NAPAKISLOT si Vraiellah nang maramdaman niyang may humaplos sa kaniyang pisngi. Bigla siyang napadilat ng mata at saka lang nag-sink in sa isip niya na wala siya sa sariling kwarto ng kanilang mansiyon, na nasa isang silid siya kasama ang lalaki na malaki ang galit sa ama niya. Saka lang niya naalala ang nangyari sa kaniya sa kamay nito. Napatingin siya sa lalaking ngayo'y humakbang papatalikod at bago pa man siya makiusap dito ulit na pakawalan siya, malakas na pagsara ng pintuan ang iniwan sa inaantok pa niyamg sistema.
Umaga na ayon na rin sa sinag ng araw na nagmumula sa labas ng bintana. Good thing at hindi na nakagapos ang kaniyang mga kamay at... Sandali siyang hindi makaimik nang makitang may kumot siya hanggang dibdib. Nakaunan sa malambot na unan at may suot na ngayon na matinong damit na panglalaki.
Gumuhit sa labi niya ang pait na ngiti at kasabay ang pagpatak ng mga luha niya. Sunod-sunod ang pagpatak na nauwi sa malakas na iyak. Hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala sa kaniyang sinapit. Kahapon lang masaya pa siyang naglalakad sa dalampasigan mag-isa...
“Hija pagkatapos mong mag-unwind diyan kasama ng mga kaibigan mo sa resort, make sure na umuwi ka ng deritso sa mansiyon, ha? Ayaw mo naman sigurong pagtampuhin ang ama mo.”
Natawa siya sa himig ng ama. “Yes dad,” saka niya inilibot ang paningin sa kabuuan ng dalampasigan.
Oh how she miss this place! Dito siya pinanganak ng kaniyang ina kaya memorable sa kaniya ang resort na ito. Lalo na't nababanggit ng ama niya dati na muntikan daw mamatay ang mommy niya sa katigasan ng ulo nito dahil imbes na sa hospital, gusto raw talaga nitong sa resort siya ilabas. Napangiti siya pero bigla rin napalitan ng lungkot ang puso niya nang maalalang matagal ng patay ang kaniyang ina.
“Hija, are you still there?”
Nanumbalik naman ang atensyon niya sa kabilang linya at marahang napabuntunghinga. “Hey dad, I need to hang up! Mamumulot lang ako ng shells and don't worry, ang pinakamaganda mong anak ay hindi gagawa ng bagay na ikakasakit ng damdamin ng paborito at pinakamamahal niyang ama sa buong mundo! I love you dad! You're my greatest dad in the world!” napalitan naman ng ngiti ang kaninang malungkot niyang boses nang marinig niyang tumawa ang 'Don' sa kabilang linya.
“I love you my baby, take care.”
Matapos ang tawag ay hinarap niya ang pamumulot ng mga naggagandahang shells hanggang sa hindi niya namalayang may huminto na isang pares ng paa sa harap niya. Nagtatakang nagtaas siya ng tingin at napansin niya ang hawak nitong bulaklak. Hindi niya masyadong napagtuonan ang mukha ng lalaki dahil sa mga bulaklak siya nakatingin. She really love flowers! Hindi nakakapagtakang garden wedding ang theme ng kasal na gusto niya.
“May nagpapabigay sa'yo.” Agad itong tumalikod nang natanggap niya iyon.
Nagtaka siya pero binasa niya ang nakasulat sa kulay yellow na note nakasabit sa naggagandahang bulaklak.
'C.M '
Nilibot niya ang kaniyang paningin at baka makita niya ulit 'yong lalaking nagbigay sa kaniya pero wala kahit anino nito. Tatanungin niya sana ito kung sino ang nagpapabigay sa kaniya pero sobra talaga siyang nagandahan sa bulaklak na hawak kaya inamoy niya ito.
Mabilis siyang napatakip sa ilong nang maamoy ang malakas na uri na chemical na bumalot sa bulaklak ng samhuyin niya. Nakaramdam siya ng panghihilo at pamimigat ng mga mata. Hindi niya namalayan nabitawan niya ang bulakak at agad naman itong inanod ng tubig dagat na humampas sa kaniyang paanan. Ngunit bago iyon, ramdam niyang may malalakas na bisig ang sumalo sa kaniyang lupaypay na katawan kasabay ng pagtakip ng panyo sa kaniyang ilong.
“It's pay back time sweetheart,” bulong nito.
At tuluyan ng naglaho ang liwanag at nagdilim ang buong kapaligiran. Wala na siyang maalala at nang magising siya, nasa isang silid siya kasama ang lalaking may malaking galit sa kaniyang ama.
Napakagat siya sa kaniyang labi nang sumagi sa isip niya ang imahe ng kaniyang fiance at ama. Malamang nag-aalala na ang mga ito oras na malaman ng matanda ang pagkawala niya. Nanalangin siya na na sana'y pinahanap na siya sa mga pulis.
Napatingin siya sa buong silid, nagliwanag ang pakiramdam niya nang mapansin ang telepono sa mesa. Mabilis niyang dinampot iyon pero ganun lang din ang kaniyang pagkakadismaya nang malamang putol ang linya. Gusto niyang sumigaw pero tila wala na siyang lakas para gawin iyon.
Kapagkuwa'y bumaba siya ng kama para lapitan ang bintana. Saglit siyang natigilan sa pulang mantsa sa bedsheet, gusto niyang umiyak nang maalalang wala na nga pala ang virginity na inaalagaan niya sa mahabang panahon. Mabilis niyang pinahid iyon at nagmamadalin tinungo ang bintanang gawa sa matibay na kahoy.
Napapailing na lamang ang dalaga nang makitang nasa mataas na bahagi siya ng bahay at batis ang nabungawan niya sa unahan mga ilang dipa ang layo. Tanaw niya ang masiglang agos ng tubig na nanggagaling sa mataas na talon sa kanang bahagi. Pakiramdam niya, ang sarap maglunoy sa tubig pero sa kalagayan niya ngayon, hindi siya interisado rito. Tila nasa isang bundok yata siya dinala ng walang hiyang demonyong sumira sa kaniyang buhay!
Bigla, umihip ang malamig na simoy ng hangin kaya napayakap siya sa sarili at bumalik sa kama. Ano ba ang gagawin niya para makatakas sa bahay na ito? She must do something pero paano? Saan siya magsisimula? Hindi siya magaling sa ganito. Sa buong buhay niya, sa school, sa bahay at sa family company lang umiikot ang kaniyang mundo. Kaya nahihirapan niyang mag-isip kung ano ba ang magiging unang hakbang na una niyang gagawin.
Kapagkuwa'y pumihit ang seradura at may pumasok. Rumehistro agad ang takot at pangamba sa kaniyang mukha nang makita ang lalaki. Bigla siyang napaurong sa headboard ng kama at niyakap ang sarili.
“Eat.” At nilagay nito sa kama ang isang tray na may lamang pagkain. Pancake at Juice.
Napatitig siya sa nilagay nito at ngayon lang niya naramdaman ang gutom. Oo nga pala, kagabi pa siya hindi kumain pero ayaw niyang tumanggap sa pagkaing nasa kaniyang harapan. Who knows kung may lason ito? Papatayin na ba siya nito sa pamamagitan ng lason? Paano na ang ama niya? Hindi niya ito kakainin kahit na mamatay pa siya sa gutom.
“No...” nakayukong saad niya at lalong niyakap ang sarili.
Namulsa agad ang lalaki sa sinabi niyang 'yon. Pinagmasdan siya nito na tila isa siyang basang sisiw na takot na takot kainin sa agilang tulad nito na walang puso.
“Okay.” Tumalikod ito at tinungo ang pintuan. “Don't eat 'till you starve to death.” At malakas na sinara ang pintuan.
Napahikbi agad siya at nanumbalik ang mga luhang ayaw na niyang tumulo pa. Of all people, why her? Umiyak siya nang umiyak hanggang sa hindi niya namalayang ginupo siya ng antok. Napapagod siguro ang mga mata niya sa kaiiyak kaya ito na mismo ang tumigil at hinila siyang matulog sa kawalan.
NAKAPAMULSANG pinagmamasdan ni Cuhen ang naggagandahang bulaklak sa hardin ng bahay bakasyunan niya. This place was his perfect sanctuary 'with her beloved fiancee not until Don Hernandez killed his mother and fiancée Florae. Hindi niya ito kailanman mapapatawad at kung ano ang kinuha nito sa kaniya, sobra pa ang kukunin niyang kabayaran.
Dalawang linggo ang nakalipas simula sa patayang naganap. Wala siya sa Pilinas nang mga sandaling iyon ng pinatay ang kaniyang ina at babaeng pinakamamahal. May dalawang tama ang ina niya, ang isa sa tagiliran at ang isa sa dibdib. Samantalang tatlong tama naman sa noo sa fiancè niyang dalawang linggo na lamang sana at ikakasal na sila.
Fuck!
Dapat kasi hindi siya umalis para sa isang business meeting. Ano pa nga bang kwenta ng lahat ng pinaghihirapan niyang pera kung wala na mismo ang babaeng mahal na mahal niya? Hindi niya masisi kung umalis ng araw na iyon ang kaniyang Ina at si Florae... huling tawag ng babae sa kaniya ay kakain lang ang mga ito sa labas. Not knowing na iyon na pala ang una't huli nilang pag-uusap.
Damn!
Mariin niyang pinikit ang mga mata at hindi hinayaan tumulo ang luha na kanina pa nagbabadyang pumatak. Wala man lang siyang nagawa. Pero mas lalong nangalaiti ang galit niya dahil hindi matukoy ng mga pulisya kung sino ang pumatay sa dalawang babaeng mahalaga sa buhay niya. He even hired a professional investigator pero malinis ang pagkakagawa, walang isang lead ang nakakapagturo and it frustrate him more. Imposible kung wala kaya siya na mismo ang gumalaw kesa mabaliw siya sa kaiisip.
Nag-self investigate siya. Before siya naging isa sa pinaka-successful businessman at billion ang pera sa bangko, naging isa siya sa pinakamataas na batang opisyal ng Army. Nang nakilala niya si Florae anim na taon na ang nakaraan, iniwan niya ang pagiging opisyal at tinutukan ang pagiging businessman. Mas gusto niyang bumuo ng pamilya na kasama ito kesa ipagpatuloy ang pagiging Army na wala ito.
Nakakuha siya ng konting lead mula sa kaniyang pag-iimbestiga pero sapat na iyon para magpapatunay na walang ibang pumatay sa mahalagang tao sa buhay niya kundi ang matandang Don. Malinis ang pagkakagawa pero sa kaniya, hindi.
Its payback time. 'Yon mismong araw na nalaman niya na ito ang salarin ay inambangan niya ito sa mansiyon pag-aari nito. Nakahanda na ang kaniyang baril sa pagpatay sa matandang lalaki nang mula sa likuran ay sumulpot ang babaeng anak nito. Yumakap ang huli at humalik sa noo ng matanda. Pinaggugulo naman ni Mr. Hernandez ang kulutang buhok ng dalaga at kitang-kita sa hitsura ang pagiging mapagmahal na ama sa isang anak bago ito sumakay ng kotse.
Ang plano niyang patayin ito ay hindi natuloy dahil may isang planong pumasok sa kaniyang isip at 'yon ay ang nag-iisang anak nitong dalaga. Napangisi siya, let the game begin. Maglalaro siya ng patas ayon sa ginawa ng Don sa kaniya. Hindi nito alam na ang kalabanin siya ay tila isang suntok sa matulis na bakal.