Chapter 2

1092 Words
Semestral break kaya para hindi ako ma-bored ay naisipan kong baguhin ang sarili ko. Bumili ko ng pangkulay sa buhok sa Hortaleza na light blonde at kinulayan ang buhok ko sa pamamagitan nang Ate kong si Dianne.  "Lahat ba, Dia?" Tanong nito habang nilalagyan ng pang-kulay ang buhok ko na lagpas balikt ang haba.  "Yep. Lahat." Nakangiti kong sagot habang nakatitig sa sarili ko sa salamin.  "Hindi ba ito bawal sa University niyo? Nursing student ka pa naman." Sabi pa nito.  "Hindi, sem break naman saka wala naman nakalagay sa hand book." Sagot ko pa habang ngiting-ngiti dahil hindi na ako makapaghintay sa magiging resulta. First time ko kasing mgpakulay ng buhok in my 19 years of existence kaya natutuwa ako. "Ayan tapos na." Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa monobloc at nagpasalamat sa Ate ko. Hinayaan ko lang ang buhok ko sa ayos na iniwan ng Ate ko at naghintay ng 45 minutes sak binanlawan. Pakanta-kanta pa ako habang naliligo at nang matapos ay agad akong humarap sa salamin at kahit nakatapis pa ng tuwalya ay pinatuyo ko ang buhok ko gamit ang isa pang towel at electricfan. Nakangiti ako ng malapad nang bumaba ako sa hagdan at pumunta sa munti naming hapag para kumain ng tanghalian.  "Wow, Ate Dia. Bagay sayo ang blonde!" Bulaslas ng bunso naming si Darlyn. Nagpasalamat ako dito at sinway-sway pa ang aking buhok bago umupo sa harapan ni Ate Darren. Apat kaming Maria na anak nina Papa Neil at Mama Ross. Panganay ay si Maria Dianne, Maria Darren, Maria Diamond at Maria Darlyn, puro kami babae kaya grabe kung gwardiyahan kami ni Papa, pero hindi ko naman siya masisisi dahil magaganda ang mga anak niya.  Nagsimula kaming kumain ng tanghalin na masaya, sakto pang nandito si Papa dahil linggo ngayon kaya family day narin. Masaya kaming nagkukwentuhan ng kung anu-ano dahil ang bunso namin ay may pagka-weird at interesado sa mga hackes na anonymous kaya kinukwento niya, habang kami ay napapailing nalang.  "Kamusta ka pala sa bago mong trabaho, Dianne." Nagthumbs-up lang ang Ate Dianne saka uminom ng tubig bago magsalita.  "Ayos lang Papa. Masaya naman." Si Ate Dianne ay isang call center at katulong ni Papa sa mga gastusin dito sa bahay.  "Eh ikaw, Darren?" Tanong ni Papa sa pangalawa naming Ate. "Maayos naman sa school, masaya din ko sa trabaho ko sa fast food." Tumango-tango si Papa. Si Ate Darren ay working student at kumukuha ng course na Office Administration, nasa third year na siya ngayon.  "Ikaw Dia?" Tumango lang ako at tipid na ngumiti. "Nag-a-adjust pa ako, Papa. Alam mo namang school ng mga mayayaman iyon." Tumango nalang ito at hindi na umimik. Gustuhin ko mang magtrabaho din gaya ng Ate Darren ko ay hindi ko magawa dahil nga sa scholarship ko sa Celestine at sa course ko na kailangan ng focus. Sunod niyang tinanong ang bunso namin at gaya ng mga naunang sagot ay yun din ang sinabi niya. Pagkatapos naming kumain ay tinulungan ko si Mama sa pagligpit ng pinagkainan habang ang dalawa kong Ate ay naghahanda na sa pagpasok sa trabaho nila.  "Diamond, tinatanong pala ng Papa mo kung tutuloy ka sa paglipat sa dorm sa school niyo?" Tanong ni Mama habang tinutulungan ko siya sa pagtutuyo ng mga plato.  "Hindi na Ma, masyadong mahal saka kaya ko namang mag-commute. Isang bus at jeep lang naman." Sagot ko. "Sigurado ka, inaalala lang namin na baka mahirapan ka sa biyahe." Umiling lang ako at ngumiti kaya napabuntong hininga na lamang si Mama. Totoo naman na kaya ko ang biyahe mula sa bahay hanggag University, ang ayoko lang ay ang mga tingin sakin ng mga kapitbahay naming chismosa sa twing pumapasok ako na naka-uniform na para bang sinasabi nila na hindi ako kayang pag-aralin ng mga Magulang ko kaya inaantay nila kung kailan ako titigil.  Sa isang squaters area lamang kami nakatira, sa likod ng isang malaking mall. Bata pa lamang ay nakamulatan ko na dito pero kahit kailan ay hindi ako nagkaroon ng kaibigan dito. Hindi naman kasi kami palalabas na apat at ayaw din namin gumaya sa mga kababaihan na kapitbahay namin na maagang nagka-anak at nagkapamilya. Goal-oriented kaming apat at aware kami sa hirap ng buhay kaya nga nagsisikap kami na makatapos para maialis namin sina Papa sa lugar na ito.  "Dia, bili ka pala ng toyo at suka. Nakalimutan ko." Sigaw ni Mama mula sa ibaba mg bahay. Napabuntong hininga akong tumayo mula sa pagkakahiga at ibinaba ang cellphone ko. Bumaba ako ng hagdan at pinuntahan si Mama sa kusina.  Pagkabigay niya sa akin ng pera pambili ay agad akong lumabas ng bahay. At katulad ng laging eksena ay lahat ng mata ay nakatingin sa akin. Naka-shorts lang kasi ako at white na sleeveless kaya kitang-kita ang maputi kong balat na walang bahid ng kung anong dumi except sa putik na nasa likod na ng binti ko dahil sa maputik na dinaanan ko.  "Oy Diamond. Lumabad ka din!" Napairap lamang ako at nagtuloy sa paglalakad hanggang sa makarating sa tindahan ni Manang Eryang.  "Pabili po ng suka at toyo yung malaki." Sabay lagay ng bente pesos sa takip ng kendi na nasa harapan ko. Kinuha naman iyon ni Manang at sinuklian ako saka ibinigay sakin ang toyo at suka. "Ang sexy at kinis mo talaga, Diamond." Sabi pa ni Gabriel na hindi parin pala umaalis sa tabi ko. "Tantanan mo ko, Gabriel. Hindi tayo close." Inis na sabi ko saka hinawi ang kamay niyang humawak sa braso ko. "Ang sungit mo naman, Diamond. Samantalang dati kung mamiss mo ako, ganun-ganun lang." "Ang kapal ng mukha mo! Anong namiss? Eh ni ayaw ko ngang tignan yang mukha mo." Biglang nagseryoso ang itsura kaya niya bahagya akong napalunok. Napahigpit ang hawak ko sa plastic na may toyo at suka nang bigla niya akong hilahin at dalhin sa isang masikip na eskinita. Walang pasabing sinandal niya ako sa pader at agad nilusob ang mga labi ko. Pilit akong nagpupumiglas at nabitawan ko na ang hawak kong plastic makawala lamang sakanya pero masyado siyang malakas. Hinawakn niya ang magkabila kong kamay at nilagay saking ulo saka ako muling hinalikan ng marahas. Sunod-sunod na tumulo ang luha ko kasabay nang kawalan ng pag-asa. Naramdaman ko ang bigla niyang pagtigil kaya nakakuha ako ng pagkakataon at tinuhod ang kaligayan niya. Nagmamadali kong pinulot ang plastic at tinignan siya ng masama. "Tama lang talaga na nakipaghiwalay ako sayo at nakinig ako sa mga magulang. You are nothing but a worthless asshole, Gabriel, at ikinakahiya ko na naging nobyo kita." Sabi ko bago siya tinalikuran. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD