Sibley's Point of View
Mugto ang mga mata ko nang magising ako. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako kakaiyak. Mabilis akong bumangon at nag-unat ng katawan. Agad kong tiningnan ang oras at nakampante nang makita kong sakto lang ang gising ko. I have still time to prepare Rhyzon a meal.
Lumabas ako ng kwarto at pilit na ngumiti. Pilit kong pinapagaan ang loob ko para lang hindi masira ang araw ko. Ilang beses na itong nangyari, I should have gotten used to it already, pero mukhang hindi ko pa talaga kaya. I guess I still have a long way to endure to build immunity from this kind of pain.
Pagkalabas ko ng kwarto ay agad kong tinungo ang kusina. Pero natigilan na lang ako nang may makita akong babae na suot-suot ang polo ni Rhyzon. Nakaupo siya sa stall habang sumisimsim ng kape. Pero hindi lang 'yon ang mas nakakagulat—Rhyzon is there, too, and he's cooking something. Nakasuot lang siya ng boxers at apron.
Napakapit ako sa laylayan ng bestida ko. The scene right in front of me is the scene I always dream of. It happened—Rhyzon did it but with another woman. And that's what hurts the most. Parang pilit talagang isinasampal ni Rhyzon na ayaw niya sa akin.
Habang pinagmamasdan ko sila ay hindi ko napigilan ang pagtulo ng aking mga luha. Sobrang sakit. Sobrang sikip ng dibdib ko. Gusto kong sumigaw. Gusto kong sugurin ang babae at kaladkarin palabas ng bahay. Pero alam ko ring hindi ko 'yon magagawa. Rhyzon would probably stop me right before I could even touch his woman's hair. Then he'll lash out and get mad at me for meddling with his life and tell me the words he always say that I already memorized it—I am nothing but his wife in paper. My rights start and end there.
Huminga ako nang malalim bago marahang tumalikod. Maingat ang hakbang ng aking mga paa upang hindi ako makalikha ng ingay. Ngunit bawat hakbang ay tila pabigat nang pabigat. Ramdam ko rin ang pagbalot ng sakit sa aking dibdib. Naninikip ito na parang pinipiga. Pero pilit kong nilalabanan. Huminga ako nang malalim at hinayaang tahimik na umagos ang luha sa aking mga mata.
Pinili ko na lang na bumalik sa aking kwarto at hintaying lumipas ang oras. Siguro isa o dalawang oras ay aalis na ang babae niya, o hindi kaya'y silang dalawa.
Matapos ang mahigit isang oras ay muli akong lumabas sa pag-aakalang wala na silang dalawa, pero bumungad sa akin si Nanay na may lungkot sa kanyang mga mata habang pabalik-balik ang tingin sa sala. Nang sumilip ako ay naroon silang dalawa at mukhang enjoy na enjoy na nanonood ng palabas. Bumaling ako kay Nanay at ngumiti.
"Hindi pa pala sila umaalis," sambit ko na lang at pinilit na panatilihin ang ngiti ko. Pinilit kong 'di ito bumagsak. Ayokong ipakita kay Nanay na nasasaktan ako; na nadudurog na ako. "Balitaan mo na lang ako, 'Nay, kapag umalis na sila," dagdag ko bago bumalik sa aking silid at hindi na hinintay pa kung ano ang sasabihin niya sa akin.
Minulat ko ang aking mga mata nang maramdaman ko ang matinding pagkalam ng sikmura ko. Pinahid ko ang mga natuyong luha sa aking pisngi bago bumangon. Pagtingin ko sa orasan ay pasado ala una na pala nang hapon. Kaya pala ganoon na lang kung kumalam ang sikmura ko.
Agad akong lumabas ng kwarto para maghanap ng makakain. Nagpalinga-linga ako para tingnan kung naroon pa ba sina Rhyzon, at napanatag ako nang makitang wala na ang mga ito.
Dali-dali akong naghanda ng makakain. Pagsilip ko sa labas ay nakita ko si Nanay na naglilinis sa maliit na hardin. Hindi ko na siya tinawag dahil mukhang abala ito sa kanyang ginagawa.
Pagkatapos kong kumain ay napagdesisyunan kong pumunta sa kwarto namin ni Rhyzon para doon manatili kahit saglit man lang. Ito ang ginagawa ko para kahit papaano ay maramdaman ko ang presensya niya; na para maramdaman kong kasal ako sa kanya. Ngunit pagbukas ko ng pinto ay napatulala ako nang magsalubong ang mga mata namin ni Rhyzon.
Kasalukuyan siyang nagbibihis, marahil ay papunta na sa opisina. Naningkit ang mga mata niya kasabay ng pagtatagpo ng kanyang mga kilay. "What the f-uck are you doing here?"
"A-Ah..." Hindi ako makasagot. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Nakatulala lang ako habang nakatingin sa kanya. At ewan ko ba kung ano ang pumasok sa isipan ko at bigla akong naglakad palapit sa kanya. "T-Tulungan na kita..." Aabutin ko na sana ang butones ng polo niya nang bigla niyang tinampal ang kamay ko.
"Get out, Sibley. Get out before I could even do something bad to you," kalmado pero may diin niyang sambit. Huminga siya nang malalim bago muling tumingin sa akin. "Leave this f-cking room immediately. Your presence irritates the hell out of me," dagdag niya. "Get out!"
Bahagya akong napaatras dahil sa takot. Napahawak ako sa aking dibdib. Nakuyom ko ang aking kamay bago sinalubong ang nagngangalit niyang mga mata. "B-Bakit?" tanong ko at hindi napigilan ang panginginig ng mga labi ko. Pero pilit ko 'yong nilabanan. Tinapangan ko ang loob ko at nagpatuloy, "Bakit ba ganoon ka na lang kagalit sa akin? Para namang..." Huminga ako nang malalim. "Para namang wala tayong pinagsamahan. Parang hindi ka naging mabuti sa akin..." Pahina nang pahina ang boses ko, na halos ibulong ko na lang ang mga salitang lumalabas sa aking bibig. "B-Bakit?"
"You really wanna know why?" aniya at bahagyang napailing. "Alam kong alam mo kung bakit ganito na lang ako kung magalit sa 'yo, Sibley. You f-cking know!" Dinuro niya ako. Kita ko sa mga mata niya ang labis na galit. "But if you still want to hear it from me, then let me tell you: you ruin my life! You know my rules. You know exactly I hate to be tied with someone!"
"What did you expect me to do?!" sigaw ko rin pabalik. Saglit pang nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ko ang ginawa ko. It was shocking but liberating. It's as if letting go of something I have been bottling for the longest times. "Buntis ako, Rhyzon. Buntis ako!"
"I can just support the kid if you insist on raising it! Why ruin my life? Do you even know how f-ucked up my life is ever since that goddamn marriage happened?!" singhal niya sa akin. Ramdam na randam ko ang galit sa boses niya. I can see him clenching his fists. Nakaramdam ako ng takot pero isinantabi ko 'yon.
"It wasn't my idea! Alam mo 'yan!" Huminga ako nang malalim dahil hindi ko na rin kayang pigilan ang galit ko. "It was your parents' idea!"
"Pero 'yon din ang gusto mo!" Tumawa siya at napailing. "Are you that desperate to have me, Sibley? Are you that f-ucking desperate that you're willing to do whatever the f-uck it takes just to get me? Y—"
Hindi ko na siya hinayaan pang tapusin ang sinasabi niya. I slapped him as hard as I can. Ang sakit ng palad ko, pero wala akong pakialam doon. He deserved that slap. "Makapagsalita ka, parang 'di mo rin hinabol-habol ang katawan ko dati, ah?" Umiling ako sa kanya. "Have some balls, Rhyzon, at panagutan mo ang ginawa mo. This is the consequences of our actions!"
Imbes na magsalita ay hinawi niya ako at agad siyang lumabas ng kwarto niya. I tried calling him, but he's not listening. Wala akong nagawa kundi ang pagmasdan siyang lumabas ng bahay. Nang mawala siya sa paningin ko ay bumagsak na lang ako sa sahig habang sinasabunutan ang sarili.
Unang beses kong sagutin siya. Unang beses kong pinaglaban ang sarili ko. At sa tingin ko ay dito na rin magsisimula ang paglaban ko para sa karapatan ko. I guess I have to be a little braver to have what's rightfully mine.
I'll make Rhyzon fall in love with me. I'll make sure of it. He used to want me before, and it's not impossible to make him want me again. If I have to use my body to win his heart, then I will.