Nagising si Ellah bandang hapon. Sandali niyang kinurap-kurap ang mga mata-walang pagbabago, nasa log bench pa rin siya habang nakatagilid na nakahiga. Agad siyang nag-unat ng mga braso at awtomatikong napangiti nang makita ang mga magagandang bulaklak na nagsasayaw sa preskong simoy ng hangin. Nanatili siyang ganoon ang ayos habang pinagmamasdan ang mga ito. Kating-kati na siyang pitasin ang isa sa mga ito at amuyin. Ngayon lamang din nakuha ang atensyon at pandinig niya sa malakas na pagbagsak ng tubig sa falls sa 'di-kalayuan. Tila hinihila siya nito. Napasulyap siya sa bahay at nagdadalawang-isip kung sisilipin ba niya ang water falls. Namalayan na lamang niya ang sariling naglalakad papunta roon. Na-estatwa siya nang makita niya ang kagandahan ng paligid. Mula sa talon ay mailalaraw