Mga kalahating oras ang lumipas bago siya natapos. Tumayo siya nang makatulog ito dahil na rin siguro sa puyat. Nagpasiya siyang lumabas na may dalang ngiti. Pero agad din siyang napahinto nang marealisang basa pa ang damit nito at kailangang palitan. Nagtatalo ang kaniyang utak at puso kung sasabihin ba niya sa lalaki na magpalit, dahil baka magkasakit ito. "M-Mr. Malcogn?" Hindi ito sumagot. Nanatili itong nakapikit at malalim ang hininga. Nakatulog na nga ito. Sandali niyang ipinatong sa tabi ng kama ang medicine kit para tapikin ang lalaki. Pero nauwi sa ere ang kamay niya nang maramdaman ang init sa balat nito. Inaapoy na ito ng lagnat! Nataranta pa siya sa sandaling ito hanggang sa makaisip ng plano. Maingat niyang pinatihaya ang binata. Nakapikit pa rin ito at namumula na halos a