Sa pagmamadali niyang makalayo kahit imposibleng matakasan niya ito sa ganitong ayos ay hindi niya napansin ang napakataas na bangin sa dinaraanan. Ang tanging gusto niya ay matakasan ito at maisalba ang sariling buhay. Pero sa isang hakbang niya ay naramdaman niyang kumawala ang kaluluwa niya. Isang malakas na tili ang kumawala sa kaniyang lalamunan. Pasalamat na lamang siya sa kaniyang sarili dahil sa alertong namutawi sa sistema para lamang makahawak sa nakausling ugat ng puno. Kung sakaling mang hindi siya nakahawak ay malamang durog at patay siyang bumagsak sa ibaba.
"Damn!" Hindi niya namalayang nasa kaniyang harapan na ang lalaking kanina pa niyang pilit na tinatakasan. Mabilis itong dumapa sa lupa at iniabot ang kaniyang kamay. "Grab my hand, woman!"
Umiling siya. Hindi niya puwedeng abutin ang kamay nito, dahil sa oras na abutin niya ito ay mawawalan ng saysay ang pagtakas niya. Pumatak muli ang mga luhang nagpapatunay sa kaniyang kahinaan.
"Bullshit! Grab it now!" malakas na singhal nito.
Pumikit siya. Ayaw na ayaw niyang tanggapin ang tulong na ibinibigay nito, pero ayaw naman niyang tuluyang mahulog sa bangin. Sa tantiya niya ay lagpas one-hundred feet ang taas nito plus creeping creatures pa. Sa pagdadalawang-isip ni Ellah ay hindi niya napansin ang dahan-dahang pagkaputol ng maliit na ugat kung saan siya nakakapit.
Hindi masukat ang lakas ng sigaw niya. Muntik na itong lamunin ng bangin kung hindi lamang naka-responde ang lalaking kasama niya. Ang bigkis ng kamay nito sa kaniyang pulsuhan ang nagsilbing lakas upang iangat siya mula sa bingit ng kamatayan. Narinig pa niya itong nagsalita, "I got you!"
Ilang sandali pa ay nagpiyesta ang mga butil ng ulan sa alapaap, kasabay ring iyon ang tuluyang pag-angat nito sa kaniya.
"P-papatayin mo na ba ako?" nangangatal sa takot na tanong niya. Para siyang isang basang sisiw na iniwan ng inahing manok at nawawala. Wala siyang nakuhang sagot mula kay Cuhen. Walang emosyong ipinangko siya nito habang patuloy sa pagbagsak ang kaniyang mga luha. Ang lalaking may balak patayin siya ay narito sa kaniyang harapan at iniligtas siya.
Bakit pa siya tinulungan nito kung papatayin lang siya nito? Puwede naman siya nitong hayaan na mahulog na lang, dahil ito naman talaga ang plano nito sa una pa lang.
She felt hopeless. Ang nag-iisang pag-asa niyang makatakas ay wala nang saysay. Mukhang kailangan niya nang tanggapin na ito ang buhay na naghihintay sa kaniya. Ang malakas na buhos ng ulan ay nagpadagdag sa bigat ng dibdib niya sa mga sandaling ito.
Inaamin niya sa sariling si Cuhen Malcogn ay isang lalaking nagtataglay ng kakaibang karisma. Nag-uumapaw ang s*x appeal at idagdag pa ang mga mata nitong tagos sa kaluluwa kung makatitig. Every woman desired to be his girl. Kahit may fiancèe na ito ay maraming babae ang nabaliw pa rin sa lalaki.
Ang lawak ng source niya sa binata. Kung ito ba naman ang laging laman ng mga babaeng employee ng kaniyang ama sa tuwing naririnig niyang nagtsi-tsismisan ang mga ito. Pinangarap niya dati na makita ito sa personal, dahil hinahangaan niya ang taglay nitong talino at husay sa pagpapatakbo ng negosyo na ngayon ay namamayagpag sa buong Asya. Pero ngayon – imbes na paghanga ang nararamdaman niya galit – takot at pagkasuklam ang kaniyang nararamdaman.
Dahil sa naramdamang pagod, hindi niya namalayang nawalan siya ng malay sa mismong bisig nito habang hilam sa luha ang kaniyang mga mata.
***
Napasulyap si Cuhen sa dalagang pangko-pangko niya. Napailing siya nang mapansing nakatulog ito. Pinasakit ng babaeng ito ang ulo niya sa kahahanap. Akala siguro nito ay matatakasan siya. Siya lang ang nakakaalam sa pasikot-sikot ng lugar, kaya halos manggalaiti siya sa galit nang maisahan siya nito.
Kung hindi pa siya bumalik ng bahay dahil nakalimutan niyang dalhin ang baril for in case of emergency ay hindi niya pa nalaman na sa kanang bahagi tumakbo ang dalaga. Ilan sa mga tanim na bulaklak ng bakuran ay naapakan at may mga bakas pang paa sa malambot na lupa.Wala siyang sinayang na oras, at agad na sinundan ito. Alam niyang sa mga sandaling iyon, hindi pa nakalalayo ang babae, at kapag hindi niya ito maabutan ay baka sa bangin ang deretsong bagsak nito.
Takipsilim nang dumating sila sa bahay at basang-basa. Marahang nilapag ni Cuhen si Ellah sa kawayang sofa. Mabilis siyang kumuha ng malinis na tuwalya, t-shirt at boxer na pag-aari niya.
Hindi ito nagising nang simulan niyang hubarin ang damit na suot ng babae. Damn! Inis na ipinukol niya ng masamang titig sa kisame at kinontrol ang sarili.
Kapagkuwa'y mabilis niyang isinuot sa dalaga ang damit na may pag-iingat at pagtitimpi sa sarili na hindi angkinin ito sa ganitong sitwasyon bilang kabayaran sa ginawa nito. Sinunod niyang gamutin ang mga galos nito at sugat sa paa. Kung gising pa ito ay kanina na ito nakatikim ng kaniyang galit. Sunod naman na kaniyang ginawa ay binuhat ang walang malay na babae paakyat sa silid nito. Damn this woman for making him mad! Ipagpapa-bukas niya na ang parusa nito, at tiyak na hindi nito magugustuhan ang kaniyang gagawin.
Malakas pa rin ang buhos ng ulan, at minsan nga ay sinasabayan ito ng pagkulog at pagkidlat. Napailing siya at dahan-dahang inilapag ang katawan nito sa malambot na kama saka niya ini-on ang switch ng lampshade.
Kumuha siya ng panibagong kumot sa cabinet at kinu-mutan ito. Tinungo rin niya ang bintana, kinuha roon ang kumot na ginawang bitag ng dalaga sa kaniya at sinarado. Hindi niya talaga akalaing gagawan siya nito ng kakaibang patibong, at napaniwala naman siya. Ang akala niya'y ang tanging nagagawa nito ay umiyak lang sa tabi at makiusap.
Not gonna happen again, woman!
Mabilis niyang inihakbang ang mga paa patungo sa pintuan at walang emosyong lumabas. Nakakuyom lamang ang kaniyang mga kamao, at alak ang naging takbuhan niya sa mga sandaling ito. He needs to calm himself. Sa ngayon ay wala pa siyang gagawin sa babae, pero bukas ay magsisimula ang parusang nararapat dito. Titiyakin niyang masasaktan nang sobra ang pinakamamahal nitong ama na nagtatago sa balat ng karnero. Nangangati na siyang patayin ang matanda pero huwag muna sa ngayon! Ipapalasap muna niya ang sakit na idinulot nito sa buhay niya.
Lumipas ang ilang sandali, bumalik siya sa silid ng babae at sinilip ito kung buhay at humihinga pa. Nagtagis ang kaniyang bagang nang makitang umiiyak ito at nangangatog. Pinagsawalang-bahala niya ang bagay na iyon at akmang isasara ulit ang pinto para lang humugot ng malalim na buntonghinga . . . pero na-estatwa siya sa kinatatayuan. Pinagmasdan niya ang patuloy na pag-iyak nito; wala siyang nagawa kundi ang lapitan ang babae at damhin ang noo.
Napapasong inilayo niya ang kamay sa sobrang init ng dalaga. Nanginginig ito, at hindi kasya ang kumot na ibinigay niya. Napamura siya at mabilis na tumayo.
Kuyom ang mga kamao nang magtungo siya sa kaniyang silid at kumuha ng gamot. Nag-init na rin siya ng tubig sa heater at ibinuhos niya ito sa maliit na palangganita. Kumuha na rin siya ng bimpo.
Bullshit!
Sa isip niya ay isa siyang kidnapper kahapon, pero mukhang nabaligtad ang mundo nang maging tagapag-alaga siya ngayon ng may sakit? Damn hell! Hindi ito ang plano niya.
Bitbit ang gamot, isang basong tubig at palangganita, pumasok siya sa silid ng babae. Ginising niya ito para painumin ng gamut, pero nanatiling nakapikit ito at umiiyak. Napailing siya at walang nagawa kundi ang lapatan na lamang ng maligamgam na bimpo ang noo ng dalaga.
Tumayo rin siya at kumuha ulit ng panibagong kumot sa cabinet at dinagdagan ang kumot na nakasaplot sa katawan ng babae. Medyo nakatulong ang kaniyang ginawa, dahil tumigil ito sa panginginig.
"Hey, woman!" Tinapik niya ang pinsgi. "Uminom ka ng gamot," aniya, pero nanatiling nakapikit ito.
He cursed under his breath. Parang gusto niyang sapilitan itong painumin para makapagpahinga na siya. Malapit nang mag-hatinggabi, at gusto na niyang magpahinga. Napansin niyang tumila na ang ulan, at napalitan ito ng tila ritmo ng mga kulisap.
"D-dad . . ."
Napakuyom ang kaniyang kamao. That's it! Tila nabingi siya sa sinambit nito dahilan para sapilitan niya itong niyugyog. Napaismid siya nang dahan-dahan itong nagmulat ng mga mata. Mapupungay ang mga iyon at pulang-pula dahil siguro sa pag-iyak.
"Drink," utos niya nang iminuwestra ang gamot sa bibig nito at basong may lamang tubig.
Muling pumatak ang luha sa mata nito, at kahit lampshade lang ang nagbibigay ng liwanag sa naturang silid ay alam niya ang takot na nakasalamin sa mata ng dalaga.
"Come on, drink!" Maikli lang ang kaniyang pasensya, dahil mabilis lang mag-react ang kaniyang mala-bulkang ugali.
Walang ingay na sinunod siya ng dalaga. Nanginginig ang mga kamay nito nang abutin ang gamot at dahan-dahang nilagok ang tubig. Agad siyang tumayo at tinalikuran ito. Magpapahinga na siya sa kabilang silid, tutal ay napainom niya na ito ng gamot.