Chapter 1

2035 Words
"I'm sorry to keep you waiting Ms. Blaunche" Napaangat ako ng tingin sa pulis na umupo sa harap ko, hangga't maari iniiwasan kong mairapan siya kahit naiirita na ako dahil 30 minutes na akong naghihintay dito sa interrogation room. Kailangan kong ayusin ang pagkilos ko dahil maraming mata ang nanonood saakin ngayon, katulad na lang ng apat na tao sa likod ng malaking salamin na ito. "Okay lang po, bakit po ba ako nandito?", inosente ko siyang tinignan at huminga naman siya ng malalim bago ako sinagot. "Natagpuang patay si Mr. Jefferson Carter sa kanyang hotel room kaninang umaga. He was killed between 9- 11am" Nagtakip ako ng bibig at nagkunwaring nagulat. "Kilala mo ba siya?" Tinignan ko siya na may takot at pangamba sa mga mata na para bang first time ko maranasan ang ganitong bagay. "Hindi niyo naman po siguro iniisip na pinatay ko siya?", nagsimula nang magluha ang mga mata ko at nataranta naman ang pulis. Minsan talaga iniisip ko na dapat nag-artista na lang ako, ang galing kasi ng acting skills ko. "Hindi hindi!!, pinatawag talaga namin lahat ng taong pumunta sa hotel na iyon para kitain si Mr. Carter kasi may mga kailangan lang kami itanong",pagpapakalma niya saakin. Umarte ako na parang naiiyak, suminghot singhot pa ako at pinunasan ng panyo ang mga mata ko. "Wala po talaga akong kinalaman dito, bago lang po ako dito sa siyudad galing po akong probinsya. Nakilala ko po si Mr. Carter sa bar kung saan ako nagpa-parttime tapos nag-offeran po siya na magtrabaho ako sa hotel niya, bibigyan niya raw po ako ng mataas na sahod kung gusto ko raw pumunta raw ako kinabukasan sa hotel niya ng umaga." Malaking tao si Jefferson, dahil doon maaring mabawasan ang pagdududa saakin ng pulis dahil iisipin niya na hindi kakayanin ng babaeng tulad ko na mapatumba ang lalaking kagaya niya pero hindi ako pwede magpakampate, kailangan ko pa rin umarte para mas lalo pa siyang makumbinse. "Kaya nandoon ka ng 10:15 at umalis ka ng hotel ng 10:30, ikaw ang huling bumisita kay Mr. Carter bago siya matagpuang patay ng 11pm. May napansin ka bang kakaiba?" Pinanatili ko ang nakakawang mukha ko at umiling sa tanong niya. Obviously, that b*tch sold me out that's why I'm here. I already compelled the personnel responsible for the CCTV, how come they knew about that? Obviously, that girl contacted one of the police, how did I know? Because I’m not stupid. "Hindi ko naman po siya nakausap, katok ako ng katok pero walang sumasagot kaya napagdesisyunan ko na lang po na umalis na" Tinignan ko ang pulis at sinusubukang basahin ang nasa isip niya, halatang onti-onting nawawala ang pagdududa niya saakin. Hinawakan ko ang kamay niya at tinignan siya sa mga mata. "Inosente po ako, maniwala kayo. Ayoko po masangkot sa mga ganito lalo na't bago lang po ako dito, gusto ko lang po talaga magtrabaho" Tinignan niya rin ako at tinap ang kamay ko na nakahawak sa isang kamay niya. "Naniniwala naman ako hija lalo na't 15 minutes ka lang doon" Tama yan maniwala ka at alisin mo ang lahat ng pagdududa mo saakin. Ilagay mo sa isip mo na inosente ako. "Talaga po naniniwala kayo?", inalis ko ang kamay ko sa kanya at tumango naman ang pulis bilang tugon, na nagpangiti saakin sa loob loob ko. Ano kaya ang iniisip ng babaeng iyon at sinet up niya ako dito, eh alam niya namang madali lang saakin ang makalusot dito. I can just compel them just like what I am doing now. Iniinis niya ba ako o may pinaplano pa siyang iba? "Sigurado ka bang wala kang nakitang ano mang kahinahinala pagpunta mo roon o bago ka umalis?" "Wala po talaga kasi hindi naman po ako nakapasok sa loob ng kwarto niya" Tumango tango ang pulis at napagdesisyunan na niyang pauwiin ako. When I closed the door of the interrogation room, I can't help it but smile. Idiots. Habang naglalakad palabas narinig ko ang pag uusap ng mga pulis na nanonood habang nasa interrogation room ako. "Imposibleng siya ang killer, hindi niya mapapatay si Mr. Carter in the span of 15 minutes lalo na't nakita naman natin na pinahirapan siya bago siya binaril" Grabe, they're underestimating me. Pagkalabas ko ng police station ay tumingala ako at pumikit habang dinadama ang simoy ng hangin. "Alicia mabuti at nakapunta ka", maligayang bati saakin ni Jefferson Carter isang mayamang business man na nasa kanyang 40's. Pumasok ako sa loob at narinig ko ang paglock niya ng pinto. Nilibot ko ang kanyang kwarto, mukhang kakagising niya lang, nakasara pa ang mga kurtina. "So have you thought about the job?" Humarap ako sa kanya at nginitian siya ng matamis. Tumawa siya at lumapit saakin tapos dahan dahang hinawakan ang balikat ko. Wrong move. He just crossed the line. Hinawakan ko ang kamay niya at binali ito, napasigaw naman siya sa sakit. "Sinong nagsabing may karapatan kang hawakan ako? Nagulat siya sa pag-iiba ng expression ng mukha ko. Hinawakan ko siya sa leeg at inangat, pilit naman siyang nagpupumiglas pero syempre mas malakas ako. Hello, I’m Alicia Blaunche a freaking royal. Hinagis ko siya sa may salamin kaya ito nabasag tapos bumagsak naman siya sa sahig. Good thing, I’m wearing my gloves it will help me to leave no trace behind. Hindi kasi dapat malaman na gawa ito ng isang supernatural creature dapat magmukha lang itong normal na murder case para hindi na makielam pa ang Institution. Gustuhin ko man siyang patayin sa paraang gusto ko pero kailangan kong mag-ingat kaya nilabas ko ang silencer ko at tinapat sa kanya. Kita ko naman ang takot sa mga mata niya. “Sino ka at anong kailangan mo?” gumapang siya palayo at pilit na tumatayo kahit nanghihina. “I received an order to kill you” Diretsahan kong sabi na mas lalo niyang ikinatakot samantalang ako ay natutuwa lang sa nangyayari. Hinagis niya saakin yung vase pero mabilis akong nakaiwas. Nanlaki naman ang mata niya sa nakita niya. "S-sino ang nag utos sayo??? Makano ang binayad niya dodoblihen ko" Napairap naman ako, akala talaga ng mayayamang ito lahat maayos nila kapag ginamitan nila ng pera.. Tinignan ko ang relo ko, sampung minuto na ang nakaklipas, kailangan ko na siyang tapusin. "I'm sorry but you don’t have what I want, better luck next time." Binunot ko ang baril at pinaputok sakto sa noo niya. - Napangiti ako sa ganda ng panahon ngayon at tuluyan nang umalis sa police station. Habang naglalakad ay nilabas ko ang phone ko ay may tinawagan. "Hey, I need you to find that traitor now." binaba ko ang tawag at hinila ang isang lalaki na sasakay na sana sa kotse niya. "What the--?" Hinawakan ko siya sa balikat at tinignan sa mga mata. This is the fun thing about being a vampire, I can compel a mundane. "Give me your keys and get lost", inabot naman niya saakin ang susi at pumasok na ako sa loob ng kotse niya. In fairness ang ganda ng kotse niya at malinis. Before leaving I rolled down the window," Thanks", I winked at the guy then started driving. Pasalamat siya maganda ang mood ko ngayon kaya hindi ko na siya pahihirapan pa. I received a text containing the location of that traitor. So that's where you are huh, wait for me, because I'll be paying you a visit. Sinuot ko yung shades na nakita ko dito sa loob at mabilis na pinatakbo ang sasakyan. Madali lang akong nakarating sa location at sakto naabutan ko siyang tumatakbo sa kalagitnaan ng daan. I bet someone is chasing her, so I'm not the only one who wants her dead. Tumigil ako sa harap niya at binaba ang bintana ng kotse. "Get in!", sigaw ko sa kanya, sasakay na sana siya kaso tinamaan siya ng isang arrow sa likod tapos biglang may nag-appear na vampire at kinaladkad siya palayo. Napairap naman ako sa pagkairita. Anong karapatan nilang unahan ako. Bumaba ako ng kotse at isa isa silang inatake, in just a second, I snapped all their necks. Binaba ko ang shades ko at tinignan si Elaine na halatang gulat pa sa nangyari. "What are you doing? Get in the car now",mukhang natauhan siya sa malakas kong boses at pumasok na kami sa loob ng kotse tapos pinaadar ko ito ng mabilis. "Maraming Salamat", she said breaking the silence. I scoffed hearing what she said. "Don't thank me yet" I smirk while driving. Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa isang gubat kaya hininto ko ang sasakyan at bumaba, Napansin ko namang hindi pa bumababa si Elaine at mukhang nagtataka sa nangyayari kaya lumapit ako sa kanya, binuksan ang pinto at hinila siya palabas. Pumasok kaming dalawa sa loob ng gubat. "Why are we here?" Tumigil kami sa paglalakad at humarap ako sa kanya tsaka tinignan siya maigi. What is this girl planning?? Nginitian ko siya at hinawakan ang balikat niya. "Do you think I really don't know?",malamig ko siyang tinignan. Alam niya namang mas matalino ako sa kanya kaya bakita nagawa niya akong traydorin? "Huh?" she looked confused but before she realized what she had done to me, I immediately pulled her heart out. "Remember, nothing good will happen when you betray me" Bumagsak siya at binato ko sa tabi niya ang puso niya. Nilabas ko ang panyo ko at pinunasan ang kamay ko tsaka tinapon din ito pagkatapos. I'm sure that she is the reason why those freaking cops called me for questioning. She should be choosing her enemy wisely. Tinignan ko ang relo ko, malapit na mag 6pm. Kailangan ko na mag ayos dahil may pupuntahan pa akong party. I went back to my apartment to change clothes. I chose my sexiest dress, syempre hindi dapat ako magpapatalo sa birthday celebrant lalo na't hindi niya ako inimbitahan. Humarap ako sa salamin at nagsimula nang maglagay ng make up, ang pinakahuli kong nilagay ay ang red lipstick ko tapos sinuot ko ang family ring heirloom na nakuha ko kapalit ng pagligpit ko kay Mr. Carter. Okay, I'm all set. Sumakay ako sa red sports car ko at bumaba sa may RubiesX kung saan nagaganap ngayon ang birthday party ng isa sa malapit kong kaibigan. Pagpasok ko sa loob ng club ay napalingon sa akin ang mga tao doon, nagsimula na silang magbulong bulungan, ang iba ay gulat at hindi makapaniwala, marami ang nagtataka bakit ako nandito pero hindi ko sila pinansin sa halip ay taas noo akong naglakad at kinuha ang iniinom na alak ng isang lalaki tapos nagsayaw ako sa gitna. Nag-usuguan ang iba tapos may ilan ding tumigil sa pagsasayaw pero wala pa rin akong pake at patuloy pa rin sa pagsasayaw. It's a birthday party after all, so might as well enjoy. "Isn’t that Alicia Blaunche?" "Isn’t she not in good terms with Jessica??" "Sa pagkakaalam ko rin hindi naman siya invited" "Bakit siya nandito?" Alam naman siguro nila na naririnig ko sila no? Since I'm a freaking vampire and I have an enhanced six sense, I can clearly hear everything. Tumigil ako sa pagsasayaw at naglakad papunta sa mga nagchichismisan, halata namang nagulat sila sa paglapit ko. "If you want to ask me something, say it directly to my face because you know I can hear you loud and clear" Napayuko lahat sila at walang naglakas ng loob na magsalita. I clicked my tongue at binangga ko sila pag-alis ko ng dance floor kaso nakakailang hakbang pa lang ako nang biglang may nahulog na bote ng wine mula sa taas pero syempre dahil mabilis ang reflexes ko kaya bago pa man tumama sa ulo ko ay nahawakan ko na ito. Napatingala ako at nakita ko sa second floor si Jessica ang birthday celebrant na nakasmirk habang nakatingin saakin. "Nice try " Humarap ako sa may stage at pumusisyon na parang naglalaro ng baseball at hinagis ang bote ng wine na hawak ko sa mga ilaw sa stage, sumiklab ito at kumalat ang apoy kaya nagkagulo ang mga tao. Tumingala ako para tignan si Jessica at sa pagkakataon na ito ako naman ang ngumiti ng matamis. "Happy birthday" Nagbad finger siya bilang tugon sa pagbati ko. I flipped my hair then walked away. ----
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD