"You're that desperate, huh?" Nakangising wika sakin ni Honn ngunit inirapan ko lamang siya at itinuloy ang pagsusuot ko ng damit. "Pero sino nga ba ang tatanggi sa isang gaya mo, Diamond, pero hindi ang pakasalan ka." Ouch. Bakit parang sinasabi niya na hindi ako wife-material? Nasabi ko lang naman yun dahil ayokong huminto sa pag-aaral. Ayokong huminto dahil dalawang taon nalang ang hihintayin ay ga-graduate nako. Ayoko din namang mag-working student dahil hindi ko kakayanin lalo na't kailangan ng course ko ang buo kong oras. "Just say no, Honn. Para makahanap pa ako ng iba." Sabi ko nalang at tumayo. Kinuha ko ang blue polo niya na nasa sahig at isinuot iyon at muling umupo dahil sa hapding nararamdaman ko sa gitna ng mga hita ko. Hay. It's official, hindi na ako virgin. Ang bagay