Lumipas pa ang tatlong araw na hindi parin nagigising si Honn na ayon kay Doc Manuel ay normal lang daw dahil sa dosage ng pampatulog na binigay nila dito. Nagkataon pa na ang unang linggo namin sa Aldwyne ay tinamaan ng outbreak, marami sa estudyante ang nagkakasakit dahil sa poultry na nasa likod ng school nila na nakaapekto sa kalusugan nila dahil sa amoy at langaw na nanggagaling doon. Most of the students are suffering from dehydration and some are flu. Kung dati noon sa Metro ay labing anim na oras ang duty namin, dito ay halos dito na kami tumira. Nagdala na nga kami ni Josie ng mga damit at toiletries dito at spare uniform na nasa nurse quarters kung saan natutulog ang ibang nurse. Tuwing lunch at dinner naman ay hinahatidan kami ni Mama ng pagkain na kahit papaano a
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books