Chapter 2

2102 Words
I don't know why I've been attending birthday parties lately. Humanap ako ng pwesto habang busy ang mga bisita sa mga kaganapan sa party, umupo ako sa may gilid at sinubukan yung wine nila. In fairness masarap, pero may lasa ako na hinahanap hanap eh. Kinalabit ko yung katabi kong lalaki at matamis siyang nginitian. "Can I borrow your wrist?" Walang angal niya itong nilahad saakin, syempre I compelled him, perks of being a vampire. I fed on him then after I quench my thirst, I wipe my mouth with the tissue on the table. Pagkatapos magsalita noong babaeng nasa tabi ng birthday celebrant ay tumayo ako at pumalakpak. Napalingon ang lahat saakin at nakita ko ang panlalaki ng mata ni Jackie, yung babaeng nagbibigay ng mensahe kanina. Based on the look on her, I bet she knows me. "Okay, why don't we all stand and have a toast for that wonderful message?" Lahat ay sumunod sa sinabi ko at nagpalakpakan pagkatapos. Nginitian ko si Jackie at agad siyang naglakad paalabas. Sinundan ko siya at tumigil kami sa may garden kung saan walang tao dahil lahat sila ay nasa loob. "Anong ginagawa mo dito?", lumingon lingon siya sa paligid para tignan kung mag-isa lang ba ako. "You know why I'm here" Dahan dahan akong naglakad papalapit sa kanya, samantalang siya ay umaatras sa bawat paghakbang ko. "Ayoko ng gulo, please hayaan mo na lang ako. I promise I will be out of your sight", pakikiusap niya. "But dear you know that's not how it goes" Mabilis siyang nawala sa harapan ko pero agad ko rin siyang naharang bago pa siya makatakas. "You can't kill me here, maraming tao" I scoffed, does she really think, I'm stupid? "Don't worry I already compelled them" Halata ang pagkagulat niya sa narinig niya pero nginitian ko lang siya. "Pleasee, pabayaan mo na ako", lumuhod siya sa harap ko Hahawakan ko sana siya pero sa halip ay pinigilan niya ang kamay ko at tinangkang atakihen ako pero napigilan ko rin siya at pinalipad. Bago pa man siya bumagsak sa damo ay nakarating na ako sa harapan niya hawak hawak ang stake na gagamitin ko para patayin siya, Agad siyang tumayo at nilabanan ako pero sa huli siya ang bumagsak. Pinatong ko ang paa ko sa leeg niya habang siya ay nakahiga sa damuhan. Hinawakan niya ang paa ko at buong lakas akong pinatumba. Tumayo ako agad at ngayon ay magkaharap na kami. "I know you wouldn't understand me because you are a royal, you have the power and connection hindi katulad ko. You don't know how painful and hard it is, hindi ko naman ginusto na mapunta sa organisasyon na yun eh. Sana hindi na lang nila ako niligtas kung gagawin lang pala nila akong alipin. I just want to be free" I can see the pain in her eyes Huminga ako ng malalim. "I agree, being a royal gives me the privilege to just walk out of the organization anytime I want. I find it unfair too" Parang nagkaroon ng onting pag-asa si Jackie sa narinig niya. She let her guard down for a second and I took that opportunity to attack her. Sinandal ko siya sa pader habang ang kamay ko ay nasa leeg niya at ang isang kamay ko ay may hawak na stake na nakatutok sa puso niya. "But you know my dear, that is not my problem plus I don't really care" She looked dumbfounded. "You're really that heartless huh?", kapos na hininga niyang sabi. "Ohh we have a company", tumayo ako ng tuwid at binitawan siya. Napadilat naman si Jackie at napatingin sa paligid. "I think it's your lover", gulat na napatingin saakin si Jackie at mabilis na lumayo saakin. "Steven?", pagtawag ni Jackie sa binata. Narinig at naramdaman ko naman ang onti onting paglabas ng lalaki kung saan man siya nagtatago kanina. Hmmm. A mundane... "Bakit ka nandito?", puno ng pagtatakang tanong ni Jackie. "Please don't kill her", sabi saakin ng binata kaya agad na tumabi sa kanya si Jackie. "Anong pinagsasabi mo? Umalis ka na dito", pero umiling lang yung lalaki sa sinabi ni Jackie. Hindi ko na natiisin ang kadramahan nilang dalawa kaya sumingit na ako. "Okay since I don't want you to think that I'm heartless, I'm giving you a chance yeheey!" Pumalakpak ako sa excitement pero mukhang hindi naman sila natutuwa. "I'm giving you a chance to persuade him to go and save his ass", I said while pointing at the guy. "I'll be giving you 10 seconds" I crossed my arms while watching them talk. The guy wants Jackie to come with him but of course, Jackie knows better, she knew that I'm going to hunt her until the very end of the earth so running away is useless. "10 seconds is up, so who should I kill first?" Nagkatinginan ang dalawa at pumwesto sa harap ang lalaki na tila hinaharang si Jackie para maprotektahan ito. Muntik na akong matawa sa ginawa niya. "So, you choose to die together? Wow how romantic", sarcastic na sabi ko. "Can't you just let us go?" I smiled at him, "I'm sorry but that wasn't part of the deal" Mabilis akong inatake ni Jackie at naglaban kaming dalawa. Too bad I was faster than her, while she was too focused on attacking me, I set my eye on the guy. Hindi na niya ako pinahirapan dahil siya na mismo ang lumapit saakin para matulungan sana si Jackie. So, I ended up pulling his heart out. "NOOOOOOO!!", she screamed in agony. "Ops", I dropped his heart to the ground. Galit na galit siyang sumugod saakin, napahinga naman ako ng malalim bago sinalubong ang bawat atake niya. She was very determined to kill me that got me thrilled but I was able to put the stake through her heart first. Dahan dahan siyang napabitaw saakin. "I hope you'll never be happy", those were her last words to me. I smirked as I watch her body fall on the ground and burn. "Don't worry, I'll stay as a sad little b*tch" Well, I was quite happy for a short period of time but when my mom died, everything became messier, my life became darker, sadder and empty. Nakalimutan ko na nga ata yung pakiramdam na maging masaya. Naglakad ako papasok at nilapitan yung babaeng nakatayo malapit sa bukana ng garden. Nilahad ko ang kamay ko at nilapag naman niya doon yung cellphone. Inutusan ko siyang kuhaan yung buong pangyayari dahil kailangan ko ng proof na pinatay ko nga si Jackie. I looked at her right straight through her eyes. "Go back and forget everything" Kumurap siya at tumalikod saakin tapos naglakad na paalis samantalang ako ay nagpunta sa parking at sumakay sa kotse ko. I drove back to the headquarters. Pagbaba ko sa kotse ay sinuot ko ang shades ko at taas noong pumasok sa loob. Dumiretso ako sa office ng head at walang katok katok na pumasok sa loob. "Miss Blaunche" Ibinaba ni Miss Rael ang salamin niya nang makitang pumasok ako. Lumapit ako sa kanya. "I've done my part, make sure that you'll do yours", nilapag ko yung cellphone na naglalaman ng ebidensya. "Are you sure you want to quit the organization", pinagdikit niya ang dalawang kamay niya habang nakapatong ito sa lamesa "Yeah, been here for 5 years and it's really boring me out" She smirked at my remark. May kinuha siya sa may drawer niya na papel na naglalaman ng kasunduan namin at isa pang papel for my resignation tapos ballpen. Kukunin ko na sana yung mga documents pero pinigilan niya ako kaya napataas ako ng kilay. Tinanggal ko yung shades ko para maigi ko siyang matignan sa mata. "You know they won't let go of you that easy right?" Nginitian ko siya at dahan dahan kong inalis ang kamay niya sa mga papel. "I know, that is why I had a deal with you so you could back me up", nang maalis ko na ang kamay niya ay hinila ko papunta saakin yung mga papel "If they won't let me go, I will make sure to bring you down with me", malamig kong sabi at tinalikuran siya. "Make sure you'll put a good word for me okay", I said while walking away. Sinara ko ang pinto tapos nilagay yung mga papel sa loob ng bag ko at muling sinuot ang shades. "Alicia!!" Napatigil ako sa paglalakad nang may humawak sa balikat ko, agad akong napalingon sa kanya. "Is it true that you're leaving the organization?" Inayos ko yung bag ko tsaka nilagpasan siya pero sa isang iglap biglang nasa harapan ko na siya. Poker face ko siyang tinignan "Are you running away?? Why?? May naghihire bang organization sayo from another country? or did you do something stupid?" Sunod sunod na tanong ni Zion. It's been 23 years since I left the royal realm. Simula nang makalaya ako doon wala akong ibang ginawa kung hindi magtravel sa iba't ibang bansa, halos malibot ko na ang buong mundo. May mga pagkakataon na nagtatagal ako sa isang bansa dahil sumasali ako sa organization. They can't help but hire me since I have the looks, skills and talent. I'm a strong fighter because my mother raised me to be one. With the strength and ability that I have, I was able to do missions successfully. Ito ang panglima ko, dito ako pinakatumagal pero aalis na rin ako kasi ayoko na. I'm done working besides I don't need to work; I have tons of money. I just joined those organization to try if there is a place where I belong. "No Zion", inalis ko ang pagkakahawak niya sa wrist ko. "Then what??" "Well, I just don't want to work anymore" I've been doing this for years and I don't feel the excitement that I had before. Parang habang tumatagal hindi ko na ito nakikitang interesting and fun. "Then where are you going? Mangingibang bansa ka? Sasama ako." He knows very well that I love traveling. "Are you crazy?" Nakahithit ba ng drugs itong si Zion? Anong sasama? He's acting werid. "I stayed here because you are here" Binatukan ko siya. "Don't give me that sh*t. You're here because this is what you want. You like what you are doing, while me? I don't know exactly what I want, I'm still exploring" He is considered one of the best agents here. Naalala ko noong unang beses kaming nagkakilala ni Zion sobrang snob at competitive niya samantalang ako sobrang mataray at maldita ako kaya wala kaming kaibigan dito. Sabay kaming pumasok dito sa organization na ito at sabay din kaming nagtraining at nakapasok. Actually, marami kaming kasabayan noon pero si Zion masyadong focus sa goal niya kaya hindi niya napapansin ang iba, ako naman sadyang wala lang pake sa kanila at dahil doon kami na yung medyo madalas magkasama kasi wala kaming kinabibilangan na ano mang group of friends dito. "You're leaving me?" Halos matawa ako sa itsura niya. Never ko pa siyang nakitang ganito, sobrang nakakapanibago. Para siyang bata na iiwan ng mama niya. "Kailan ka pa naging clingy. Tigil mo nga yan kinikilabutan ako" Nanatiling seryos yung mukha niya. "Alicia you're my friend that's why I care" Napa "oh" naman ako sa sinabi niya "Really?!", kita ang pagkairita niya sa naging tugon ko. "Unfortunately, ikaw lang ang nakapasa sa standards ko kaya ikaw lang ang kaibigan ko. Whether you like it or not" Totoong meron siyang mataas na standards. Kapag hindi ka magaling tablado ka at ayaw niya ng palpak. Isang beses nasa mission kami tapos nabahing ako kaya nahuli kami ng kalaban, pagkatapos namin sa mission kahit success pa sobrang pinagalitan niya ako. Ang dami niyang sinabi hanggang pag-uwi. "Hey, this won't be the last time that you'll be seeing me so stop that!" I'm referring to his sulking face. Akala mo naman, I'll be gone forever. "Make sure you're going to visit me" Sa sobrang haba ng diskurso namin nakarating na kami sa tapat ng kotse ko. "I'm serious Alicia" "Seriously, you should find another friend so you would stop clinging to me like that" Tinignan niya ako ng masama pero inilingan ko lang siya at pinindot ko ang car key ko. "Let's have a drink before you leave" Binuksan niya ang pinto ng kotse ko at pumasok na ako sa loob. "Whatever", sinara ko ang pinto tapos ay tinalikuran na niya ako at naglakad papasok sa headquarter pero bago pa siya tuluyang makalayo ay binuksan ko ang bintana ng kotse ko. "Don't miss me too much, okay?" Lumingon siya saakin at kinindatan ko siya tsaka tuluyang nagdrive paalis. ____
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD