"Everything has changed." sambit ko habang nakikinig sa kanta ni Ed Sheeran at Taylor Swift. Nakatitig ako sa clipboard na nakasandal patayo sa mesa ko dito sa nurse office. Nakapalumbaba ako habang may nakasapak na earphones sa tenga ko. Everything has really changed. Tinanggal ko ang earphones matapos ang kanta at napabuntong hininga. A month after Honn has arrived, everything has really changed. Parang naging civil na ang pakikitungo niya sa akin. Kinakausap niya ako pero kapag may itatanong lang. Hindi narin kami madalas magkita dahil mas marami ang oras ko sa ospital gayong opisyal na kong nagtatrabaho dito at hindi na pumapasok sa school. Binalak ko siyang tanungin once, pero nauwi lang sa kama ang dapat na pag-uusap namin. At ang tanging bagay na hindi nagba