's why he did not wake you up," he said, trying to comfort me, which he really did.
"B-Baka nga. Thank you, Trave! You are the best bestfriend in the world!" nakangiting sabi ko bago kinurot ang pisngi niya. "Siguradong ang suwerte ng babaeng mamahalin mo."
Ngumiti siya saka tinignan ako sa mata. "Ewan ko. Hindi niya kasi nakikita ang halaga ko, e. Pero seeing her smiling and hearing her laugh is enough. Pero I am still hoping that someday, she will finally see my worth."
Ewan ko pero nakaramdam ako ng awkwardness sa sinabi niya. Napailing na lang ako at pilit na hindi pinansin iyon. "Maybe that girl is too dumb and numb. She's too blind to see your worth. Damn that woman, hindi niya ba alam kung gaano ka-guwapo, hot, at bait ang bestfriend ko? Gosh, she's letting a good catch pass!" I said, shaking my head from side to side.
Tumawa siya bago ginulo ang buhok ko. "Maybe you're right. She's too dumb and numb. She's busy catching other's man attention rather than paying attention to me," sabi niya habang umiiling. I can see his pain through his eyes. "But like what I said, okay lang. Kontento na akong makita siyang masaya. That's the real essence of love. And always remember that loving someone doesn't always mean that you have to end up being together, it's about being happy together or not."
"And here you go with your 'parent-like' talks," naiiling na puna ko sa kaniya. "Will you please stop that? Nagmumukha kang matanda, e," I added.
Tumawa lang siya saka umiling. "No. I won't change myself. Ganito niya ako nakilala kaya ganito niya rin ako makakalimutan," sagot niya. Nasaktan ako sa sinabi niya. Hindi para sa sarili ko kundi para sa kaniya. "Pero hindi naman siguro mangyayaring kakalimutan niya ako, 'no. Itong mukhang 'to? Imposible," he said, proudly.
"Ang kapal, ha," komento ko at hindi mapigilang hindi mapangiti.
"Bakit hindi ba totoo ang mga sinabi ko?"
"Totoo. Pero minsan kasi, mas magandang hindi mo ipagmalaki ang sarili mong katangian. Let someone appreciate it and brag about it," sabi ko at itinaas-baba ang aking kilay.
"Hindi nga niya magawang makita ang halaga ko, paano niya ako ipagmamayabang, ha?" kunot-noong sabi nito.
"Sino ba kasi 'yang babaeng 'yan?" pang-uusisa ko sa kaniya pero tinawan lang niya ako.
"Hindi ko puwedeng sabihin sa 'yo baka awayin mo, at isa pa baka magselos ka pa!"
"Magseselos? Hindi, 'no. Seeing you with the girl that makes you happy is my happiness as you bestfriend. I won't envy that girl, pero kapag nakita kong sinasaktan ka niya, sasabunutan ko siya hanggang sa makalbo siya," nakangiting saad ko.
"Kaya mo bang kalbuhin ang sarili mo?" bulong niya.
"Ayan ka na naman sa mga pabulong-bulong mo," puna ko at ngumuso.
Tumawa lang siya at hindi na nagsalita pa. Dahil doon ay naalala ko na naman si Rhyzon. Hindi ko mapigilang matakot na baka tuluyan na talaga siyang mawala sa tabi ko. I checked my phone to see kung may reply ba siya, pero wala. I opened my messenger and chatted him.
'Rhy, let's talk please. I'll see you in your office or wherever you are right now.'
He's online, kaya sigurado akong mababasa niya ang message ko. Hinintay kong i-seen niya ito pero hindi. Ilang minuto akong nakatutok sa cellphone ko pero hindi niya pa rin s-in-een.
"Waiting for his response?" tanong ni Travis sa akin habang nasa kalsada pa rin ang tingin.
"Y-Yeah."
"Basing on your face right now, I can really tell that he has no response yet and you badly want to know it, don't you?" he said, trying to be a psychologist. Hindi ko siya kinibo at ibinalik na lang ang tingin sa screen ng cellphone ko. "If you want, I can talk to him and ask him where the hell he is para naman mapuntahan mo siya at makausap nang personal."
Kaagad akong napatingin sa kaniya at kumapit sa balikat niya. "Really? Magagawa mo 'yon para sa akin?!"
"O-Of course! Just stop shaking my shoulder, I am driving just so you know."
Ngumiti ako. "Sorry."
Kinuha niya ang cellphone niya at tinawagan si Rhyzon. Ilang ring pa lang ay kaagad nang sinagot ito ng lalaki. At doon pa lang alam ko nang iniiwasan na ako ni Rhyzon. Doon pa lang, alam ko nang hindi na hindi na namin muling magagawa ang mga bagay na ginawa namin dati. I kept myself composed and listened to their conversation.
"Where are you, Rhy?"
"Nasa opisina ako ngayon, Trave. Bakit?"
"Ah wala. I thought kasama mo si Sibley ngayon. Alam mo ba kung nasaan siya?"
"H-Hindi, e. Tawagan mo na lang siya."
Napatingin sa akin si Travis para tingnan ang reaksyon ko. Kahit naiiyak na ako nang husto ay pinigilan ko pa rin at pilit na ngumiti sa kaniya at sinabi ang salitang 'I'm okay' nang walang tunog.
"Ah, okay."
"Kung wala ka nang sasabihin pa, I'll hang the phone up, may meeting pa kasi akong pupuntahan."
Hindi na hinintay ni Rhyzon na makapagsalita si Travis at binabaan na niya ito. Kitang-kita ko kung paano humigpit ang paghawak ni Travis sa manibela.
"f**k that jerk! Paano niya nagagawang sabihin ang mga bagay na 'yon? Damn him!"
"Trave, calm down. Okay lang ang lahat. I'll try to talk to him later," sabi ko bago inilagay ang kamay ko sa balikat niya. "Thank you for helping me."
"Wala 'yon, Sib. Kung ipahiya ka man niya mamaya, sabihin mo lang sa akin at gugulpihin ko ang gagong 'yon," nanggigigil na saad nito.
Tumunog ang cellphone ko kaya mabilis ko itong tinignan. I saw Rhyzon's message.
'I know na alam mo na kung nasaan ako. Kaya I am warning you, Sibley. Huwag ka nang pumunta rito. I do not want to hurt you, so please...get lost.'