Chapter 1

1136 Words
Nang tumuntong ako ng college at kuhanin ang kursong matagal ko ng pinapangarap simula bata pa lamang ako ay hindi ko akalain na hindi pala ganoon kadali. Being in a private University with a course of Bachelor of Science in Nursing is really pain in the ass! Para sa isang katulad ko na nakatira lamang sa squaters area at isang hamak na messenger ang ama habang plain housewife ang ina at may mga kapatid pa na nag-aaral din ay hindi ko akalain na ma-su-survive ko ang first semester nang walang naiwan na balanse.  God is really good talaga. Dahil bukod sa mabait at huwaran akong anak ay may takot ako sa Kanya at takot din na gumawa ng masama.  Iyon nga lang, sa bawat paglipas ng buwan at habang patagal ng patagal ako sa University ay mas lalo kong nararamdaman ang hirap namin sa pera at ako sa pag-aaral.  Kasalukuyan akong nakatitig sa grades ko na kaka-release lang ngayong araw at hindi ako makapaniwala na ganito ang resulta ng paghihirap ko sa nakalipas na buwan!    Putcha! Puro dos at tres! Wala man lang naligaw na uno kahit isa! "Iyan na ba ang grades mo, Dia? Patingin ako," dinig kong sabi ng katabi ko. Kinalabit pa ako ni Josie na kapwa ko nursing student at close friend since first day. Mabilis kong tinago ang transcript sa bag ko dahil nahihiya ako na ipakita ito. Feeling matalino pa naman ako always.   "Ang damot mo!" malakas na sabi nito at nagawa pa ako na irapan. Iniwan ko na ang siya doon sa tapat ng Admin office at naglakad nalang papalayo. Malalim akong napabuntong hininga nang makalayo ako at tumingala sa kalangitan.    Medyo nadi-disappoint ako sa sarili ko. Grades are just numbers pero kasi, I've been an honor student since grade school at public school pa iyon! Sinuwerte lang naman ako na makatuntong ng private university dahil sa scholarship na binigay saking ng school ko noong high school at nakakahiya kapag nagtanong sila o binigay ko ang photocopy ng TOR ko! Na-survive ko nga ang pagbabayad ko ng tuition na mahigit 50,000php pero ganito naman ang grades ko! Hay buhay.   "Okay lang yan, Diamond. Bawi ka nalang sa susunod." Napalingon ako sa gilid ko sabay na maramdaman ko ang pagtap sa balikat ko. Napangiti nalang ako kay Josie na ngitian ako pabalik.    "So alam mo?" Tanong ko sakanya.  "Oo. Ganyan din kasi grades ko." Sabay pakita sakin ng TOR niya at sabay pa kaming natawa.   "Oh, diba. Best friend goals!" Aniya pa at nakipag-apir sakin. Umapir naman ako sakanya saka ulit sabay na natawa.    "Tara, starbucks nalang tayo, libre ko." Aya niya sabay hila sakin, hindi na lang ako tumanggi since libre naman at nagpadala nalang sa paghila niya.  Nakilala ko si Josie nong first day ko dito sa Celestine University. Isa siyang anak mayaman at may rich kid problems pero mabait naman. May mga times lang talaga na gastador siya pero kasama niya naman ako sa gastos at hindi siya madamot, kasi nga rich kid. May pagka-maarte si Josie sa damit at maselan sa pagkain, pero above all ay mabait siya kaya nga nag-click ang friendship namin.  "One Java chip Frappuccino please, Grande." Wika ni Josie nang makarating kami sa coffeeshop na nasa labas ng school.  "Ano sayo, Dia?" Tanong niya. "Caramel Macchiato, Grande." Nakangiti kong wika. Binayaran ni Josie ang order namin at umupo sa stool na malapit sa counter habang inaantay ang order namin. Inilabas niya ang Ipad niya at nag-browse sa Internet habang inilabas ko naman ang Samsung J7 ko at nag-scroll sa i********:.  "Kilala mo si Prince Alvarez, diba Dia?" Tumango ako sa tanong niya at napatingin sakanya.  "Why?"  "Nasa Pilipinas na sila kasama iyong wife at daughter niya. I heared from Papa na dito na raw sila titira. Sayang siya no, he chose his family over his career. Magaling p naman siya." Napatango-tango nalang ako sa mga sinabi niya dahil tama siya. Prince Alvarez is the great Superstar in the country bago niya makilala ang asawa nitong si Crystal Ybaniez. Everyone knows about their story dahil ginawa itong libro na sinulat ni Charlene Barcelona--Crystal's bestfriend. "Bakit dito na raw sila sa Pilipinas, titira?" Tanong ko. Sandali siyang nag-isip bago muling nagsalita, "Kasi ang sabi ni Papa ko, dito na raw nila ilalagay ang kalahati ng Ybaniez Empire, hindi lang para makatulong sa bansang Pilipinas kundi dito kasi talaga gustong tumira ni Crystal for good. Alam mo rin ba ang news na pinaghatian ni Prince at Honn Zamora ang Empire?" Tumango ako sa sinabi niya. Recently lang ng ipakilalang pinsan ni Crystal Ybaniez si Honn Zamora, magkapatid ang Papa ni Crystal at Mama ni Honn. We don't know the whole story pero ayon sa ibang news ay tumakas ang Mom ni Honn dahil ayaw ng mga Ybaniez sa isang Angelo Zamora na dating bodyguard ng Mom niya.  We knew about this kahit na Nursing student kami ay dahil narin kay Josie, super fan kasi siya ni Prince Alvaez at family friend nila ang mga Zamora dahil sa Australia pa daw ay bestfriend na ang Dad niya at si Mr. Zamora. So kung ano ang chismis sa mga iyon ay kinukwento niya sakin at kahit na hindi ako interesado ay nakikinig na lamang ako. "Mayaman ba sila Honn before?" Tanong ko dahil bigla akong na-curious sa hatian ng yaman.  "One Javachip Frappe Grande for Josie and One Caramel Macchiato Grande for Dia." Naputol ang paguusap namin ng tawagin kami para sa orders namin. Agad naman namin iyong kinuha at pumwesto sa bandang dulo para ituloy ang aming pagkukwentuhan.  "Yes. Pero hindi filthy rich katulad ng sa amin, kaya nga namatay si Heart dahil hindi nila napagamot."  "Heart?" Takhang tanong ko.  "Si Heartily Leonore Zamora. Yung bunso nila. Nagka-asthma kasi yun ng malala tapos hindi naagapan." Bigla akong napatigil nang parang marinig ko saking isipan ang pangalangan Heartily. I think I heared it somewhere o baka may kapangalan lang. "So ayun nga, mayaman na sila ngayon at ang business na itatayo nil ang Corp. I think goal nila ang magtayo ng Airlines, saka hotels at balak narin nilang mg-invest sa school natin." Napatango-tango nalang ako hanggang sa malihis ang usapan namin ng makita namin ang pagdating ni Agatha Ramos, ang campus queen daw ng Celestine na Tourism Major.   "I hate that bitch." Wika ni Josie na ikinatawa ko. Literal na natahimik ang paligid nang pumasok siya sa coffeeshop, dahil narin sa halos lahat ng nandito ay schoolmates namin.    Agatha is an epitome of beauty at sobrang sexy. May hawig siya kay Jade ng Little Mix at parehas pa sila ng buhok na curly with ash color. "Let's go, Dia. Shopping nalang tayo." Tumango nalang ako habang nagpipigil ng tawa. Sinadya pang dumaan ni Josie sa harapan ni Agatha at nag-irapan pa ang dalawa bago kami tuluyang makalabas. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD