Episode 8

1751 Words
ONE WEEK. One week had past simula nang mawasak nang husto ang puso ko. One week had past simula nang umiyak ako at hanggang ngayon ay umiiyak pa rin. Well I do not want to sound hyperbolic, pero totoong isang linggo na akong umiiyak. Ayoko kasing may mag-comfort sa aking ibang tao kung kaya't hindi ko kailanman kinontak si Travis, o sinagot ang mga tawag at message niya. It's feels so good to isolate yourself, lalong-lalo na kung gusto mo talagang sarilihin ang sakit na nararamdaman mo. But one hell disadvantage from doing so, ay ang wala kang makakausap o mahihingan ng advice. Kaya hindi ka sigurado kung ang mga desisyon na nagawa mo ay makakabuti ba sa 'yo dahil wala itong opinyon galing sa ibang tao. Pinahid ko ang luha sa aking namamagang mga mata saka tinignan ang cellphone ko para i-check ang oras. 8:47 AM. Hindi ko pinansin ang napakaraming text messages at missed calls ni Travis. Hindi rin naman siya pumupunta rito dahil sinabihan ko siyang nasa malayong lugar ako. Bumangon na ako para maghanda ng makakain, pero kaagad akong napaupo nang biglang sumakit ang ulo ko at bunaliktad ang sikmura ko. Kahit nahihirapan man, ay dali-dali akong tumungo sa CR para sumuka. Damn. Ito na siguro ang epekto ng ginagawa ko—ang hindi pagtulog at pagkain nang maayos dahil lang sa pagluluksa ko sa namatay na relasyon namin ni Rhyzon. Nang makasiguro akong ayos na ako ay bumalik na ako sa aking kuwarto at hinarap ang aking laptop. Kinamusta ko ang aking mga customer at reseller. Kinausap ko rin ang supplier ng mga binebenta ko online dahil paubos na ang on-hand stocks ko. Nang matapos ako ay balik na naman ako sa pag-iyak. Niyakap ko nang mahigpit ang unan ko at doon ibinuhos ang sakit na nararamdaman ko. Pero natigil ako nang mag-ring ang cellphone ko. Tinignan ko kung sino ito at napakunot ang noo ko nang makitang unknown number ito. "Baka customer," sa isip ko. Sinagot ko ito at pilit na inayos ang boses ko, "Hello?" "Oh God, Sibley! Sa wakas ay sumagot ka na!" rinig kong bulalas ni Travis mula sa kabilang linya. He's worried—too damn worried. I know. "Trave," sambit ko sa pangalan niya at bigla na lang nabasag ang boses ko at nagsimula na naman akong umiyak. "I-I n-need your help." "Help? Why? Heck! Umiiyak ka ba? Nasaan ka ngayon?" Huminga ako nang malalim bago nagdesisyong sabihin sa kaniya kung nasaan ako. I am tired of comforting myself. Maybe it's time to consult someone whom I know that can help me a lot. Mahigit dalawampung minuto lang ang lumipas nang sabihin ko sa kaniyang nasa apartment lang ako, ay dumating na siya. "Sibley, open the door," rinig kong saad niya habang kumakatok. Bumangon ako saka siya pinagbuksan. At sa oras na nakita ko siya, ay kaagad ko siyang niyakap at ibinuhos ang lahat ng luhang natitira sa katawan ko. "Ang bobo ko! Ang bobo, bobo ko!" "Sib," nag-aalalang sambit niya sa pangalan ko bago hinagod ang likod ko. "It's alright. Pag-usapan natin, dali?" "O-Okay," sagot ko bago lumayo sa kaniya at tumungo sa sofa. Umupo siya sa tabi ko saka muling hinagod ang likod ko. "Trave..." "Don't talk yet. Alam ko kung ano ang dahilan ng pag-iyak mo. Sige, ibuhos mo muna lahat ng sakit bago tayo mag-usap," he said— smiling—trying to comfort me. After some minutes of crying, napagod na ang mga mata ko at kusa na itong tumigil sa pagluha. I looked at him and he is still smiling. Maybe ginagawa niya iyon to balance the atmosphere? "Now, kahit alam ko na ang dahilan, can you still tell me the root of your tears?" he asked while looking at me, seriously. "I told him everything," I started. "I told him that I love him so much. I told him that he was more than a bedmate to me. I told him that I love him since the first day I met him. I told him everything. I stripped down all my lies and exposed the truths that..." Muli na namang nabasag ang boses ko. Damn these eyes, hanggang kailan ba sila iiyak?! "...t-that made him leave." "Do you feel any regrets?" tanong nito at hindi pinapansin ang mga luhang umaagos sa mga mata ko. Regrets? "I-I don't feel any regrets. Actually, I felt relieved. I felt free. And I felt alone," sagot ko. "Then there's no reason para umiyak ka nang umiyak, Sib. Hindi ka nakakaramdam ng kahit na anong panghihinayang, which means, you are unconsciously thinking that what you did was right," nakangiting sabi niya. "And don't cry like that, hindi ka pa naman iniiwan ni Rhyzon nang tuluyan dahil in the first place, hindi naman talaga naging kayo. But! You can actually have him officially, only if you will stop crying, stand up, take a bath, groom yourself, and turn yourself hotter than you are before!" Hindi ko maiwasang mapangiti sa mga salitang binitiwan ng kaibigan ko. He's right. Hindi pa naman tuluyang nawala si Rhyzon sa akin. He can still be mine—officially mine! "Sige, salamat, Trave!" Niyakap ko siya nang mahigpit. He just gave me the spirit to pursue Rhyzon. Lumayo ako sa kaniya saka pinisil ang malambot niyang pisngi. "You are the best bestfriend ever!" puri ko sa kaniya bago ako tumungo sa kuwarto. TRAVIS WATCHING Sibley suffer is the worst thing I could ever see. Hindi ko kayang makita siyang gano'n. She's too precious and fragile. And in order to maintain her beauty, you need to handle her with love and care, and that's what I am doing. I love her. I love her more than just a bestfriend. She is the reason behind the new version of Travis Santiago. She helped me a lot. Back when I was in college, I was a nobody who just gets noticed by someone when they need something from me like assignments, projects, and requirements. At pagkatapos nilang makuha ang gusto nila, inaabanduna na nila ako. But Sibley, who happens to be my classmate in one of my minor subjects in Business Management, and my pair in our project on that subject, showed me that I deserve to be befriended. She treated me like a friend, not just a partner in our project. She even helped me change my fashion style. She really taught me everything—including on how to love. Pero kagaya ng ibang bestfriends, natakot ako na sabihin sa kaniya ang nararamdaman ko. Natakot ako sa posibilidad na baka hanggang kaibigan lang talaga ang turing niya sa akin. Natakot ako sa posibilidad na baka masira ko ang pagkakaibigan namin. Kaya pinili ko na lang manahimik at ilihom sa kaniya ang nararamdaman ko. And look at me now, I am free to love her. Malaya akong yakapin siya, akbayan siya, at makasama siya. Pero kapalit ng mga kalayaaang iyon ay ang masakit na reyalidad na lahat ng iyon ay walang halong malisya. That's why I really envy Rhyzon. She caught the eyes and heart of the girl I love without even doing something special nor good. I even once wished that I could be like him, para mapansin din ako ni Sibley. But seeing how he treats her, makes me regret that wish. I can't use and hurt Sibley like that. Bakit ba kasi hindi niya makita ang halaga ni Sibley? He's a total dumb bullshit! "Hoy!" Natigil ako sa pag-iisip nang tawagin ako ni Sibley. Bahagyang napaawang ang bibig ko nang makita ko kung gaano siya kaganda sa suot niyang red dress na hanggang kalahati ng hita niya. Her hair was cleanly tied in a bun. "Oh, natulala ka riyan? Ganda ko, 'no?" she said, proudly. Yes, you are. You are the most beautiful woman in my eyes, Sib. But how about me, am I the most handsome man in your eyes? "Para kang nag-transform, a! Kanina lang para kang ginahasa ng sampung diablo, pero look at you now? Parang lima na lang ang gumahasa sa 'yo!" I joked. She rolled her eyes, which I find really cute. That's one of her cutest reactions I've ever seen. Lumapit siya sa akin saka ako binatukan. "Grabe ka! Nagpaganda ako nang bonggang-bongga tapos sasabihin mong---" "Oo na. Maganda ka na!" I cut her off. You don't need to groom yourself, Sib. Being you is enough already. Minahal kita noong hindi ka pa ganiyan kaganda. Minahal kita noong yagit na yagit ka pa. I badly want to tell her those words. But my fear of losing her keeps holding me back. "'Yan, para cool tayo!" she said and tapped my shoulders. "Let's go?" Ngumiti ako saka siya nilapitan at pumwesto na parang isang escort. "Cling on me, lady." "Naks, parang mayora ang dating ko ngayon, a!" naiiling niyang sambit. Napangiti ako. At last, she is back to her normal self. No more dramas. Ngayon, ang hinihintay ko na lang ay ang magm-realize niya na mas kailangan niya ang isang lalaking katulad ko na hindi siya kailanman sasaktan. Nakarating kami sa bar nang maayos at masaya. While on our way, hindi ako pumalyang patawanin siya. Kaya heto ang resulta—she looks so vibrant and energetic. You can not see any traces of pain and regrets in her eyes. I stared at her back as she walk in the middle of the crowd. She is really stunning. I was about to ask her to sit, pero natigilan ako nang makita kong tumataas-baba ang balikat niya. Mabilis ko siyang nilapitan. I held her shoulder at pinaharap ko siya sa akin. "Hey, what's wrong?" Her teary eyes stared at me and back to the corner where I see a man and a girl doing shits. Naikuyom ko ang kamay ko saka muling hinarap si Sibley. I wiped her tears and forced her to smile by pinching her cheeks up. "L-Let's go home," she whispered before she ran away. "Sib!" Hinabol ko siya pero napatigil ako nang humarang sa daan ko ang mga nagsasayaw na mga tao. Heck! Nang tuluyan akong makalabas ng bar ay kaagad ko siyang hinanap. Pero napamura na lang ako nang makitang wala na siya. Mabilis akong bumalik sa kotse ko para kunin ang cellphone ko. I called her, but heck! Naiwan niya pala ang cellphone niya sa kotse ko. Damn, Sibley! Where are you? I immediately rode my car and decided to look for her. Bakit ba kiakabahan ako nang ganito? May masama bang mangyayari sa kaniya? Huwag naman sana.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD